Chapter 18 ARC Gusto kong matawa ng malakas pero sobrang pinipigilan ko lang talaga. Kitang-kita ko ang pagkabigla ng lahat dahil sa sinabi ko. Pero mas lalo akong gustong mangisay sa tawa dahil sa reaksyon ni Elayza na noon ay biglang namula dahil sa sinabi ko. "Elayza?" Tiningnan siya ng nanay niya na noon ay bahagyang nalito kasunod ng pagseryoso ng mukha. Lihim akong napangisi. Ayaw mong umalis sa bahay ah? Sige... ang nanay mo mismo ang magpapaalis sayo. Kanina kasi habang kumakain ako ng pananghalian ay narinig kong naguusap sina Manang Gigi at Ate Lara. Nakakainis marinig pero tuwang-tuwa sila sa trabaho ni Elayza. Halatang gumaan ang trabaho nila nang dumating si Elayza sa mansyon. "Mabuti na lamang at wala pang boyfriend ang batang 'yon. Mga kabataan ngayon, mas inisip

