EVEION ANASTASIA’S POV Habol-habol ko ang aking hininga nang takbuhin ko ang hagdan papuntang 4th floor ng isang establisyemento kung saan ko makikita si Elie. Ano ba ang ginagawa niya sa lugar na 'to? Why of all places, he chose to be in this kind of place? "Elie?!" Sigaw ko kaagad at walang pagdadalawang-isip na binuksan ang male's restroom. Dito kaagad ako dumiretso pagkapasok ko sa loob ng bar. Isa-isa kong binuksan ang cubicle at hindi na inalintana ang nagtatakang mga mata ng dalawang lalakeng napatingin sa aking direksyon. "Elie!" Saad ko nang makita itong nakaupo sa sahig ng isang cubicle. He's red and definitely not in a good state. "Eve." "Ano bang nangyari sa'yo? Bakit ka andito? Alam ba 'to ng mga magulang mo?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya atsaka ito mabilis na ni

