Chapter 57 ELAYZA Habang nasa daan ay napahawak ako kay Arc sa kamay. Habang iniisip ko ang nangyari sa akin kanina ay hindi parin maiwasan ng katawan ko na manginig sa takot. "You still scared, baby?" tanong niya saka ginagap ng mukha. Tiningnan ko si Arc mata sa mata saka marahang tumango. Hindi ko naman kailangan ipakaila pa at magsinungaling ng nararamdaman ko kasi kitang-kita iyon sa panginginig ng kamay ko at malakas na t***k ng puso ko. "H-Hindi ko alam kung ano ang buhay ko ngayon k-kung hindi ka dumating... k-kung hindi kayo dumating..." marahang sambit ko. My voice cracked as if my tears were going to burst. Pero ginawa ko ang lahat para pigilan 'yon. Kahit makikita n ang pagbalong ng luha sa mga mata ko. "Malamang pinagpi-pyestahan na ako ng mga lalaking 'yon." "Sshh...

