Chapter 31

1527 Words

ELAYZA Hindi kumain si Sir Arc sa lamesa kinagabihan. Bagay na pinagtataka naming lahat. Kumain siya sa kanyang kwarto. Inutusan niya na lamang si Manang Gigi na dalhin ang pagkain niya sa itaas. "Nakapagtataka, bakit hindi ka inuutusan ni Sir Arc, Elayza?" Tama si Manang Gigi sa sinabi niya. Usually kasi ako ang palaging inuutusan ni Sir Arc. Pero ng gabi din na iyon ay hindi niya ako inutusan. Lalong-lalo na hindi siya bumaba para kumain sa hapag-kainan. "Ehh, baka nahiya siya sa ginawa sa 'yo ni Natalie?" tanong ni Ate Lara habang nasa kwarto kami. Matutulog na naman kami. Si Dennis may sarili rin siyang kwarto sa maid's quarter. Nahiya? Hindi naman siguro. Kinausap niya pa nga ako noong nagmamop ako ng sahig sa terrace. Iyon nga lang biglang parang nag-iba 'yong mood ni Sir

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD