Chapter 48 ELAYZA Napatingin sa gawi namin si Ms. Hilda at saka itinutok ang paningin sa akin. Unti-unti niyang inalis ang suot niyang sunglasses kasunod ng malakas na pagtibok ng puso ko. Humakbang siya palapit sa akin. Umiwas naman ako ng tingin nang naningkit ang mga mata niya. As if inaalala niya kung saan kami huling nagkita. "You... Elayza?" kunot-noo at hindi makapaniwalang sambit ni Ms. Hilda sa pangalan ko. Napatingin sa akin sina Manang Gigi. "Why are you here?" Doon ako napatingin kay Ms. Hilda. Ba't ganoon ang tanong niya? Ah, oo nga pala... hindi niya alam na katulong ako sa pamamahay nina Sir Arc kaya ganoon na lamang ang gulat na nakita ko sa mga mata niya. "G-Good morning po..." Napayuko ako mula sa kung saan ay naalala ko 'yong sinabi ko sa kanya kahapon. "Hindi

