CHAPTER 26 THIRD PERSON POV Bandang alas-sais ng gabi, dumating si Ezekiel sa mansyon sakay ng paborito niyang sports car. Mula sa labas pa lang, ramdam na ang pagod niya isang buong araw ng meetings, numbers, desisyon, at pagiging seryoso bilang CEO. Gusto na lang niyang umuwi, magpalit ng damit, uminom ng malamig na tubig, at humiga kahit sandali. Tahimik ang paligid. Masyadong tahimik. Bumaba siya ng sasakyan, isinara ang pinto, at nag-unat ng leeg. Walang ilaw sa garden. Walang tunog ng tsismisan nina Manang. Wala ring bungad na “Sir, welcome home.” “Hmm?” bulong niya. “Nasaan ang mga tao?” Naglakad siya papunta sa main door. Hawak niya ang susi, nakakunot ang noo. Pagod ang isip niya kaya hindi niya napansin ang isang munting pigura na nagkukubli sa gilid ng pinto nakadapa, halo

