CHAPTER 14: Guidance
“What? You can’t do that! Your weak and loser!” pang aasar nito sa’kin.
Lumaki ako sa mahirap at mga kalaro ko ang iba ay taga kalye. Hindi uso sa amin ang p********l o sabunutan ng buhok. I put all my energy sa kaliwang kamay ko at sinutok s’ya.
“Katie!” sigaw ng dalawang alipores n’ya.
Nakahandusay at walang malay si Katie, napasigaw at gulat ang mga estudyante kaya agad naman s’ya tinulungan at dinala sa clinic.
Agad naman ako pinatawag sa disciplinary office.
“Natalie! what have you done? Katie is one of the best student here. The Rodriquez family isa rin sa nagmamay-ari ng university na ‘to. Matalik na magkaibigan ang Rodriquez at Montecino family.”
Di ako kumibo kay Mrs. Reyes, hindi ako makasagot. Tita ni Katie si Mrs. Reyes tiyak maaapektuhan ang scholarship ko nito at ano na lang sasabihin ni papa at mama sa aking ginawa pag nalaman nila.
“How dare you to hurt her?” Ramdam ko ang galit o inis na nararamdaman niya.
“I’m really so-sorry ma’am. It's not my intention to hurt her.” Napaiyak ako sa paghihingi ng paumanhin sa kanya.
“You know the consequences, the rules and regulation in this school labag sa ginawa mo’ng p*******t. I can’t considerate it! You’re scholarship is now terminated.”
“Ma’am, hindi po ako ang nagsimula!”
“I’m sorry we won’t tolerate that kind of behavior lalo na ang p*******t sa kapwa n’yang studyante,” paliwanag nito.
Nakayuko lamang ako, hindi ko akalain ito ang mangyayari.
“Ma’am ple-please forgive me. Tatanggapin ko po ang parusa, huwag n’yo lang po tanggalin ang scholarship ko ma’am,” pagmamakaawa ko.
“Kung ako ang masusunod ipa-expel kita pero I’m not the one to decide this kind of situation. Swerte mo pa rin na makakapag-aral ka pa dito,” paliwanag niya.
Pinaalis n’ya na ako pero bago ‘yon ay sinubukan ko magpaliwanag ulit.
“H-Hindi po ako ang nagsimula, ma’am. God knows na sinubukan kong ihaba ang pasensya ko. Hindi po maganda ang ginawa nila sa akin kanina kaya pinagtanggol ko lang po ang sarili ko. Bawal po ba ipagtanggol ang sarili kahit sinasaktan ka na at binabastos? Hindi naman po masama ang ipagtanggol ang sarili tama po ba? Kaya bakit kailangan pa po tanggalin n’yo ako ng scholarship?”
“Wala na ako magagawa, I decided. Pag inulit mo pa ‘to. Hindi ako magdadalawang isip na i-drop out ka!”
“Ma’am parang awa n’yo na po, ang scholarship na lang ang aking inaasahan kung wala ito ‘di po ako makapag-aral.”
Oo, mali ang ginawa kong pagsuntok kay Katie pero hindi naman siguro tama kung basta-basta na lang akong tatanggalan ng scholarship.