Chapter 19 ELAYZA "Elayza wait! Hintayin mo naman ako!" tawag sa akin ni Sir Arc habang naglalakad kami pabalik ng bahay. Maraming sanga ng puno na naapakan ako sa daan. Medyo matataas din ang talahib kaya naman hindi din ako nakakapaglakas ng matulin. At ewan ko naman ba sa lalaking 'yon at sobrang bagal maglakad. Nilingon ko siya. Nakita ko na nakangiwi siya habang dumadaan sa matataas na d**o. Kumunot ang noo ko. Ano 'yon? Nagiinarte ba ang lalaking 'to? Parang ayaw man lang masagian ng damong ligaw ang katawan. Tsss. Dumeretso ako ng tingin at muling naglakad. "Eh, kung bilisan mo kaya ang paglalakad mo? Malamang nauna ka pa sa akin," wika ko sa malakas na boses. "Paano ko bibilisan ang paglalakad ko? eh ang daming d**o! Bawat dampi sa balat ko nangangati ako!" sigaw niya paba

