CHAPTER 13

667 Words
CHAPTER 13: Meet Natalie Natalie P.O.V Malayo ang aming tirahan sa pinapasukan kong school kaya naman kinakailangan kong gumising ng maaga. Naisipan ko rin na mag boarding house na lang malapit sa school para makatipid at sana pumayag si Papa. Kahit nag-iisang anak ako at mahirap lang kami ay lagi kaming masaya. Hindi kami mayaman pero ang papasukan ko na university ay ang Pilar University, one of the best school. Nakapasa ako sa entrance exam at interview at isa ako sa pinalad na makakuha ng scholarship. Naalala ko pa na naghanda pa sila mama noon nang malaman na nakapasa ako at nakakuha ng scholarship. Natatanaw ko na mula rito ang bagong school. Ang Pilar University, nakakamangha ang ganda nito. Papasok na ako sa entrance ng school but suddenly may nagbusina ng malakas kaya napalingon ako, nakita ko ang napakagandang kotse na kulay black at napaka linis nito at mukang bago. Nakasulubong ang dalawang kilay ng nagmamaneho, Nakatulala pa rin ako na biglang bumisina pa ito kaya tumabi na ako. “O-ouch! My drinks!” Lumingon ako na may nakabungguan ako, unti-unti ko inaangat ang aking ulo. Nakita ko ang galit sa pagmumukha ng babae sa harap ko. Nakahawak ito ng cellphone at bag sa kanang kamay at ang kaliwang kamay sa skirt na natapunan ng inumin n’ya. She’s Katie Rodriquez, ang leader of bullies ng university. May kasama rin itong dalawang magaganda na sina Jenna at Laura. Natatakot ako kung ano ang gagawin nila sa’kin, sa kanilang presensya at titig nakakatayo ng balahibo. ‘Di ako nakapagsalita at makahingi ng paumanhin sa sobrang takot. Nilapitan ako ni Katie at sabay hawak ng mahigpit sa braso ko. “Hindi mo ba alam kung magkano tong skirt na binili ko? Galing pa ’to sa Singapore!” Nakatingin lang ako sa mga titig n’ya na ‘di ako makasagot at nakakatakot ang kaniyang awra. Kaya nagalit ito nang ‘di ako nagsasalita. “Bakit may pakalat-kalat na pangit sa school natin, ang tanga-tanga ‘di man lang marunong tumingin sa pinagdadaanan! Girl’s mukhang may impairements ata ‘to, pakituruan nga magsalita at gumalang.” Naramdaman ko ang pagdaloy ng malamig na likido mula sa ulo ko at sa pisngi. Lumingon ako at nakita ko na nakangiti si Jenna habang hawak ang lemonade juice. Napansin ko ang pagtitinginan ng mga estudyante sa amin, ang iba ay natutuwa pa sa ginawa nila 'yong iba ay nagbubulungan samantalang ang iba ay kumukuha pa ng video at ang iba ay gulat lang nakatingin. Wala man lang ang lumapit sa’kin para tulungan ako. “How dare you to do that?” galit kong sabi kay Jenna. “Lumalaban ka girl, matapang ka?” sambit ni Laura at lumapit sa akin. Alam kong mali ang ginagawa nila at kahit mahirap lang kami hindi ko gusto ang pinakitang pagtrato nila sa akin. First day ko pa naman sa university at ang malas ng araw ko. Ayaw kong patulan sila at gusto ko makapagtapos ako ng 4th year na walang bad record kaya napagdesisyunan ko na lang na umalis. “Huwag mo kaming talikuran! Hindi pa ako tapos sa ‘yo! Kasalanan mo ku–” “Pasensya na pero ikaw ang nakabungo sa’kin. Ikaw ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo at–” ‘Di ko pa natatapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong sinampal. Napakalakas at biglang uminit ang mukha ko at ramdam ko rin na naluluha ang gilid ng mata ko. Gusto kong umiyak pero I don’t want to show them kaya tiniis ko ang sakit at ang luha sa mga mata ko. Tumawa ang tatlo at rinig ko ang mga hiyawan ng mga estudyante kaya kumukulo na ang dugo ko at nakayukom ang aking kamay. ‘Di ako puro sat-sat o pananalita kapag ako naubusan ng pasensya makakatikim ang mga ito. Hindi ko sila pinalampas pa, hinila ko sa braso si Katie at nakangisi lang ‘to nakaharap sa’kin. Seryoso ang expression ng aking mukha kaya isang galaw n’ya lang susuntukin ko s’ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD