Chapter 61 ELAYZA Napatigil ako sa pag-hikbi nang maramdaman ko ang isang kamay na hinahaplos ang mukha ko at pinupunasan ang luha ko. Naimulat ko ang mga mata ko. Nagtama ang mga mata namin ni Arc. Minuto ang itinagal ng pagtitigan namin ni Arc. "Why are you saying sorry, baby?" he asked me in a low husky voice. "And why are you crying? Parang ginagawa mo naman akong patay sa pag-iyak mo." Nakagat ko ang ibabang parte ng labi ko. Hindi ko pinansin ang huli niyang sinabi bagkos ay mas lalo lang akong napaiyak. "Elayza why a-" "Sorry... h-hindi ko sinasadya ang mga sinabi ko kanina. N-Nadala lang siguro ako ng emosyon ko," umiiyak na sabi ko. Bumangon si Arc at pinaupo ako sa gilid ng kama niya. Sumunod naman ako. Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan gamit ang palad niya "Do

