bc

10 Reasons to Lose Weight

book_age16+
690
FOLLOW
3.1K
READ
billionaire
love-triangle
possessive
friends to lovers
powerful
CEO
comedy
sweet
bxg
chubby
like
intro-logo
Blurb

"You're pretty." Isaac told her while she's crying and eating two slices of pizza.

Napatigil si Avery at napatitig sa kaharap. Isaac is Liam's manager. Liam is the Nation's Idol. Avery is Liam's bestfriend and soon-to-be-girlfriend(?).

In the world where physical standard matters, an overweight 23 year old woman will surely have a hard time fitting in --- not just with judgmental people but with clothes, shoes and.... public vehicle as well.

Kahit saan ka lumingon, Liam's posters, billboards, ads are everywhere. Halos lahat ng babae nagkakandarapa para lang mapansin nito. Avery is so lucky to be close to him. Knowing he is so famous and every household knows his name, may oras pa rin itong tawagan at makipagkita sa kaniya. Everyone would definitely want want to be in her shoes.

Problem is, they do it in secrecy. Her being 'fat' is already a problem. Liam doesn't mind. But she does. Matagal na pangarap nitong maging sikat, and no way she would shatter that dream.

But it only takes one event to turn erything up-side down she thought will remain forever.

"Do you want to change? Do you want to be a model?" The sexy-as-f**k manager asked her.

"Model sa pagkain ng mga baboy ibig mong sabihin?"

Sira ba glasses nito? Di ba nito nakikitang naguunahan na ang mga bilbil niya na lumabas sa damit niya?

chap-preview
Free preview
Reason 1: Makasuot ng 28" waist na pants o skirts
f*******: Group to read #10RTLW free (even with no data): MARPLE DAME Stories A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Magbasa at Mag-vote. ⭐ "Ava!!" Tawag ng mama ni Avery sa kaniya mula sa kusina. "Luto na ang paborito mong sweet-and-spicy na canton!!" "Baba na po!!!" Pasigaw na sagot ni Avery na nasa kwarto. Pinagpapawisan siya kahit bagong ligo kasi pilit niyang sinasara ang zipper ng pantalon suot na pantalon. "Puuuuchhhhaaa... late na ako sa woooooooorrrrkkk..." Kinagat niya ang labi, huminga ng malalim para lumiit ang 41" niyang beywang at tumatalon-talon sabay mabilis na sinara ang zipper. "YES!!" Tumalon siya sa tuwa. "Success---" "Hoy! Taba!" Inis na sigaw ng nakakabatang kapatid na si Andro na sumilip sa kwarto niya. "Maawa ka sa sahig! Alam mong umaalog buong bahay natin sa pinagagawa mo." Umingos siya. "Hmpff! Makikita niyo... Papayat rin ako!" Nag-asta itong nagkukulangot ng ilong. "Ay.. andito na naman tayo sa segment na 'Ang Munting Pangarap ni Avery Lora'. Mas maniniwala pa akong lilipad ang manok kesa papayat ka! Lumabas ka na nga! Luto na paborito mong agahan!" "Ikaw---" akma sana niyang habulin at sabunutan na ito nang biglang pumutok ang zipper niya dahilan para lumipad ang butones sa salamin ng bintana... *CRAK!* at nabasag. "ANO YUN!!" Gulat na sigaw ng Ate Andrea niya na noo'y nagdidilig ng mga halaman sa hardin. Pareho silang natahimik na nakatingin sa basag na bintana. Nakapaldang sumakay sa jeep si Avery at dahan-dahang dumaan sa gitna ng mga pasahero sa loob. Useless ang effort niyang maingat na sumiksik sa gitna kasi kusa na rin ang mga itong iniiwas ang mga mukha sa balakang niya. Pinapaypay niya ang sarili gamit ang mga palad nang tuluyang makaupo. "Manong! Sa Orendio Avenue!" Tumingin ang driver sa rear-view mirror. "Ilan ka, Miss?" 'Araw-araw nalang ba akong tanungin ng lahat ng mga driver nito?' "Ay kuya... dalawa ba mukha ko? Isa lang di'ba? Kaya isa." "Siyam na kayo diyan. Di kasya ang isa pa." [A/N: Pinoy Jeepneys can fit 20 people inside. 10 on each sides.] "Ilagay niyo sa kisame ng jeep para sampu na. Walang batas na nagsasabing bale-dalawa ang babayaran ng mga matataba." Kinuha niya ang cellphone at binuksan ang f*******:. She can hear murmurs inside the jeep: "Ano ba yan..." "Pangit na nga hitsura, pati ba naman ugali." "Paano pa niya isisingit isa eh pan-dalawahan na upuan niya." "Bumili siya ng kotse kung gusto niya kunin lahat ng espasyo." Sinuot nalang niya ang earphones at pinanood ang re-play ng ang interview ni Liam sa sikat na evening talk show sa America, ang Tonight With Olin Gullian. Mabilis niyang tinanggal ang suot na headphones nang may narinig siyang balita sa radyo sa loob ng jeep. "Matapos manalo ng Teens' Choice Award sa Paris. Nakabalik na ng bansa ang isa sa mga hinahanga-ang actor at modelo sa henerasyong ito. Liam Alejo Torres!" "Ehehehe...." Ngumiti siya. Nakauwi na pala ito mula sa Paris. 'Anytime, mag-te-text na yun sa'kin—' *DING* At di siya nagkakamali. May natanggap siyang text mula kay Liam. Agad niyang pinindot ang 'read' button. Liam: I'm home. Syet! Kung papayat lang siya sa lakas ng t***k ng puso niya, magiging supermodel na siyang tiyak sa kapayatan. Unang naging kababata niya si Liam bago ito sumikat. They basically grew up together before their teeth start to show. He is her best friend, childhood friend or any words with 'friend' on the end. Except boyfriend. Napa-buntong hininga siya. Pero pinangako naman nito noon na liligawan siya nito pag-tuntong niya ng 24 years old. That's literally two months from now. At kung mangyari man yun, di talaga siya magdadalawang-isip na sagutin ito. 'Oh Liam...' Kinilig niyang isip rito. 8 YEARS AGO | AVERY & LIAM AGE: 15 years old. "Umiiyak ka na naman, Ava?" nilapitan siya ni Liam at pinahid ang luha niya. Nakayupyop siya sa ilalim ng hagdan at umiiyak matapos siyang pagtawanan ng mga kaklase nila kanina habang naglalaro sila ng jumping rope sa PE subject nila. Para raw siyang balloon (lobo) na puno ng tubig. "P-Pasensiya ka na talaga, Liam." Suminghot siya at humagulhol uli. "I k-know I promised you not to cry p-pero may times lang k-kasi na sobra na... na di ko na k-kaya.." "I know." Nag-squat ito sa harap niya at pinisil ang pisngi niya. "But does their opinions matter more than mine?" "A-Anong ibig mong sabihin?" Pula ang ilong niya na tumingala sa kaharap. Liam in his PE uniform, hair somewhat wet after playing basketball still manages to look good, smell good. "You're beautiful and I like you just the way you are." Unting-unti namula ang mukha niya at binaon uli sa mga nakayupyop na braso niya ang mukha. Did the campus heartthrob told her she's beautiful?! "K-Kung pinapatawa mo lang ako, L-Liam o pinapagaan ang nararamdaman ko..." Tiningnan niya uli ito at nahihiyang ngumiti. "Oo na. Okay n-aa ako. Wag mo lang ako bolahin." "Don't cry. I am here for you." "Miss..." Ava's trip to memory lane was interrupted nang may kumalabit sa kaniya. Nasa elevator na siya pataas sa floor kung saan siya nagtatrabaho bilang Call Center Agent. Inis na ilingon niya ang bwesit na dumisturbo sa maganda niyang pagmumuni-muni. "Ano--?" Si Liam!!! "L-Liam?!" Kilala pa rin niya ito kahit naka suot ng sunglasses at naka-brown hoodie jacket. "Hey there, sexy." May dala itong bouquet at teddy bear na halos kalaki niya. "Anong ginagawa mo rito?" Doon niya namalayang sila lang pala sa elevator. "Here to surprise you, obviously." Humalik ito sa pinsgi niya. Namula siya at napayuko. "Baka may makakita sa'yo rito." Mataba siya, sikat ito. Malaking eskandalo pag may makakita sa kanila magkasama. Alam niyang kaibagan niya si Liam pero isang idol pa rin ito. "No one can see us." Liam pointed someone behind him. "He made sure the vicinity is clear." "Huh?" Sinilip niya ang tinuro nito sa likod. Liam's manager, few inches taller than Liam, standing behind him and wearing an impeccably all-black suit, holding a clipboard. Kahit na eyeglass, emotionless pa rin tingnan ang mukha nito. "Ah... si Isaac, you mean?" Umingos siya. 'Oh yeah... Isaac. I forgot his manager tails him everywhere. Sumasama rin ba ito sa CR pag umiihi si Liam?' Isaac adjusted his eyeglasses as he stares at Liam's bestfriend. "Avery Lora." Bilang pagkilala nito sa kaniya. 'Gwapo pa naman.. weirdo lang.' Isip ni Avery. "Anong oras ka out maya?" Tanong ni Liam. *DING* The elevator signals that they just reached the 16th floor. "Mga... 7:30PM." Lumabas siya sa elevator. Still staring at Liam. "Why?" "Dinner later? With me? Isaac will pick you up here." Halos matumba si Avery nang naguunahan ang mga babae at bakla lumabas sa opisina nila. "ANDITO DAW SA BUILDING NATIN SI LIAM????!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" "SAAAAAANNN?!!! SAAANN?!!" "NAKITA RAW NG MGA UTILITY NA DUMAAN SA KUSINA NG STARBUCKS!!!!" Umupo si Avery sa pwesto na pangiti-ngiti. 'Hah! Ako lang naman ang pinunta niya rito.' Kinuha niya ang cellphone at t-in-ext ang idolo ng bayan. Avery: Mag-ingat ka. Baka dumugin ka nga mga tao. Your manager is wrong. May nakakita pa rin sa'yo. "Oyy.. blooming si Majin Buu 'ah!" [A/N: 90's kid knew who Majin Buu. Infamous villain of Dragon Ball universe] Sumilip sa cubicle niya ang baklang si Rosauro o Rose sa gabi. Rosauro Jet is the only person who knew her secret relationship with Liam aside from her family. He discovered the secret.. accidentally. One time, Liam decided to deliver a lunch to her. Napagkasunduan nilang magkita sa rooftop. Sakto naman andun ang bakla na may kausap sa cellphone. Luckily, he kept his mouth shut in exchange for a selfie with Liam. "Oo. May dinner kasi kami mamaya." "Ow? Need mo chaperone?" "Adik." "Ba't parang bagong tuli ka dyan sa skirt mo?" Sadsad kasi ang dilaw niya palda sa sahig at dahil sa laki ng bilbil niya, parang nakalipad ang harapang bahagi nito. "Pumutok kasi zipper ng bagong bili kong pants." "Eh kasi naman pinipilit mong suotin kahit di kasya." "Ma-achieve ko rin ang 28" na waist, Rose." "Eh di mag-dieta ka! Nasa 16th Floor tayo, gamitin mo hagdan." "Kapagod..." "Mag-asawa ka ng amerikano kung ganun. Para pag yumaman ka, afford mo ng magpa-paplastic surgery." "Si Liam lang ang magiging asawa ko." Proud pero sa mahinang boses niyang deklara. Rose roller his eyes upward. "Dios ko, Ava." *CREAK* Napaupo ng maayos si Avery sa upuan. "Ano yun?" "Parang may nag-ka-c***k?" Hinanap ni Rose ang pinanggalingan ng tunog. *CREAK* "Oo nga no?" Nilingon ni Avery ang paligid. "Saan yun--- AY P*TA!!!!" Malakas na hiyaw ni Rose nang biglang lumakas ang tunog at nabali ang upuan ni Avery dahilan para mahiga ito sa sahig. Nakanganga si Avery dahil sa bilis ng pangyayari. Did her office chair broke again?! The 3rd time!? "Naku, girl!! Okay lang ba ang sahig?!!" lumapit si Rose sa kaniya. "Bwesit ka! Tulungan mo akong tumayo!" tinaas ni Avery ang kamay. Tinanggap ni Rose ang kamay niya at pilit siyang hinila patayo . "Aaaannaangg b-biiiiigaaat mo na bes..." Buong lakas na nitong hila. "Hi-Hila pa, R-Rose." "Bruha! Tulungan mo sarili mo tumayo—AY!" Dahil sa bigat niya, napadapa na rin si Rose sa tiyan ni Avery. "Bes... dieta ka na please! Quota ka na sa Supply Department natin sa nasisira mong office chairs..." Isaac single-handedly stir the car's hand-wheel while the other is leaned on the window, supporting his cheek. "Salamat, Isaac 'ah." Binaba ni Liam ang hoodie. "Sorry for bothering you." "Okay lang. I am your manager, aren't I?" Niliko niya ang kotse para umiwas sa traffic. "If you don't mind me asking... what's your plan with her?" "Plan? Kaibigan ko siya, Isaac." "I do respect that. But kahit sinong tao magtatanong---" "I know. I just like the girl. There's more to her than meets the eye." "You mean you like her, in a sense na..." Binitin niya ang sasabihin para hintayin ang sagot nito. Ilang minuto ang nakalipas nang sumagot ito. "She's just friend, Isaac." [REASON 2 PREVIEW:] Napanganga nalang si Isaac nang silipin niya mula sa bintana ng kotse niya ang bagong labas sa elevator na si Avery ng kinuha niya ito para sa dinner nila Liam kinagabihan. "What the hell is she wearing..." A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Mag-vote. ⭐

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Desert Heat (Complete) (Book 1 to Desert Series)

read
1.6M
bc

The Thunder Wolves MC - Lizzy (Book #5)

read
46.1K
bc

Lady Dhampir

read
4.3M
bc

Their Gemini Wolves

read
1.8M
bc

The Thunder Wolves MC - Clara (Book #3)

read
61.8K
bc

Chosen by the Alpha (#1 of the Denali pack)

read
675.5K
bc

Crimson Princess and Her Fated Lover

read
89.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook