KABANATA 5 - Dalawang lalaki na walang bayag -

1145 Words
MARIANE Araw nang linggo papunta ako sa mall, kasama ang daddy ko dahil makiki-pagkita kami sa taong binayaran ni Daddy para hanapin si Marie. Excited kaming dalawa ni Daddy kong may bagong update na makakapagturo kong saan nag-tatago ang kasambahay namin na kumuha sakanya noong isang tao palang siya. Habang naghihintay kami ni Daddy, dahil masyado pang maaga ay nandito na kami, napagpasyahan ko munang umikot ikot dito sa mall dahil wala naman ako magawa at maiinip lang ako sa paghihintay. Napansin ko na parang may nakatingin at nagmamatyag sa bawat kilos ko. Ginala ko ang mata ko sa paligid pero wala naman akong napapansin na kakaiba pero nararamdaman ko na may nakatingin talaga sa akin kaya hindi ako mapakali. Nag-ikot ikot pa ako dahil alam ko at malakas ng kutob ko na may sumusunod sa akin. Napansin ko ang dalwang lalaki na walang bayag na sumusunod sa akin at nakatingin. Hindi naman ako nakaramdam nang takot sakanila kaya minabuti kong pumasok sa isang restaurant at umupo. May gawin man sila sa akin atleast nasa loob ako nang restaurant at mabilis na makakahinge nang saklolo kong sakali. Tama ang kutob ko, ako nga ang sinusundan nilang dalawa. Habang nakaupo ako sa upuan sa likod na bahagi nang restaurant pinagmasdan ko ang kasuutan nang dalawang lalaking walang bayag in short nag-papanggap na lalaki. Ang isang lalaki na nag-papanggap ay maangas ang mukha at may matapang na mata kong tumitig lagi ding nakatikwas ang kilay parang masungit ang datingan. Ang isa naman ay maganda, maputi sa kabila nang pagpapanggap niyang lalaki nababakas padin ang angking ganda niya na tinatago. Nagtataka ako sakanila kong bakit nila ako sinusundan. Nakita ko silang palapit sa akin at umupo sa lamesa na kinuha ko. Nag-titigan kami nang babaeng may maamong mukha mas gusto ko siyang titigan kesa dun sa babaeng maangas na akala mo naman ma-ngangain nang buhay. "Anong kailangan niyo sa akin? Bakit niyo ako sinusundan?"Tanong ko sakanila. "Naghahanap kami na pwedeng maging member nang organisasyon namin, nakita ko na nababagay ka maging miyembro nang aking grupo Ms. Mariane Helenna Dela Riva."Sagot ng may maamong mukha. "Ano bang klaseng organisasyon ang meron kayo? Paano niyo ko nakilala? Sorry to say hindi ako sumasali sa mga iligal na gawain."Sunod sunod na tanong ko saknila. "Ang organisasyon namin ay tumutulong sa mga kasong mahirap malutas at mga wlaang kakayahang mabibigay nang hustisya na nanararapat para sa kanila. Tumutulong kami sugpuin ang ibat-ibang krimen at mga human trafficking, ang ahensya namin ay hawak nang ilang opisyal nang gobyerno kaya makakaasa kang legal ang aming grupo."Sagot muli nang may maamong mukha. "Hay naku! bakit ba pinag-aaksayahan mo nang oras yan para irecruit sa grupo natin. Mukha naman lelembot lembot yan tingnan mo nga ang katawan niyan isang suntok ko lang diyan tatalsik na yan."Wika nang babaeng may maangas na mukha. "Paano ka nakakasigurong hindi ako tatanggi sa alok mo?"Tanong ko sa babaeng may maamong mukha. "Simple lang, alam ko na hangang ngayon hinahanap mo ang nawawala mong kakambal, kong makakapasok ka sa grupo ko matutulungan ka namin dahil may mga hawak kaming tao na maari kang matulungan."Sagot ng babaeng may maamong mukha. "Tara na! nagugutom na ako Kadupul hinihintay na tayo ng mga agent natin, minsan lang manlibre ang mga yon, sa tindi sa pera ng mga yon halos ayaw bawasan, ang lalaki naman ng kinikita."Inis na ani ng may maangas na mukha. "Naiinis na ako sau Santan kanina kapa kong gusto mo mauna kana kuhang kuha mo gigil ko!"Wika ni Kupal Kay Santanas. "Eto ang calling card ko kapag nagbago ang isip mo maari mo kong tawagan sa number na yan ako mismo ang sasagot sayo."Wika nang babaeng may maamong mukha bago umalis. Tiningnan ko ang calling card ng lalaking nagpapanggap na walang bayag. Kiray Marchette, Kiray pala ang name niya bakit parang narinig ko kanina Kupal ang tawag sakanya nong isang lalaking Santanas ang pangalan. Itinago ko ang calling card na ibinigay niya pagkatapos namin magusap. Lumabas ako sa restaurant at pinagpatuloy ko ang paglalakad ko dahil meron pa akong 20 minutes para sa pagkikita namin nang kausap ni Daddy. Napansin ko ang mga kaibigan ko, sila Christina at Angela na kasama ang dalawang lalaking walang bayag na kumausap sa akin kanina. Anong meron doon sa dalawa at tila close sila sa isat'isa may tinatago ba sila sa amin. Kong nag-tratrabaho sila tulad nang kumausap sakin ibigsabhin matagal na silang mag-kakakilala. Kaya siguro minsan ay nadulas si Christina na nasa misyon si Joy, hindi kaya ito ang tinutukoy nung Kiray kapag sumapi ka sakanilang grupo. Kailangan ko silang makausap tungkol dito. Baka mamaya ay illegal ang grupo na to mapahamak pa ang mga bago kong kaibigan. Pabalik na ako sa tagpuan nila dad at nang kausap niya. Pagkarating ko doon ay saktong dating palang nang kausap ni Dad. "Anong Balita Detective may lead naba kong saan nagpunta si Linda Dimagiba at kong saan niya dinala ang anak ko.?Tanong ni Dad. "As of now Don Fredirick napag-alaman nang mga tauhan ko na may nakakita na sakanya sa probinsya nang sorsogon. Minamatyagan nila ang bawat kilos nong Linda Dimagiba na yon, pero ang sabi nang tauhan ko wala naman daw silang dalaga na napapansin na kamukha nang anak niyo."Sagot nang Detective. "Hindi pwede yan detective! Kasama niya ang anak ko paanong wala silang napansin na kamukha nang anak ko, kong ganoon saan niya dinala ang anak ko? Ano ang nangyari sakanya?Alamin mo lahat nang impormasyon kahit magbayad ako nang malaki mahanap ko lang ang anak ko!"Mariing wika ni Daddy. Pagkatapos nang paguusap nila Dad at nong taong naghahanap kay Marie ay umuwi na kaming bigo nanaman sa paghahanap sa kakambal ko. Umakyat ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. Marie, bakit ba ang hirap mong hanapin, asan kanaba namimiss ka na namin ni Dad, magpahanap kana, tama na ang tagu taguan. Matanda na si Dad ang tanging hiling niya nalang ay makita ka bago man lang siya mawala. Kinamatayan na ni Mom ang paghahanap sayo wag mo naman itulad si Dad na hangng mamatay ay hindi kapadin makita. Kinuha ko ang bag ko at tiningnan ang calling card na binigay sa akin ni Kiray Marchette. "Hilarious Flower Organization" Kapag sumali ba ako dito Marie mahahanap na kita? Mukhang maganda naman siguro sa grupo nila kong tama ang kutob ko, baka miyembro ang mga kaibigan ko atleast may makakasama ako. Susubukan kong sumali sa grupo nila para sayo Marie mahanap lang kita.... Baka sila ang maging dahilan sa muling pagkabuo nang pamilya natin. Nararamdaman nang puso ko na buhay ka, dahil magkakambal tayo. May mga times na masaya ako nang walang dahilan at malungkot na walang dahilan. Ang sabi ni Mommy noon magkarugtong ang bituka at damdamin natin dahil kambal tayo. Kong ano ang nararamdaman mo ay mararamdaman ko at ganoon kadin sa akin Marie. Sana dumating na ang araw na makita kita Marie.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD