Chapter 58 ELAYZA Gustong tumigil ng isip ko dahil baka umabot kami sa kung saan pero 'yong katawan ko ayaw makipag-cooperate. Parang mas gusto pa ng katawan ko ang nangyayari. Habang hinahalikan ko si Arc ay naiisip ko ang nangyari kanina. What if nahuli siya ng dating? What if hindi niya ako nakita? Ano ang magiging kapalaran ko sa mga lalaking 'yon? Bumaba ang labi ni Arc sa leeg ko mapaungol ako ng mahina. Kusa iyon lumabas sa labi ko at hindi ko napigilan ang iyon sa labis-labis na sensasyon na nararamdaman ko. Mas bumaba pa ng kaunti ang bibig niya sa balikat ko. Alam ng isip ko kung saan siya patungo at gusto niyon tumutol. Pero 'yong katawan ko ulit ang tila isang tuod na parang ayaw kumilos bilang senyales ng patutol sa gustong gawin ni Arc. Ngunit napatingin ako kay A

