ELAYZA Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Sobrang iba ang halik ni Sir Arc ngayon. Kumpara noong una. Pakiwari ko ay bigla akong dinala sa ulap at idinuyan ng malamig na hangin doon. Napapikit ako nang mariin nang simulan niyang igalaw ang labi niya. Mabilis na nanuot iyon sa buong kalamnan ko. Pakiwari ko ay kinukuryente ang bawat muscles ko. Gosh! Bakit ganito ang mga halik ni Sir Arc? Hindi ko alam kung gaano ko katagal ninamnam ang malambot na labi ni Sir Arc. Nang humiwalay siya sa akin ay unti-unting kong iminulat ang mga mata ko. Nagkatitigan kaming dalawa. Hanggang sa isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ni Sir Arc. "Goodnight..." he almost whispered. Walang salita na lumabas sa bibig ko. Hanggang sa tumalikod siya para pumasok sa kanyang kwarto. Tumaliko

