Chapter 49 ELAYZA Nagsimula ang pagpapahirap ni Ms. Hilda sa akin. Mula umaga hanggang gabi ay ako lang inutusan niya. Hindi pa ako tapos sa una niyang pinaguutos ay may pangalawa na naman siyang ipapagawa at may pahabol pa 'yan! Akala mo ba eh hindi tao ang inuutusan niya. Sunod-sunod siya kung mag-utos. Ultimo siguro paghinga ko pwede ko ng makalimutan ko na sa sunod-sunod niyang pinapagawa sa akin. Alas dos na ako nakakain ng pananghalian dahil pinalinis sa akin ni Ms. Hilda ang guest room kung saan siya matutulog. "Elayza!" Napatigil ako sa pagkain ng tanghalian nang tawagin ako ni Ms. Hilda mula sa second floor ng mansyon. Kahit nakasarado ang pinto ng maid's quarter ay maririnig parin ang boses niya kasi sobrang lakas ng boses niya. "Hala? Kakasimula mo palang kumain ah?" s

