Chapter 55

1148 Words

Chapter 55 ELAYZA Naimulat ko ang mga mata ko nang may maramdaman akong masakit braso ko. Kaagad na kumunot ang noo ko. Teka... Nasaan ako? Tanong na mabilis na bumilog sa isipan ko. Iginala ko ang paningin ko sa isang abandonadong building. Hanggang sa napasinghap na lamang ako ng malakas nang mapagtanto ko ang sarili ko na nakagapos sa upuan na inuupuan ko. Doon biglang pumasok sa isip ko ang huling pangyayari bago ako mapunta dito. Lumabas lang ako habang dala ang isang plastic ng basura nang biglang may tumigil na van at dinampot ako ng dalawang naka-itim na lalaki. Tinakpan nila ng panyo ang ilong ko dahilan para mawalan ako ng malay. Sure ako na may nilagay sila sa panyo na pampatulog. Tuluyang binalot ng takot ang buong pagkatao ko nang mapagtanto ko na kinidnap nga ako.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD