Chapter 4

2832 Words
Hanggang ngayon ay tulala pa rin si Xavier dahil sa nangyaring barilan sa parking area ng kompanya nila kanina. Tila wala siya sa kanyang sarili at mababakas pa rin sa mukha niya ang takot. Para sa mga taong hindi sanay sa ganoong pangyayari ay matatakot talaga. Sa akin ay normal na iyon. In my job, there is no room for fear. Nandito kami ngayon sa isang Police Station para kuhanan ng statement. Nandito na rin sina boss para makipagcooperate sa mga awtoridad. Ang mag-asawang Montenegro naman ay paparating na rito. "Gusto mo bang magpatawag ako ng doktor Sir?" Tanong ko kay Xavier. "Huwag na. Okay lang ako." Mahinang sagot niya. Actually, hindi naman talaga niya kailangan ng doktor. Wala siyang sugat o galos na natamo 'di gaya ko na may daplis ng bala sa kaliwang braso. Tinalian ko lang ito ng panyo upang pigilan ang pagdurugo. Hindi naman tumagal ang engkwentro kanina dahil doble ang dami ng security ng kompanya kumpara sa mga kalabang grupo na pinaghihinalaan din na miyembro ng sindikato. Some of the enemy were killed and some were escaped leaving us with no information about them, again. Sa panig naman ng security ay lima ang nasugatan at swerteng walang namatay. "Sure ka?" Naniniguradong tanong ko. Naiinis naman niya akong nilingon at tiningnan nang matalim. "I said, I'm okay!" Giit pa rin niya. Highblood talaga. "Okay, okay. Easy. Kalma. Masyadong mainit ang ulo natin eh." Sabi ko at tinataas pa ang dalawang kamay pero napadaing ako nang kumirot ang sugat sa braso ko. Nagtataka siyang tumingin sa akin. Mabilis na nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. "You are wounded!" Gulat niyang wika na ngayon ay nakatitig sa braso ko. "Daplis lang 'yan. Malayo sa bituka." "Are you serious? Tama 'yan ng bala oh. It might get infected if you will not medicate it immediately. I think we should call a doctor for you." Napatawa naman ako sa inakto niya. Parang siya pa ang nasugatan sa 'ming dalawa kung makapag-react. "The heck! Ganyan na nga ang nangyari sayo, nakukuha mo pang tumawa?" Natigil ako sa pagtawa at tiningnan siya ng seryoso. Bakas sa mukha niya ang pinaghalong inis at pag-aalala. Totoo ba 'tong nakikita ko? The Great Xavier Maldito ay nag-aalala sa akin? This is a first time. "I said it's okay. Gagamutin ko na lang dito. Hindi naman 'to malala, don't worry." Sa sinabi kong iyon ay napabuntong-hininga siya. Ningitian ko na lamang siya at nagtanong sa isang police staff kung meron silang first aid kit dito. Glad they have. Of course, kailangang meron sila rito. Agad kong ginamit ang sarili at pagkatapos ay nilagyan ng bandage. Bumalik agad ako kung saan naroroon si Xavier na ngayon ay muling kinukuhanan ng statement ng isang police staff. Umupo ako sa isang upuan at nakikinig lamang sa kanya. Maya-maya ay dumating sina Tito Jayvee na humahaguhos papunta sa anak at niyakap ito. Labis ang pag-aalala sa mukha at ganoon na rin ang asawa nito. Nakasunod naman sa kanila sina Ron at Jaime na agad na lumapit sa akin. "Anong nangyari?" Agad na tanong ni Jaime. "Nagkaroon ng engkwentro kanina sa parking lot ng kompanya. Sa tingin ko ay miyembro ng sindikato ang nakalaban namin. Mabuti na lang at mabilis na rumisponde ang mga security team ng kompanya." Ikinuwento ko pa sa kanila ang buong detalye at sinabi ko rin na wala kaming nakuhang impormasyon tungkol sa mga nakaharap namin. May nakuhang CCTV footage pero useless pa rin iyon dahil nakatakip ang ibabang parte ng mga mukha nito at ang van na ginamit ay hindi rehistrado. "Mr Garcia." Tawag sa akin ni Tito Jayvee. Humarap at lumapit naman ako sa kanya. "Ayos ka lang ba?" Nag-aalala niyang tanong. Bumaba naman ang kanyang tingin sa braso kong may bandage. "Anong nangyari sa braso mo?" "Okay lang ito Sir. Nadaplisan lang. Pasensya na kayo sa nangyari. Hindi po namin inaasahan na ganoon ang madadatnan namin kanina. Hindi ho ako nakapaghanda." Umiling ito sa ipinaliwanag ko. "Huwag kang humingi ng pasensya. Malaki ang utang na loob ko sayo sa pagliligtas mo sa anak ko. Hindi nga ako nagkamali na ikaw ang kinuha ko para sa anak ko." Aniya. Humakbang siya sa akin at bumulong. "Mag-iingat ka parati anak ha. Sobra akong nag-aalala sayo." Tumango ako bilang tugon. Hindi talaga nawawala ang pagiging magulang sa akin ni Tito Jayvee. Nagpasalamat din sa akin si Tito Xander at katulad ng asawa ay sinabihan din niya ako na mag-ingat. Nagpatuloy ang pagkuha sa amin ng statement hanggang sa matapos at umalis kami. Sa sasakyan ng mag-asawang Montenegro kami sumakay. Nakasunod naman sa amin ang ilang police escort at ang mga bodyguards na ipinadala ni boss. Nandoon din sina Jaime at Ron. "Mas maganda na hindi ka muna bumalik sa kompanya Xavier. Delikado ka roon." Pahayag ni Tito Jayvee sa anak. "Your papa's right, son. Manatili muna tayo sa bahay hanggat hindi pa natin nahuhuli ang sindikato." Pagsang-ayon ni Tito Xander sa sinabi ng asawa. "What? No way! Kung nangyari man ang encounter na 'yon kanina, it doesn't mean that I will stop working. No dad! Ayaw kong manatili sa bahay ng buong araw at paano na lang kompanya? Sino ang magpapatakbo nun?" "Hindi ko naman sinabi na titigil ka sa pagtatrabaho Xavier. You can still work pero sa bahay na lang. Your papa and I had already decided. It's for your own sake." "You've decided without my consent. Pa, dad, alam niyo namang ayaw kong nagkukulong sa bahay eh. I can't work in the house also. How about my night life? Don't tell me, pati iyon ay pagbabawalan niyo ako?" Para ng naghihisterikal na sabi ni Xavier. "If thats the case..." Nanlaki ang kanyang mga mata. "No dad! Hindi ako papayag! I'm not young anymore. Kaya ko na ang sarili ko." Giit pa rin niya. Nainis naman ako dahil sa kagaspangang pinapakita niya sa ama. Wala namang ibang iniisip ito kung 'di ang kaligtasan niya. At night life? Iniisip pa ba niya 'yon eh may nangyari na ngang masama sa kanya kanina? Hindi ba siya natatakot? Parang kanina lang ay takot na takot siya at halos mabali na ang buto ko sa higpit ng pagkakahawak niya. What a jerk! "Huwag ng matigas ang ulo Xavier. Ang kaligtasan mo lang ag iniisip ng daddy mo. Please anak. Sumang-ayon ka na lang sa gusto namin. Gusto mo bang atakehin ako sa puso?" Pananakot naman ni Tito Jayvee sa kanya. Hindi agad siya nakaimik at bahagya pang nagulat. "Papa naman eh! Why would you say that?!" "You don't shout like that on your papa Xavier!" Banta naman sa kanya ni Tito Xander. "f**k!" Napamura na lang si Xavier at marahas na napabuntong-hininga. Napailing na lang ako habang nakatingin sa kanya. "Pasensya ka na Kenth. Matigas talaga ang ulo ng batang ito kaya nahihirapan kami ng daddy niya na pasunurin siya. Sana hindi niya pinapakita ang kagaspangan ng ugali niya sayo." Ani Tito Jayvee sa akin pero ang kanyang tingin ay na kay Xavier. "Pa!" "Hindi ko na gusto ang pinapakita mo sa papa mo Xavier." "Sorry dad. Pa, sorry." Paumanhin niya sa mga magulang. Nginitian lang siya ni Tito Jayvee. Umabot ng kalahating oras ang byahe nang makarating kami sa bahay. Huling beses na nakita ko ito ay sampung taon na ang nakakaraan. Malaki pa rin ito pero mas gumanda. Muli namang bumalik sa akin ang lahat ng alaala. Walong taong gulang ako noong unang tumira ako rito. Wala kasing magbabantay sa akin sa probinsya dahil magtatrabaho rin si Ate Trina bilang assistant ni Tito Xander kaya sinama na lang ako ni Papa. Pumayag din naman si Tito Xander at siya pa mismo ang nagpaaral sa akin. Tinuring nila akong parang tunay na anak lalo na si Tito Jayvee. Kung ano ang binibigay nila kay Xavier ay ganoon din sa akin. Kaya iyon na ang simula ng 'di namin pagkakaunawaan. Parati kaming nag-aaway lalo na kapag wala sila Tito. Minsan pisikalan na pero hindi naman umaabot sa sukdukan. Pero mas ayos sana na masugatan o mabugbog ako kaysa pagsabihan niya ng hindi maganda, iniinsulto at dinedegrade ang pagkatao ko. Ngunit kinakaya ko ang lahat ng iyon dahil sinusuklian ko ang kabaitan nila Tito sa akin at ayaw ko siyang mapagalitan na ako ang dahilan. Dagdagan pa na palagi niya akong pinagbabantaan. At iyong palaging pinapagawa niya sa akin ay hanggang ngayon ay hindi ko iyon nakakalimutan. Nawala ako sa pagbabalik tanaw nang huminto ang sasakyan sa loob ng gate ng bahay. Akmang bababa sina Tito Jayvee nang pigilan ko sila. "We have to check the whole place first." "Again!" Naiiritang sambit ni Xavier pero hindi ko na iyon pinansin pa. Kung pwede lang sana siyang kutusan, kanina ko pa ginawa. Unang araw pa lang 'to. Ano na lang sa mga susunod na araw. Oh! Tungkol doon kakausapin ko nga pala sila Tito mamaya tungkol sa pagpapalit namin ni Ron. Bumaba na ako at sinimulang i-check ang buong lugar. Nakababa na rin sina Ron, Jaime at iba pang bodyguards at sinusuri na rin ang lugar. Some of them went inside the house. Nang ma-clear ang buong area ay doon na namin pinalabas ang mag-asawa at si Xavier. Nakita ko ang pagbusangot ng mukha ni Xavier at padabog na isinara ang pinto ng sasakyan. Napailing na lang ako. Naunang pumasok ang mag-asawa sa loob ng bahay kasunod si Xavier at kaming mga bodyguard. Nostalgic. Ito agad ang naramdaman ko nang umapak ang paa ko sa sahig ng bahay. Muli na namang bumalik sa akin ang lahat. Both happy and sad memories occupied my mind. Tila may bumalik na kung anong pakiramdam. Its like I returned in my own home. Ngayon ko lang ulit ito naramdaman sa nakalipas na maraming taon. Napangiti ako habang inililibot ang tingin sa loob ng bahay. Ibang-iba na siya kumpara noon pero narito pa rin ang diwa na matagal ng namamayani. Iyon ay ang diwa ng pagmamahalan. Natuon ang pansin ko sa isang malaking frame sa gitna ng dalawang hagdanan. A family picture. Ang gugwapo nilang tatlo sa suot na mga suit. Napakasaya nilang tingnan sa litrato. Makikita mo ang pagmamahalan dahil sa ningning ng kanilang mga mata. Its not fake like most of the family pictures I saw before. Sa likod nito, nakakubli ang isang sirang pagsasama. Napaisip ako. Paano kung hindi nangyari ang trahedyong iyon? Paano kung hindi ako umalis sa puder nila Tuto at pinagpatuloy ang buhay na kasama sila? Siguro masaya ako at naging normal lang buhay ko. Iniwaksi ko na lamang iyon sa aking isipan. Nangyari na ang nangyari. Hindi ko na maiibalik pa ang dati. I have to deal whats in front of my eyes and continue living my life. This is already my fate and I have to accept it. Tinawag kami ni Tito Jayvee sa living area para pag-usapan ang magiging set-up namin dito sa bahay. Dahil delikado ang buhay ni Xavier ay kinakailangang samahan ko siya kahit sa pagtulog pero magkaiba kami ng kama na ngayon ay ginagawan na ng paraan ng mga katulong sa bahay. Of course, Kokontrahin iyon ng damuho as if gusto ko rin siyang makasama sa iisang kwarto. "Wait, What?! You gotta be kidding me. No way! Ayaw ko. Ayaw ko ng ibang tao sa kwarto ko! This isn't right!" "Its for your own sake son. Hindi natin alam ang kayang gawin ng sindikato at ayaw ko ng maulit ang nangyari sayo kanina." "But dad! That's my room for pete's sake. Ang kwarto ko na lang ang tanging pribadong lugar na meron ako ngayon at pati ba naman iyon ay mawawala? Dito niyo na nga ako pinagtrabaho eh. Tapos tinanggal niyo pa ang night life ko. This is so insane! Mababaliw na ata ako nito." Mahabang reklamo niya sabay sabunot sa sariling buhok. Narinig ko na lamang ang pagbuntong-hininga ni Tito Jayvee. Magsasalita pa sana si Tito Xander pero hinawakan niya ang braso ng huli at kinausap sa mga mata nito. Bumaling ang tingin niya kay Xavier na may lungkot sa mukha. "Namimiss ko na ang dating Xavier. Iyong batang kilalang-kilala ko. Iyong batang mahal na mahal ako. Iyong batang mabait at masunurin. Miss na miss ko na talaga siya." Mahinang wika ni Tito Jayvee sa halos paos na boses. "Papa..." Tila natameme si Xavier. "Miss na miss ko na ang Xavier na anak ko." Tuluyan ng hindi nakapagsalita si Xavier. Nangingilid naman ang luha sa mga mata ni Tito Jayvee. Tahimik ang buong living area at tanging paghinga lang ng bawat isa ang maririnig. "Makinig ka naman sa daddy mo kahit ngayon lang Xavier. Ginagawa lang naman namin ito para sa kabutihan mo." Ani Tito Jayvee at tumingin sa amin. Humingi siya ng pasensya at nagpaalam na aakyat ng kwarto. Si Tito Xander na lang daw ang bahalang kumausap sa amin. Sa pag-alis ni Tito ay nilukob ako ng pagkainis. Sumusobra na talaga itong si Xavier at kahit ang kanyang mga magulang ay pinapakitaan niya ng kagaspangan ng ugali niya. Ano bang hindi niya naiintindihan? Iniisip lang naman ng mga ito niya ang kaligtasan niya lalo na si Tito Jayvee. Nakakainis na talaga aiya. Nanggigil ako sa kanya. Sarap niyang bugbugin. "Kita mo na ang ginawa mo. You have to apologize to your papa. Mahirap pa namang kausapin iyon at sa akin na naman niya isisi ang lahat." He heave a deep sigh, "Out of the kulambo na naman ako nito for sure." Sa kabila ng inis ay parang gusto kong matawa sa sinabi ni Tito Xander. Ganoon pala kung magtampo si Tito Jayvee. Kahit hindi niya kasalanan ay nadadamay siya. "Dad tulungan mo naman ako kay papa oh. Ayaw kong nagtatampo siya sa akin." Xavier pleaded. "You have to be aware of your actions kasi lalo na 'yang paraan ng pananalita mo. You know how sensitive your papa is especially when it comes to you. You know how much he loves you." Napayuko si Xavier. Waring nagsisisi sa mga nagawa niya. "Hindi ko lang kasi inaasahan na ganito ang mangyayari dad eh. Bago sa akin ang lahat and I don't know how to adjust." "We have nothing to do about all of this but to accept. Iba na ang takbo ng buhay natin ngayon because of this syndicate. Alam mong ikaw ang main target nila. We will not put your life at risk kaya ginagawa namin ang lahat para maging ligtas ka. You're our only child and you know how much we love you. Takot kaming mawala ka sa amin and this is the only way na alam namin ng papa mo para maging ligtas ka, to hire the best bodyguard in the country for your security. You just need to cooperate and let them do their job. Hindi naman mahirap gawin iyon, right? Pansamantala lang ang lahat ng ito at kapag naresolve na ang kaso at nahuli na ang sindikatong tumatangka sa buhay natin ay babalik tayo ulit sa normal. We assure your freedom again kapag natapos na ang lahat ng ito, naiitindihan mo ba 'yon Xavier?" Tumango si Xavier sa ipinahayag ni Tito Xander. Sunod kaming kinausap ni Tito Xander bago kami pumunta sa kwarto ni Xavier para makapag-ayos. Pagsamantalang hihiram muna ako ng damit sa kanya dahil hindi kami nakapaghanda at hindi naman namin aasahan na dito ako titira at ang mga kasama ko. Biglaan din kasi ang naging desisyon nila Tito dahil nga sa nangyari kanina. Bago pumasok sa kwarto si Xavier ay ginawa ko muna ang protocol. "All clear! Pwede na kayong pumasok Sir." Hayag ko sa kanya at niluwagan ang pinto ng kwarto niya. Habang chini-check ang kwarto kanina ay hindi ko naman maiwasan ang mamangha. He just give me a bored look bago pumasok sa loob. Sumunod ako sa kanya. Tulad ng napag-usapan ay dito ako matutulog kasama si Xavier. Ayaw man niya ay wala siyang magagawa. Galit din sa kanya ang papa niya kaya wala siyang choice talaga. Binuksan ko rin kay Tito Xander kanina ang tungkol sa pagpapalit namin ni Ron pero hindi pumayag ito pumayag. Even si Xavier ay hindi na rin kumontra na ikinagulat ko. Nag-iba ata ang ihip ng hangin. Siguro ay ayaw na lang din niyang makipagtalo sa daddy niya dahil hindi naman siya magwawagi. Huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin na matalim ang titig. Napatigil din ako at binigyan lang siya ng isang matamis na ngiti o mas magandang sabihing... pekeng ngiti. Hindi siya nagsalita. Nakaramdam naman ako ng ilang dahil pa rin sa pagtitig niya. Ako na mismo ang umiwas ng tingin. Dumaan ang ilang segundo pero hindi pa rin siya nagsasalita. Nang tumagal pa ang pagiging tahimik niya ay inangat ko na ang aking tingin sa kanya. Nakita ko ang pagngisi niya at paulit-ulit na pag-iling. "I'm amazed." Sambit niya na ikinanunit ng noo ko. Pero bago pa man ako makapagsalita ay nanlaki ang mga mata ko at ikinasinghap ko pa ang sunod niyang ginawa. Hinubad niya ang suot na damit at tanging itinira lamang ay kakarampot na telang tumatakip sa pribadong parte ng katawan niya. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD