ARC Napaangat ako ng tingin mula sa pagkakalikot ko sa cp ko nang pumalakpak si Ninang nang dalawang beses. Kasunod niyon ang paglabas ni Elayza mula sa dressing room. Wait... si Elayza ba 'to? Awtomatikong napaawang ako ng bibig habang hinahagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Sh*t! How could this woman became beautiful like that? "Hmm..." napangiwi si Ninang saka itinaas ang baba ko para maitikom ang bibig ko. "I told you. Huwag tutulo ang laway." Lumapit siya sa tenga ko at may binulong. "Baka mahalata ka." Napatingin ako kay Ninang pero walang salita na lumabas sa bibig ko kaya naman napahagikhik na siya. "Speechless ka sa ganda ni, Elayza 'noh?" tanong ni Ninang saka lumapit siya kay Elayza at hinawakan niya ito sa balikat para palapitin sa akin. "Panglakad palan n

