KABANATA 7 - MARIANE -

1113 Words
MARIANE Matapos ang paguusap naming magkakaibigan tungkol sa Hilarious Flower Organization. Bumaba na kami para mag-inuman at makisalo sa mga kaibigan ni Drake. Sa totoo lang gwapo ang mga kaibigan ni Drake may mga sinabi din sa buhay pero kahit isa walang umagaw nang atensyon ko maliban sa lalaking extranghero na nahalikan ko. Sobrang laki nang epekto nang lalaking yon sa sistema ko minsan kahit sa panaginip ko dala ko ang mga mata niyang makatitig ay parang tumatagos sa pagkatao ko. Pati ang halik na pinagsaluhan namin ay hindi mawala sa isip ko hindi ko maintindihan ang sarili kong bakit. Ito kasi ang unang halik ko kaya siguro ganito nalang ang epekto sa akin nang taong yon. Maging ang amoy nang pabango niya ay kabisado na agad nang ilong ko. Amoy imported ang amoy niya. Ganoon ko nalang siya pagpantasyahan nakakahiya. Pag-nalaman ito nang mga kaibigan ko panigurado aasarin nila ako kaya itatago ko nalang ito sakanila. "Mariane! Mariane ! Huyyyy!"Tawag sakin ni Joy na nagpabalik sakin sa realidad. "Huh! may sinasabi ba kayo?"Tanong ko sakanila. "Sabi namin kanina pa daw tayo hinahanap nila Drake, pinasundo na tayo dito dahil ang tagal daw natin, saan kanaba nakarating at bakit ang lalim nang iniisip mo?"Tanong ni Angela. "Malamang pinapakain niya na yong puto bongbong niya doon sa lalaking nakahalikan niya sa bar. Ayos, kadin Yanyan simpleng manyakis kadin nakakahiya ka."Pangaasar ni Arziel. "Huyyy! Gaya mo naman ako sayo na bigla nalang pinasipsip ang dalawang kuhol at pinahaplos ang puto bongbong."Ganting asar ko kay Arziel na ikinatawa nang mga kaibigan namin. Dahil sa sinabi ko nakasimangot na si Arziel halatang napikon sa sinabi ko kaya niyakap ko nalang siya at sinabing hindi ko na uulitin. Sinabi ko nalang na sa susunod ay ipatikim niya na ang puto bongbong niya para mawala ang inis nang kuya niya. Kaya ang mga kaibigan naming lokaloka ayon halos maihe sa kakatawa sa sinabi kong kalokohan. Sabay sabay na kaming bumaba at pumunta sa pool area nang aming bahay. Baka kapag tumagal pa kami ay mag-buga na nang apoy si Hellios at masunog kaming lahat. Imbes ugat lang tutubo sakanya may kasama nang pagbuga nang apoy. Nagulat kami nang makita namin ang kapatid ni Arziel na kasama nila Drake na nag-iinuman kaya itong si Arziel ay nagtago nanaman sa likod namin para hindi siya mapansin nang kuya niya. "Huwag kana magtago Arziel kahit anong tago mo alam na alam ko nandito ka kaya ako pumunta dito para bantayan ka, baka may gawin ka nanaman kagaya ng ginawa mo noon sa bar."Masungit na wika ng Kuya ni Arziel. Dahil nakita nang mga kaibigan ko na biglang nanahimik si Arziel kaya nag-patawa nalang sila para mawala ang tensyon sa pagitan ng mag kuya. "Ikaw naman hindi na bata ang kapatid mo, 20 anyos na yan. Kong gustuhin man niyan mag boyfriend nasa legal na yan. Hindi ba boys?"Wika ni Nessa. "Tama, type ko nga yan si Arziel, kaso etong si Mang Gideon akala mo tatay kong makabawal. Liligawan ko na sana yan si Arziel ang loko sabihan ba naman ako saka na daw ako manligaw kapag kasing gwapo ko na daw siya at ayaw niya daw malahian sila nang panget. Kaganda ko namang lalaki."Wika ng kaibigan ni Drake. "Oo may itsura ka naman hindi ka naman panget kaso tama ang kuya ni Arzriel saka nalang kapag gwapo kana. Medyo kasi bukod sa sobrang puti mu ay mapagkamalan kang statue dahil kinulang ka sa timbang. Juicemiyo konti nalang liliparin kana nang hangin."Prangkang saad ni Christina. Malakas na tawanan ang namayani sa barkada dahil sa sinabi ni Christina. Etong kaibigan namin wala talaga preno ang bibig kong makaasar. Pero totoo naman gwapo naman yong gusto manligaw kay Arziel may kapayatan lang nang konti. "Wala ka pala Rhys payat ka pala sabi ni Miss Ganda."Pang aasar ni Drake sa kaibigan. "Tandaan mo Miss Maganda, ang payat na to! Ilan taon Mula ngayon ay magiging macho. Sa susunod na makikita mo ko tandaan mo ang sasabihin ko sayo, baba din yang panty mo sa harap ko. Tandaan mo ang pangalang Cyrus Rhys Coleman." Wika nung Rhys kay Christina. "In your dreams, kahit magtagpo mga landas natin sisiguraduhin ko sayo na mangangarap ka nalang hindi mo ko matitikman. Over may sexy yummylicious body."Saad ni Tina. Dahil sa asaran nila Tina at Rhys nawalan ang tension na namagitan kay Arziel at sa Kuya niya. Puro tawanan at asaran nalang ginawa nang tropa ni Drake at nang mga kaibigan ko. "Mariane, diba sabi mo may kakambal ka, ibigbangsabihin ay parehas na parehas ang mukha ninyo." Wika ni Angela. "Oo kinuha siya sa amin noong isang taon palang kami, dinala siya nang kasambahay namin pero hindi na namin siya nakita. Hanggang ngayon patuloy padin namin siya hinahanap dahil kutob namin buhay siya. Nararamdaman ko yon dahil kambal kami at tama ka mag-kahawig kami dahil identical twins kami ng pinamganak."Sagot ko kay Angel. "Malay mo Mariane kapag sumali ka sa Hilarious Flower Organization makita mo ang kapatid mo. Maraming kilalang magagaling na agent si Boss Kadupul at si Boss Santan."Wika naman ni Nessa. Nasa pool kami ngayon malayo sa mga lalaking nag-iinuman nagbabad lang kami dito dahil mainit ang ininum naming alak. "Sino ba sila?"Tanong ko sakanila. "Sila yong nakita mong kasama namin sa mall."Sagot ni Angela. "Ah! Sila pala si Kupal at Satan."wika ko sakanila. "Kadupul at Santan Mariane. Huwag kang magkakamali sa pagbanggit nang codename nila kapag nakaharap mo sila maniwala ka sakin hindi mo gusto kapag nagalit sila."Pagbabanta ni Christina. "Bakit? Nakakatakot ba silang tao?"Tanong naman ni Arziel. "Si Kadupul kasi galit yon kapag sinasabihan siyang Kupal ayaw na ayaw niya non. Ang huling tumawag sakanya nong nasa misyon kami hindi makilala ang mukha dahil tinadtad niya nang bala sa mukha. Mabait naman yon si Kadupul wag lang siya gagalitin, para makuha mo ang kiliti niya bigyan mo lang yun nang paborito niyang pagkain na paksiw na isda at biko. Parang nasa langit na ang pakiramdam niya at magkakasundo talaga kayo."Paliwanag ni Nessa. "Ingat ka kay Santan, dahil kong ano ang itsura non siyang ugali non pag nagalit. Mahirap mahuli ang kiliti ng itlog nun, dahil laging galit sa mundo yon, ayaw nun nang lelembot lembot at mahina ang loob. Kaya pag nagalit yon naku parang si Santanas. Alam mo Kong bakit??" Tanong ni Joy. "Umuusok ang tumbong nun pag-nagagalit, yong sigarilyo niya panay buga nang usok kaya alam mong galit na. Kala mo tambutso nang motor makabuga nang usok."Natatawang ani ni Angel. Nauwe sa masayang tawanan ang paliligo at pakikipaginuman namin magkakaibigan. Maging ang mga kaibigan ni Drake ay masaya din sa naging bonding namin sakanila at nakabuo kami nang isang gabing kasiyahan sa aming mga kaibigan.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD