ELAYZA Napatitig ako sa pagkain na nasa plato ko. Hindi ko alam pero pakiwari ko ay nanaginip lang ako. Sobrang awkward sa pakiramdam na maupo sa inuupuan ng amo ko tapos kasalo ko pang kumain si Sir Arc. "Oh? Tititigan mo na lang ba ang pagkain?" Napatingin ako kay Sir Arc. "H-Hindi mo naman po kailangang gawin sa akin 'to, sir. Nakakahiya na po ito." "Bakit naman hindi? At saka ba't ka naman mahihiya? Eh tayo lang naman ang nandito. Wala naman sina Mommy at Daddy." "Pero kahit na." insist ko sa mahinang boses. "First time mo lang talaga magtrabaho sa ganito, 'noh? Kung pumunta ka sa ibang bahay. Magkakasalo talaga ang mga amo at katulong. Nagkataon lang na hindi tayo magkakasalo dito kasi may quarter naman kayo." Napaisip ako. Meron ba talaga na ganoon? Siguro... tama nga si Sir

