KABANATA 6 - Ang katotohanan -

1168 Words
Gumugulo talaga sa isipan ko ang dalawang taong kumausap sakin two days ago. Iniisip ko na sumali sa organization nila para mahanap ko si Marie. Nagdadalawang isip naman ang utak ko kong sasali ako o hindi. Gusto ko mahanap ko, ang kasugatan na gusto ko. Chinat ko ang mga ketiks sa gc namin at sinabi ko sakanila na mag-inuman kami dito sa bahay kong hindi sila busy. Lahat naman sila ay pumayag na makipaginuman atleast nasa bahay lang kami. Safe kahit malasing pa kami. Kailangan malasing ko sila para maidaldal nila sa akin kong ano ba ang meron sa Hilarious Flower Organization na yon. Malaking palaisipan talaga sakin yon simula nang makita ko sila na magkakasama. Kinausap ko si Mom na pupunta ang mga kaibigan ko at magiinuman kami na kong maari ay pag lutuan kami nang makakain at mga pulutan. Mabait talaga si Mommy Nora nag-paluto agad siya sa mga kasambahay namin at hinanda ang mga pulutan namin magkakaibigan. "Ano meron Yanyan may handaan ba?"Tanong sa akin ni Drake. "Wala naman niyaya ko lang ang mga kaibigan ko mag-inuman para makapagbonding kami." Sagot ko kay Drake. "Pwede ko din ba yayain ang mga kaibigan ko?Gusto din nilang uminom kaso wala kaming place."Tanong ni Drake sa akin. Hindi sana ako papayag kasi pang girls lang talaga at para sa aming magkakaibigan lang. Kaso nakita ko ang mukha ni Drake na malungkot kaya pumayag nalang ako. Chinat ko nalang ang mga kaibigan ko na kasama namin ang mga kaibigan ni Drake na iinom mamaya, pumayag naman sila at wala naman daw problema, mas marami mas masaya. Kinahapunan dumating na ang mga kaibigan ko pati na ang mga kaibigan ni Drake. Nagulat pa si Daddy ng dumating na madaming nakaparadang kotse sa labas nang bahay namin. Mabuti nalang at kakampi namin si mommy kaya walang nagawa si daddy. Basta ang bilin sa amin walang gulo na mangyayari at kapag hindi kayang umuwi ay dito na matulog sa bahay. Sabay sabay na kaming naghapunan, puro tawanan ang namayani sa hapag-kainan namin. Tawang tawa naman si mommy sa mga kaibigan ko dahil sa mga kalog ang mga ito. Ganoon din sa mga kaibigan ni Drake na game din sa biruan. Inaasar nga ni Daddy ang mga kaibigan ko sa mga kaibigan ni Drake. Mukhang hindi naman interesado ang mga kaibigan ko sa mga kaibigan ni Drake. Pagkatapos kumain ay nagpunta na kami sa pool area at doon na kami nagpababa nang kinain namin, nagbilin lang si mommy sa mga kasambahay namin na asikasuhin kami at wag iwanan hangng hindi natatapos. Umakyat na kasi sila ni Daddy dahil maaga pa bukas si daddy papasok sa opisina. Pinapasok ko ang mga kaibigan ko sa kwarto ko para makapagpalit nang damit. Sabi ko kasi kanina sa Gc nmin kong gusto nila magswimming magbaon sila ng panligo kaya nagpalit na sila nang damit. "Ang sesexy naman ng mga kaibigan ko."Wika ko sakanila. "Ikaw din naman mariane sexy ka, ang kinis mo pa halatang lumaki ka sa yaman kaya ang ganda ganda ng balat mo."Wika nman ni Angela. "Hindi naman, maalaga lang talaga si mommy, kahit hindi ko siya tunay na ina, tunay na anak ang turing niya sa akin. Saka lahat nang bagay na makakapagpasaya sa akin binibigay niya. Pantay ang tingin niya sa amin ni Drake."Sagot ko sakanila. "Bibihira yong ganyan, ako kasi yong nanay ko nung mamatay, nag-asawa nang bago yong tatay ko, kaso ang pinalit niya na asawa mapanakit, walang araw na hindi kami binubugbog nang kapatid ko kaya nung nakahanap kami nang pagkakataon umalis kami at tumakas ni Kuya dahil hindi na namin kinaya ang pananakit samin."Wika ni Christina. "Pwede ba ako magtanong sainyo?Bago tayo bumaba kasi mamaya wala na akong pagkakataon na makausap kayo tungkol dito."Tanong ko para makuha ang atensyon nila. "Ano ba yan Mariane kong kaya namin sagutin bakit hindi."Wika naman ni Nessa. "Ano ang kaugnayan niyo sa Hilarious Flower Organization?"Muli kong tanong sakanila. "Huh! ano ba yon?"Tanong naman ni Arziel. "Paano mo nalaman ang tungkol sa Hilarious Flower Organization."Tanong ni Angela. Kinuha ko ang calling card na binigay ni Kiray Marchette sa akin at pinakita ko sakanila. Hindi ko man lang sila nakitaan nang pagkagulat nang mabasa nila kong sino ang nasa calling card. "Dalawang araw na nakalipas nakita ko si Christina at Angela na kasama sila ni Kiray Marchette sa isang restaurant. Tatawagin ko sana kayo, kaso biglang sumulpot yong dalawang kumausap sakin na walang bayag. Kaya pinagmasdan ko nalang kayo sa malayo."Paliwanag ko sakanila. "Hilarious Flower Organization isang organisasyon na tumutulong sa mga kasong hindi malutas nang gobyerno. Isang sekreto at tagong organisasyon na ilang matatas na opisyal lang sa gobyerno ang nakakaalam. Tama ka Mariane kong ano man ang naiisip mo ngayon sa amin."Pahayag ni Joy Sabay sabay nila pinakita ang tattoo nila sa tagiliran na may nakasulat na code kasama ang mga bulaklak. kay Joy ay Pink Lotus na tattoo, kay Angela ay Blue Hyacinth ang tattoo, kay Nessa ay Heather na tattoo at si Christina ay Cosmos. at sa tatas nang tattoo nila ay may nakalagay na Poisonous Dangerous Flower. "Matagal na kaming miyembro nang organisasyon Mariane, kong minsan ay napapansin mo na kulang kami, dahil may misyon na nakaasign sa amin. Kaya sa isang bahay din kami nakatira yon ay kagustuhan ni Boss Kiray para mabilis niya kami makontak."Wika naman ni Christina. "Kong ano man ang dahilan ni Kadupul at kinuha ka niya maging katulad namin hindi namin alam, kong ano ang kanyang dahilan. Maniwala ka samin mabuting tao sila maaring may dahilan sila at makakatulong sayo kong bakit ka nila kinukuha."Saad naman ni Nessa. "Delikado ang trabaho namin, kaya bago ka mag-desisyon isipin mo nang ilang ulit para hindi ka magsisisi sa huli, hindi biro ang mga misyon na binibigay samin dahil maaring pag-nagkamali ka buhay mo ang maging kapalit. Mabuting pagisipan mong mabuti kong tatanggapin mo hindi."Wika naman ni Angela. "Pagiisipan ko nang mabuti, bago ako mag-desisyon ano man ang maging desisyon ko alam ko na suportahan niyo ko.Dahil alam ko din hindi basta bastang training ang mararanasan ko."Wika ko sakanila. "Kong ano man ang desisyon mo Yanyan sasama ako sayo gusto ko din maging matapang at may mapatunayan sa sarili, na hindi aasa kong kanino man para lamang ipagtanggol ang sarili, maari ba yon."Ani ni Arziel. "Oo naman kami bahala sayo, para pumayag na makapasok kadin sa Hilarious Flower Organization para sama sama ang mga Ketiks sa isang misyon. Siguro ang saya nun habang nakikipaghabulan tayo sa bala."Sabi naman ni Joy na mukhang excited sa lahat. Matapos ang paguusap namin ay nalinawan nadin ako sa mga gumugulo sa isipan ko. Nagyakapan kaming magkakaibigan at pinangako nila na kong sakaling tumuloy kami ni Arziel ay tutulungan nila kami. Ngayon nabigyan na nang kasagutan ang mga tanong at pagdududa ko. Ngayon kailangan kong isipin kong ano ang maging desisyon ko, dahil hindi biro ang mga kakaharapin ko. Excited ako na may konting takot at pagkabahala. Pero dapat lagi kong iisipin si Marie para lagi akong may lakas kaharapin lahat nang pagsubok....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD