Chapter 46 ELAYZA Naiwan ako sa ward kung saan nakahiga si Sir Arc. Lumabas ang mag-asawa at sumunod naman si Ms. Hilda. Hindi ko alam kung ano ang diskusyon nila sa labas. Wala naman akong pake doon. Ang mahalaga sa akin ay ok na si Arc. Lumapit ako sa higaan niya at naupo saka hinawakan ang kamay niya. Tulog na tulog parin siya. 'Yong luha na kanina ko pa pinipigilan ay unti-unti ng pumatak. Masaya ako na walang masamang nangyari sa kanya bukod sa galos at sugat na natamo niya. Pero mahirap parin sa akin na makita siyang ganoon. "Arc... ikaw na nagsabi na may masama kang nararamdaman sa race mo. Bakit mo parin tinuloy? 'Y-yan tuloy..." mahinang sambit ko. Mariin kong hinawakan ang kamay niya. Tulog naman siya, kaya ilalabas ko na lahat ng gusto kong sabihin sa kanya. "Alam mo b

