CHAPTER 1- Lakas loob
"It is during our darkest moments that we must focus to see the light."
Aristotle
‘’ Anak mag iingat ka doon ‘’ paalala ng aking ina ramdam ko sa boses niya ang pag-alala at may halong lungkot sa boses . Hindi ako maka-tingin sa kanya dahil abala ako sa pag- i-impake ng mga gamit ko .batid ko na tutulo na ang luha ko pag tinitigan ko ang mukha niyang may pag alala .pilit kong pinatatag ang sarili ko kahit pinang-hihinaan ako ng loob pero kailangan kong lumuwas ng maynila upang mag hanap ng trabaho at may ma-ipadalang pera para saaking ama na may malubhang sakit sa baga . mag sasaka lang ang ama ko at ang ina ko naman ay nag titinda lang ng gulay sa palengke at hindi sapat ang pera na kinikita nila para saamin . dalawa lang kaming mag kapatid . ako ang ate . high school graduate lang ako at kasalukuyang nag lalabandera sa kapit bahay namin lunes .huwebes at sabado lang ang schedule ko sa pag lalaba kila maam Menerva .hindi rin sapat ang kita ko na tatlong daan lang .hindi na ako naka pag-aral ng koliheyo dahil ,gipit nga kami sa pera at ang bunsong kapatid ko naman ay nasa elementarya pa , nasa ikatlong baitang pa siya sa elementarya.
‘’ ma wag kanang malungkot kasama ko naman si abegail’’ sabi ko sa kanya pinapalakas ko ang aking loob para mapawi ang kanyang pag alala at hindi ko pinapakita na nalulungkot at pinanghihinaan ako ng loob ayaw kong mag alala sila saakin , ito ang unang beses na malalayo ako sa pamilya ko at na intindihan ko naman ang ina ko kung bakit ito nag aalala dahil wala akong alam sa maynila .walang kakilala walang kamag-anak na matatakbuhan doon ,
Tanging si Abegail lang ang kakilala ko Dahil doon siya sa maynila ng aral ng koleheyo at ang isa ko pang kaibigan na si Franco pero hindi ko alam kung saan siya naka tira at nag aaral alam ko na nagtampo siya saakin.
kaibigan ko si Abby ,anak siya ni maam Menerva na pinag lalabahan ko ng mga damit , si Abby ang nag sabi saakin na doon nalang daw ako sa maynila mag trabaho dahil Malaki daw ang sahod di tulad dito sa probensya namin, atang pangako ni abby na tutulongan niya akong maka hanap ng trabaho sa maynila Ang pamilya ni abby lang at ang pamilya ni Franco ang mayaman saaming probinsya at Doon sila nag aral parihas sa maynila , mag kababata kaming tatlo . ako lang ang hindi nakapag aral dahil sa hirap ng buhay . hindi na umu-uwi dito si franco sa probinsya simula ng niligawan niya ako at hindi ko siya sinagot .
Sa totoo lang kaibigan lang ang turing ko sa kanya at hindi pa ako handang pumasok sa pakikipag relasyon dahil mga bata pa kami noon family first para saakin at isa pa ,sinabihan ako ni abby na may gusto siya kay franco.
Dahil ayaw kong masira ang pagkaka-ibigan naming tatlo ay dumistansya ako kay franco . kita ko noon sa mga mata niya ang sakit ,
Sa tuwing lalapit saakin si Franco ay lumalayo naman ako ,ramdam ko ang galit at tampo sa kanya . hindi man siya nag sasalita pero ramdam ko iyon . ayaw kong masira ang pag kakaibigan namin lalo na Malaki ang utang naloob ko sa pamilya ni abby dahil pinaki-usapan ako ng mommy ni Abby na ipa ubaya nalang kay Abby si Franco dahil alam ng ina ni abby na may gusto ito sa kaibigan .nag iisang anak lang si Abby kaya ayun sa tuwing mag tatangkang lumapit saakin si Franco ay umi-iwas ako lalo na’t kasama ko pa naman si Abby .
Masakit saakin dahil kaibigan ko sila pariho at mahal ko sila bilang kaibigan pero masisira lang dahil sa pag- ibig ng nalaman ng ina ko ang tungkol saamin ay pinag sasampal ako ng ina ko dahil malandi daw ako at mang-aagaw
Na alala ko pa nuon na inagaw ko raw kay abby si franco dahil na inggit daw ako kay abby . yun ang mga sabi-sabi ng mga tao saamin.
Na- alala ko pa noon ang pang-yayari
Hawak-hawak ko pa ang pisngi ko subrang sakit dahil sa pagkakasampal ng ina ko humihikbi ako sa pag iyak . habang sinasabunotan ako ni inay halos hindi ako makapag salita dahil natatakot ako na saktan naman ng pa ulit-ulit ni inay
‘’malandi ka hindi kita pinalaki na malandi ! ‘’ sigaw niya saakin habang hini-hila ang buhok ko , pilit ko rin hinahawakan ang kamay niya upang hindi niya mahila ang buhok ko ramdam ko na mapupunit na ang anit ko sa ginawa ni mama . tanging hikbi lang ang nagawa ko .hindi ako makapag paliwanag dahil pag nag salita ako ay malilintikan ako . dahil ang pangaral ng inay ko Pag pinagalitan ka ng magulang mo ay mahal ka nila kaya dapat pag pinag sabihan ka ng mas nakakatanda ay hindi ka dapat sumagot ng kahit ano .tanggapin lahat ng sasabihin at bawal sumagot dahil sila ang mas nakaka-alam dahil sila ang matanda saamin .
Nag matigil na ang ina ko sa pag sabunot saaking buhok ay napa iyak din ito . abot- abot ang pawis luha at sipon ko sa ginawa niya saakin halos malagotan na ako ng hininga sa ginawa niya saakin .pinahid ko ang pawis sipon at luha ko sa mukha habang sabog na sabog ang buhok ko . nakita ko ang ama ko na naka masid lang saamin sa may bandang unahan kita ko sa kanyang mga mata ang sakit at dismaya habang naka tingin saakin sabay iling ng kanyang ulo,
Walang nagawa ang ama ko dahil katulad din siya ng ina ko na gagawin akong Maria clara sa ka inosentihan ..
‘’anak ….a-anak ? .napa baling ang tingin ko saaking ina .hindi ko namalayan na malayo na naman ang narating ng isipan ko.
‘’ o-okay kalang ba ? k-ung kung hindi mo kaya …w-wag ka n-nalang tumoloy ‘’ sabay hawak ni inay saaking balikat . bigla akung kinabahan baka nahalata niya na kinakabahan ako sa pag luwas ng maynila
‘’ h-hindi nay o-okay lang po a-ako .may na -alala lng po ‘’ sabay ngiti ko sa kanya para mapawi ang pag a-lala ni inay saakin
‘’ k-kung ganun mag -iingat ka dun anak ..wag ka basta-basta mag titiwala lalo na’t sa mga lalaki ..’’ sabi ni inay sabay hinga ng malalim. napa lunok ako sa kanyang sinabi .
‘’ s-sana ma in-tindihan mo ako anak bakit ko ito ginagawa sa inyo ng kapatid mo . lalo na sayo dahil babae ka ‘’ napa lunok na naman ako ng laway sa sinabi ni inay saakin.
‘’o-opo inay na iintindihan ko po kayo ‘’ sabay ngiti ko sa kanya.
‘’ anak maganda ka ..alam ko maraming nag kakagusto sayo dito sa atin ang gusto ko lang naman ay .maka hanap ka ng tamang lalaki na mamahalin ka at respitohin .. alam mo naman sa panahon ngayon maraming mga kababa-ihan ang nabubuntis na walang asawa gusto ko lang ang magiging asawa mo lang ang maka kuha ng puri mo ‘’ mahabang litanya ng aking ina
napa pikit nalang ako sa sinabi ni inay dahil walang buwan na hindi niya ako pina-pangaralan ng tungkol sa mga ganun na bagay .kung tutu-usin memoryado ko na nga ang diaglog nya ..
‘’anak !’’
‘’po! ‘’ gulat na sabi ko kay inay
‘’nakikinig ka ba saakin !’’ inis na sabi ni inay saakin
‘’o-opo inay n-nakikinig po a-ako ‘’ utal na sabi ko dahil di pwedeng bali-walain ang mga pangaral ni inay . rinig ko ang buntong hininga niya .
‘’ sige na mag handa kana ,dahil aalis na kayo ni abby ‘’sabay talikod niya saakin para lumabas ng aking silid ng kwarto
‘’ opo nay ‘’tanging sagot ko nalang sa kanya . kahit kinakabahan ako sa mangyayari saakin ay di ako pweding pang-hinaan ng loob dahil para kay tatay at sa pamilya ko gagawin ko ang lahat at makabawi sa mga sakripisyo nila saamin ng kapatid ko,
nilibot ko ang paningin ko saaking silid . gawa ito sa matibay na kahoy ang aming bahay .balang araw pag malaki na ang ipon ko at napa gamot na si tatay ipapa renovate ko itong bahay namin
‘’ ma mimiss ko itong bahay namin ,sabay buntong hininga ko. nanatili pa ako ng ilang minuto bago na-isipan na lumabas ng aking silid dahil tiyak ko na nag hihintay na sila itay saakin.
Pag labas ko ng silid ay nakita ko si itay sa labas ng munting balconahi namin na naka talikod at malayo ang tingin . tumikhim ako upang maagaw ang kanyang pansin ..luminga siya saakin . nag katitigan kami habang palapit ako sa kanya .sumilay ang munting ngiti sa kanyang labi pero hindi ito umabot sa kanyang mga mata . lungkot ang tanging nakikita ko sa kanya .
‘’a-anak’’ sambit niya . ayaw kung lumuha sa harapan niya gagawin ko ito para sa kanya at sa pamilya namin . mag tatrabaho ako para maka ipon ng pera sa kanyang operasyon
‘’ itay ‘’ agad akung yumakap sa kanya ng mahigpit ,
‘’hindi hindi ako iiyak kaya mo to Maria ‘’ bulong ko sa aking isipan habang yakap-yakap ko si itay at nag pipigil sa pag iyak .. rinig ko ang mahina niyang hikbi ni itay .napa kagat ako ng labi nasasaktan ako na marinig na uwi-iyak si itay parang pinunit ang puso ko habang nakayakap sa kanya subrang laki ng ibinagsak ng katawan ni itay payat na ito dahil nawawalan siya ng gana na kumain
‘’tatay wag ka po umiyak ‘’ pang a-alo ko sa kanya habang hinihimas ang payat niyang katawan . nilayo ko ang katawan sa kanya para palakasin ang kanyang loob
‘’ pangako gagaling ka tatay mag tatrabaho ako ng mabuti para sayo kay inay at kay bunso ‘’ ngumiti ako sa kanya
‘’a-anak pasensya kana kun-’’
‘’ tatay wala yun kaya ko po ang sarili ko ‘’ agaw na sabi ko sa kanya . at nginitian siya saka niyakap ko ng mahigpit ulit kumalas ako sa pag kakayakap kay itay
‘’ ate !’’ rinig ko na sigaw ni bunso tumakbo ito palapit saamin at niyakap ako ng mahigpit sa may bewang
‘’ oh jong jong san ka galing ? ‘’ hinawakan ko ang kanyang buhok hindi ko mikita ang mukha niya pero ramdam ko na umi-iyak siya dahil mahigpit ang pag kakayakap niya saakin at may munting hikbi at binaon pa ang mukha sa aking katawan,
‘’ a-ate ma mimiss kita !’’ ginulo ko ang kanyang buhok na tumatayo sa gitna na medyo matigas dahil sa nilagay niyang gel lumohod ako upang ma-pantayan ko siya,
‘’ ate naman ! ‘’ irap niya saakin sabay ayos ng kanyang buhok .natawa ako sa kanyang reaksyon bigla
‘’ bakit !? maang na tanong ko sa kanya sabay ngiti ng matamis
‘’ sinira mo na naman ang buhok ko eh bakit kasi paborito mong guluhin ang buhok ko eh .... pero ate ma mimiss kita di baleng sirain mo ang baby shark hair ko basta kasama kalang namin ni nanay at tatay ‘’ sabi ni bunso bigla akung nalungkot sa kanyang sinabi . kinurot ko nalang ang kanyang matambok na pisngi
‘’ bunsoy alam mo naman gagawin lahat ni ate para sa pamilya natin pangako unang sweldo ko mag pa-padala ako ng pera at ibibili mo si nanay tatay ng fried chicken diba paborito natin yun at kung ma pa opera na natin si tatay ipapasyal ko kayo sa maynila ‘’ sabi ko sa kanya .tumango naman siya bilang tugon saaking sinabi kita ko na lumawak ang kanyang ngiti saakin , makita ko lang sila na masaya malaking tulong na yun saakin upang mapawi ang lungkot
‘’ pramis mo yan ate ha !’’ sabi ni jongjong
‘’ oo pangako ‘’ tina-as ko pa ang kanang kamay ko tanda ng pangako ko sa kanya . ng maramdaman ko na papalapit na si inay sa amin ay tumayo na ako at pinag-pag ang tuhod ko na may kaunting dumi.
‘’ anak nag hihintay na si abby sayo sa labas ‘’rinig ko na sabi ni inay
‘’ opo inay ‘’ kinuha ko na ang dadalhin kong bag at supot sa may sahig na may laman ng mga gamit ko
‘’ a-anak wag ka nalang kaya tumuloy ‘’ binalingan ko si itay na nasa aking likuran , huminga ako ng malalim
‘’ tay hindi pwede pangako mag-tatrabaho lang ako dun .’’ kumbinsi ko sa kanya .sabay ngiti