Chapter 54 ELAYZA Nang makaalis si Miss Hilda ay sinimulan ko kaagad ang trabaho ko. Bumalik nga si Arc sa pagtulog niya kasi nakasarado ulit ang kwarto niya pagbalik ko sa itaas para linisan ang kwarto ni Miss Hilda. Hindi ko na siya inistorbo pa lalo't naglilinis din sa terrace si Manang Gigi. Baka mahalata niya kami. Mahirap na. Ayoko naman sanang paglihiman ang mga kasama ko kaso... baka kasi aksidente nilang mabanggit ang tungkol sa amin tapos marinig nina Sir Arnold. Sa susunod ko na lang sasabihin sa kanila. Pero hindi ko alam kung kelan iyon. Haist. Isang oras mahigit ay natapos kong linisan ang kwarto ng donya. Kinuha ko ang basura na naipon ko mula sa loob ng kwarto at dala ang panlinis ay bumaba ako. Hindi ko muna sinarado ang pinto kasi babalik pa ako upang siguruhin na

