ARC Bumalik sa kasalukuyan ang isip ko nang magring ang cellphone ko. Kinuha ko iyon mula sa study table ko. Tiningnan ko kung sino ang nasa screen. Ang kaibigan ko na si Kenneth ang tumatawag. "Bro," bungad niya sa kabilang linya nang sagutin ko ang tawag. "Yes, bro. Nasaan ka na ba?" "Sorry, Arc. Hindi pala ako matutuloy. Nagtampo si Jessica. Hirap pa naman paamuhin 'to." He's reffering to his girlfriend. Pupunta sana kami sa isang reunion party ng mga ka-racer namin. Walang race na magaganap kasi nga hindi pa ako pwedeng magmotor for being grounded by Dad for a week. Magkikita lang kami sa isang open ground venue. Magiinuman at kung sino may dalang motor ay saka makikipagkarera but just for fun. Well, expected na ang lahat ay may dala except sa akin. "Pasensya ka na, Arc.

