CHAPTER 25 EZEKIEL POV Tahimik akong lumabas ng mansion. Hindi ako nagpaalam nang mahaba. Isang tango lang kay Manang Ading, isang sulyap sa hagdan paakyat kung saan alam kong nandoon si Crystal saka ko isinara ang pinto sa likod ko. May mga pagkakataong kailangan mong umatras, hindi dahil duwag ka, kundi dahil may responsibilidad kang mas mabigat kaysa sa nararamdaman mo. Tumunog ulit ang phone ko habang papasok ako sa sasakyan. “Sir Ezekiel,” maayos at kontrolado ang boses ng secretary ko. “May emergency meeting po ang Project Heads. May issues po sa dalawang ongoing developments.” “On my way,” sagot ko. Diretso. Walang emosyon. Pagdating ko sa company, sinalubong agad ako ng pamilyar na eksena malawak na lobby, salamin sa bawat direksyon, mga empleyadong abala, may nagmamadali, m

