KABANATA 4 -THIRD PERSON POV-

1112 Words
Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na nahalikan at nayakap ako nang isang babae nang ganon ganon lang. Napakabilis nang pangyayari na halos isang iglap nanakawan ako nang isang halik. Ang halik niya na magpapagulo ngayon sa sistema ko. Kakadating ko lang dito sa Maynila at naisipan kong pumunta sa isang bar, galing akong America, pumunta ako dito sa Pilipinas para umatend nang binyag nang anak nang matalik kong kaibigan at para makapagrelax. Imbes makapag-relax ay gumulo lang ang isipan ko dahil sa isang halik. Hindi kaya tinamaan ako sa babaeng yon. Hindi maari lahat nang babae ay pareparehas lamang na manloloko kapag nakuha na nila ang gusto nila ay iiwan ka din basta basta. Minsan ko na ibinigay ang lahat na meron ako pagdating sa pag-ibig, pero anong napala ko sinasaktan at iniwan lang ako sa ere sa mismong araw pa nang kasal namin. Wala na ako tiwala sa babae ngayon feeling ko kapag binigyan ko sila nang chance makapasok sa buhay ko ay parang binigyan ko nadin nang sakit nang ulo ang sarili ko. Sa Amerika na ako namalagi matapos ang nangyaring kasawian at kahihiyan ko sa pag-ibig noong araw nang kasal namin nang taong mahal ko. Halos madurog ako nang araw na yon na mas pinili niya akong iwan kesa ang makasama habang buhay. Napakadami naming plano at pangarap sa buhay pero ang ending hindi na pala siya masaya sa akin. Mag-isa nalang pala ako nangangarap sa wala. Buong buhay ko ibinigay ko sakanya pero anong nangyari iniwan pa din niya ako nang walang maayos na paliwanag. Umuwi ako nang Pilipinas dahil sa aking kaibigan na si Hendrick Zachary Collins para dalawin at umatend sa binyag nang triplets nila ni Jhonalyn, dahil hindi man lang daw ako pumunta sa kasal nila ng kanyang asawa. May anak na kasi sila ni Zach triplets ang anak nila at bibinyagan ito sa darating na linggo. Nagulat nga daw silang mag-asawa na tatlo agad ang unang anak nila. Pinauwe ako nang loko, dahil mag nininong daw ako sa mga anak niya at magtatampo daw si Jhonalyn kapag hindi ako umuwi para umatend sa binyag nang kambal. Sinong mag-aakala na si Zach na maloko at mahilig sa babae ay makakatagpo nang isang maganda at mabait na babae. Akala ko nga hindi sila magkakatuluyan ni Jhonalyn dahil bukod sa parang asot'pusa sila ay maloko talaga ang kaibigan ko. Napag-alaman ko din na nagbalik na sa serbisyo si Zach sa ahensya nang gobyerno. Dahil nga dito na sila ni Jhonalyn naninirahan. Isa akong agent na nagtratrabaho sa interpol dito sa US. Mga kasong hawak namin yong mga hirap ang gobyerno o ibang negosyante na na kidnap for ransom Ang mga mahal nila sa buhay. May iba ding ahensya minsan Ang humihinge nang tulong namin kapag kailangan. Andito ako sa bar para katagpuin si Zach nauna lang ako sakanya nang kaunti. Kaso pagpasok ko palang ayon agad ang eksena sa isang babaeng hindi ko kilala. May pahalik na naganap. Ang ganda pa naman, kahit madilim ang bar bakas sa mukha niya ang maamong mukha. Pero ang mga ganoong mukha ay mga mapanlinlang, nababalot sa kagandahan pero sa likod nang kagandahan isang makamandag na lason na dala ay panira at unti unti lang papatayin pag nahulog kana. Nakita ko si Zach na papasok na sa bar. Ang loko mukhang hiyang sa buhay may asawa. Sabagay isang taon mahigit ko na din sila hindi nakita simula nang umalis at kinasal sila sa Pilipinas. "Kamusta pre?"bati ko sakanya at nakipag first bump ako sakanya. "Aba! mabuti naman at nag-pakita na sa akin ang lalaking malamig pa sa yelo. Ang lalaking walang pakiramdam.'Wika ni Zach sa akin. "Ang saya nga sana ng buhay ko dun sa Alaska kasama yong mga king crab kaso tumawag ka, panigurado malulugkot mga alaga ko dun."Natatawang ani ko sakanya. "Seryoso dude wala ka na bang planong bumalik dito sa Pilipinas alalahanin mo andito ang buhay mo at wala sa US mas delikado pa ang mga kasong hawak mo kesa sa dati mong trabaho. Masyado mong ginagawang busy ang buhay mo, gumawa kana kaya nang sarili mong pamilya para naman sumaya kana"Wika ni Zach. "Hindi ko din alam pre, tuwing tutuntong ang paa ko sa Pilipinas bumabalik ang sakit na dulot sa akin ni Madel. Tuwing andito ako parang ang bigat hindi ko alam kong bakit."Sagot ko Kay Zach. "Bakit kasi hindi mo siya kalimutan, magmoveon kana, hindi ka makaka-usad kapag lagi parin siya ang iniisip mo. Huwag mo pahirapan ang sarili mo dude. 25 years old kana alalahanin mo matanda ka sakin. Isipin mo sayang ang semilya maganda pa naman ang lahi mo. Hindi kana bumabata."Wika ni Zach. "Paano ako magmomove-on kong si Madel parin ang laman nang puso ko. Sabi ko nga sa sarili ko, bumalik lang siya handa akong tanggapin muli siya at mag-umpisa kami uli. Hindi ko mga magawang maghanap nang iba dahil naiisip ko yong ginawa niya sakin takot na ako magtiwala."Ani ko kay Zach. "Try to find another woman, much better kong subukan mong muli ang magmahal, baka sa pagkakataong ito sumaya kana, tandaan mo hindi lahat nang babae ay pareparehas."Wika muli ni Zach. Lumalim na ang gabi at maramirami nadin kaming nainom ni Zach kaya minabuti namin na umuwi na baka magalit pa si Jhonalyn kapag umuwing lasing ai Zach kaya napagdesisyunan na naming umuwi. "Huwag kang mawawala sa binyag nang triplets, Alejandro kong ayaw mong pasabugin ko ang penthouse mo." Wika ni Zach bago umuwi. Napapailing nalang ako sakanya, mabuti nalang at hindi niya sinama si Johann kong sinama niya yon panigurado mas malala pa ang aabutin kong pangaasar sakanila. Si Zach at Johann ang taong tumulong sa akin para makabawi at makabangon dahil sa sakit na dulot sa akin ni Madel. Sila ang naging karamay ko nang mga panahon na gusto kong wakasan ang buhay ko. Kong hindi dahil sa kanilang dalawa malamang wala na ako. Mabuti na lamang at naging kaibigan ko sila, mas tumatag pa ang pagkakaibigan namin nang pagpunta na si Johann sa Amerika para mag aral doon unti unti akong nakabaon sa tulong nila. Kahit na ganoon sumasagi padin sa isip ko si Madel ang mga masasayang sandali na magkasama kami. Malaki talaga ang naging epekto niya sa akin dahil siya ang kauna-unahang babaeng minahal ko. Kaya lahat nang pagmamahal na alam ko ay binuhos ko sakanya na nauwi naman sa wala. Pagkarating ko sa penthouse ko naglinis ako nang katawan ko at nahiga na sa kama. Naiisip ko ang babaeng pangahas na humalik sa akin kanina sa bar at yumakap pa. Sa muli namin pagkikita hindi pwede na hindi ko siya gantihan, maniningil ako sa ginawa niyang paghalik at may interest pa.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD