"Wow ang laki ng bahay ng amo niyo Papa. Tapos ang ganda pa." Namamanghang wika ko kay Papa nang makapasok kami sa bahay ng kanyang mga amo. Ipinakilala niya agad ako sa mga ito na ikinamangha ko ng todo. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng ganitong mga tao. Ang gugwapo at ang puputi pa ng balat. Tapos ang kinis pa. Para silang mga pariner. Ikinagulat ko naman nang malamang mag-asawa pala ang dalawang lalake na amo ni papa. Kinalakihan ko na ang alam sa isang mag-asawa ay babae at lalake. Ngayon lang ako nakakita ng mag-asawa na kagaya nila. Parehong lalake. Sa murang isip at labis na pagtataka ay hindi ko maiwasang magtanong sa kanila. "'Di ba po kapag mag-asawa, girl at boy po? Eh bakit pareho kayong boy?" Usisa ko sa kanila na ikinatawa lang nilang pareho. "Ano

