ELAYZA Impit na naiyak ako sa CR kasunod pagmumog ko sa pinaghihilamusan para maalis ng tuluyan ang pagkain na hindi ko na kayang lunukin. Hindi dahil sa nandoon si Natalie kundi dahil sa mga salita na binitawan niya sa akin. Sa mga sinabi niya sa akin pakiwari ay nanliit ako ng sobra. Gusto ko rin mainis sa sarili ko kung bakit parang sobrang sensitive ako sa mga sinabi ni Natalie sa akin. Napatigil ako sa paghikbi nang marinig ko sa mula sa pintuan ang mahinang pagkatok. "Elayza... nandiyan ka ba? Ok ka lang ba?" boses ni Ate Lara ang narinig ko mula sa labas ng nakasaradong pinto ng aming CR. Hindi ako nagsalita. Mariin kong kinagat ang labi ko kasunod ng pagsarado ko ng gripo. "Elayza... huwag mo na lang pansinin ang mga sinabi ni Natalie. Ganoon talaga 'yon palibhasa may gin

