Chapter 52 ELAYZA Isang linggo ang lumipas and good news magaling na ang mga sugat ni Arc. Nakakapaglakad na rin siya ng maayos at pwede niya na rin gamitin ang motor niya. Pero dahil sa masyado pang risky kahit na ok na siya ay hindi parin siya pinahintulutan ni Ms. Hilda na umalis at gamitin ang motor. Bagay na sinangayonan ko naman. And yeah, hindi na rin nagpumilit na umalis si Arc. Hindi niya na raw nanaisin pang gumala kasi gusto niya daw ako palaging nakikita. Siyempre kinilig naman ang lola niyo! Sa isang linggo ng relasyon namin hindi nakaligtas kina Manang Gigi at Ate Lara na palagi akong nakangiti habang naglilinis. Kahit pa tinatambakan ako ng gawain ni Ms. Hilda ay napapansin ko na parang wala akong nararamdaman na pagod. Ewan ko ba! Pero kapag kasi nakikita ko si Arc nawa

