ELAYZA Lumulutang ako sa alapaap ngayon. Hindi ko alam kung bakit. First time kong manuod ng sine. As in first time kong pumasok sa sine tapos kasama ko pa si Sir Arc. Nakakatuwa. Dati pangarap ko lang makapasok sa sinehan lalo na kapag mga paborito kong love team ang gusto kong mapanood. Tapos ngayon. Hindi ko sukat akalain na makakapanood ako together with my amo. Ilang minuto ang lumipas ay pumunta kami sa Willerston City. Ang pinakamarangya at pinakamagandang siyudad na alam ko. Isang oras ang binagtas namin gamit ang tren. "S-Sir... sigurado ka bang pupunta talaga tayo sa Willerston City?" nag-aalangan pang tanong ko kay Sir Arc. "Why? Is there something wrong?" tanong niya. "Ehh, kasi... hindi ako bagay pumasok sa siyudad na 'yan. Baka pagkamalan lang akong pulubi dahil sa

