Chapter 51 ELAYZA Pero kahit sobra 'yong kilig na binigay sa akin ng pagbati ni Arc ay pinilit kong sumimangot. Naglakad ako palapit kay Arc, kinuha ko muna 'yong mini desk at ibinigay sa kanya. Pinaibabaw ko naman ang tray ng pagkain niya doon. "Pakabusog po kayo, Sir." seryosong sabi ko saka tumalikod para umalis. "What? Sir?" paguulit ni Arc sa sinabi ko. Napairap ako bago ko siya hinarap. "Opo. Mali ba ang sinabi ko?" kunwa'y inosente kong tanong. "Sinong nagsabing sir pa ang itatawag mo sa akin? From now on, you'll call me... baby." Natigilan ako. Baby? Ano 'yon? 'Yon ba 'yong sinasabi ng iba na endearment ng magboyfriend at girlfriend? Baby?! Baka baby damulag! Parang gusto kong matawa sa naiisip ko pero pinipigilan ko napatikhim na lamang. "Mag-almusal na po kayo, Sir

