Chapter 50 ELAYZA Nahigit ko ang pahinga ko nang maging malikot ang kamay ni Arc. Mas lumalim din ang halik niya na ikinatuliro ng isip ko. Teka... boyfriend ko na siya ngayon... i-ibig sabihin ba niyon... gagawin na din namin ang gustong mangyari ni Arc? Pipigilan ko pa ba siya? Pag pinigilan ko siya... magagalit kaya siya? Naramdaman ko ang pagtayo ng mga balahibo ko sa likod nang dumampi ang halik ni Arc sa leeg ko. Nakagat ko ang labi ko habang nakapikit. "Arc..." Gustong-gusto ko ang ginagawa niya. Syempre tao din ako na nakakaramdam ng ganoon pero matinding pag-aalangan pa ang sumisigaw sa isip ko. Nang marinig ni Arc ang pangalan niya ay awtomatikong tumigil siya. Hinarap niya ako at worried na tiningnan ako sa mga mata. Kitang-kita ko sa ekspresyon ng mukha niya na para

