CHAPTER 03: Bianca Enriquez
I really don’t know what to wear! Sobrang kalat na ng kwarto ko.
“Aistt, ano ba isusuot ko?”
“P'wede na siguro ito.”
“Ay, ito na lang kaya!”
Suot at h***d lagi ang ginagawa ko. Hindi ako makapili nang maayos na damit para sa simba ngayon. Actually hindi naman ako ganito or sadyang excited lang talaga ako.
“Sofi! Bakit ang tagal mo? Kakain na kami!” Mom shouted.
“Ma! Can you help me first?”
“Bakit ba ang tagal mo magbihis!”
“I don’t know what to wear, Ma!”
“P’wede na ito oh!” sabi niya habang naghahalungkat sa mga nakakalat na damit.
“Anong p’wede na, Ma! Dapat ako ang pinaka-maganda doon.”
“Anak, sa simbahan ka pupunta remember!”
“Pero Ma, pumili ka din naman ng maayos 'yung ikagaganda ko! Alam niyo na…”
“Maganda ka kahit anuman ang suotin mo at siguradong mapapansin kaniya.”
“Pero gusto ko…”
“Huwag ka na lang kaya magdamit tiyak na mas gaganda ka,” naiinis na sabi ni Mama.
“Akin na nga po!” sabi ko at kinuha ang damit na kaniyang pinili.
It’s a above the knee white dress. As I look at myself on the mirror, it’s really nice and suit to me. And I pair it with white sandals.
“Simple girl,” I said to myself and smile.
Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa dinning area kung saan kumakain na si Kuya at si Mama. Umupo ako sa tabi ni mama at nag-umpisang kumain.
Nararamdaman ko na nakatingin sila sa akin.
“Ano?” tanong ko sa kanila.
“Ihahatid pa ba kita?” Kuya asked.
“Hindi na, maghihintay lang ako ng taxi! Kumain na nga kayo!” pagmamaktol ko.
Nakita ko ang pagngisi ni Mama sa akin. “Mukhang excited ka, Anak ha!”
Parang may gustong palabasin si Mama. Bahala nga siya sana mapagod siya sa paglilinis mamaya.
“Ma! Makaalis na nga tapos na ako!” nagpaalam na ako at umalis, mahirap na baka may masabi si Mama.
Habang naghihintay ako ng taxi nag-ring 'yung phone ko.
“Hello?”
“Hi! Sofi, si Bianca 'to. Pupunta ka ba?” tanong niya.
“Oo, bakit ba ang hina ng boses mo?”
“Kinuha ko lang cellphone ni Mommy at mabuti nga hindi niya nakita.”
“Sasama ba sila?”
“Oo, puntahan mo lang si Kylla. Hindi ko kayo makakasama doon. Bye! Nandito na si mommy,” may lungkot na pagkakasabi niya.
Siguro kinuha na naman 'yung phone niya. Excited ako kanina pero ngayon hindi na iyon ang nararamdaman ko. Sumakay na ako ng taxi papunta sa bahay nila Kylla.
Pagbaba ko ng taxi bigla akong sinalubong nang yakap ni Kylla.
“Ano ba Kylla, bitawan mo nga ako!”
Hindi pa kasi siya bumibitaw at para siyang malanding linta na nakakapit sa akin.
“Tumawag ba sa ’yo si Bianca?” tanong niya at bumitaw sa akin.
Tumango ako bilang sagot kasi ayokong pag-usapan ang tungkol doon. Nakabihis na rin si Kylla at ang kapatid niya, mukhang si tita na lang ang hinihintay nila.
Mga ilang minuto ay lumabas na rin si Tita. Sa kotse nila kami sumakay at si tita ang nagmamaneho. Malapit na kami sa simbahan at mula dito natatanaw ko ang madaming tao. Nakakahiya tuloy.
Pumasok na kami sa loob at naghanap ng mauupuan. Napakalaking simbahan ito at madaming tao ang nagsisimba. Pangatlong beses na ako nakapasok at nagsimba rito.
Doon kasi sa amin hindi masyadong kalakihan ang simbahan at kaunti lang din ang nagsisimba. Magkatabi kami ni Kylla at katabi niya rin si Kyline sa kaniyang kanan. Inilibot ko ang aking paningin para makita si Bianca, dati magkatabi kaming tatlo kapag nagsisimba ako rito tapos hindi kami nakikinig at lagi kaming nagpipigil ng tawa.
“Nando’n si Bianca oh!” bulong ni Kylla sa aking tenga at sinenyasan akong tumingin sa kung saan siya nakatingin. Siguro na pansin niya na may hinahanap ako.
Nakita ko nga si Bianca, kasama ang kaniyang mga magulang. Sinusubukan ko ring hanapin ang gusto kong makita pero hindi ko siya mahanap. Saan kaya siya?
Nagulat ako nang bigla akong kurutin ni Kylla. Tiningnan ko siya at doon ko nalaman na nakatayo silang lahat. Bigla akong tumayo at lumingon ako sa aming likuran na sana ay hindi ko ginawa dahil nakatingin sila sa akin.
“Kylla, patayin mo na ako! Ngayon na,” bulong ko kay Kylla.
“Ano ba kasing iniisip mo? Nangangalay na 'yung paa ko tapos ikaw nakaupo lang kanina!”
“Kaya nga hindi ko napansin eh! Nakakahiya ang daming nakatingin sa akin sa likuran kanina.”
“Ano ka ba, natural lang na nakatingin sila sa 'yo kasi nasa harapan nila tayo at bakit ka pa kasi lumingon!”
“Ay, Oo nga no! Natural lang na nakatingin sila sa akin dahil nasa unahan tayo,” pangungumbinsi ko sa sarili. Sana naman mawala na 'yung kahihiyang nangyari ngayon.
Lumingon ulit ako sa likuran ang nag-peace sign para naman wala silang masabi at Kinurot ulit ako ni Kylla at napadaing ako sa sakit.
“Aray! Ba’t ka ba nangungurot ha? Nakakarami ka na!” sigaw ko sa kaniya at bigla niyang tinakpan ang bibig ko.
“H'wag kang sumigaw nasa simbahan tayo!” pagalit na bulong niya. Lagot nakakahiya tuloy! Pinikit ko ang aking mga mata para hindi ko makita kung sino man ang nakatingin at baka himatayin na ako.
Sinuway kami ni Tita at pinagalitan. Sabi niya humanda raw kami mamaya. Umupo na ang lahat at ganoon rin ang aming ginawa.
“Ikaw kasi eh!” bintang ni Kylla sa akin na pabulong.
“Anong ako? Ikaw 'tong nangungurot diyan!” sabi ko.
Mabuti at malaki ang simbahan na ito, tiyak na ‘yung mga malapit lang ang nakarinig ng sigaw ko.
“Lagot ako mamaya kay Mama, kasalanan mo ito!”
“Anong kasalanan ko? Ang lakas mo mangurot eh, wala naman akong ginagawa sa 'yo!”
“Kasalanan mo 'to!” At parang naiiyak na siya. Wala naman talaga akong kasalanan, bahala sa kaniya. Ang lakas niyang mangurot, nagmana siya kay Tita. Ang ingay pa rin ni Kylla and she still blaming me, mabuti nga at behave si Kyline ngayon.
“Tumahimik ka na nga! Kasalanan mo 'yon!” bulong ko sa kaniya.
“Kasalanan mo!”
“Ang sakit mo kaya mangurot kaya kasalanan mo!”
Patuloy pa rin kami sa paninisi at bulungan sa isa’t isa ni Kylla. Tumigil kaming dalawa ng kinaway kami ni Bianca. Kumaway rin kami pero sa hindi inaasahan nakita siya ng daddy niya at binigyan siya nito nang masamang tingin. Bigla siyang nag-sorry sa daddy niya at hindi na lumingon sa amin.
Ang daddy ni Bianca ay isang kilalang businessman at ang mommy nito ay isa sa mga nagmamay-ari ng sikat na flower shop. Nag-iisang anak si Bianca at napakahirap iyon para sa kaniya. Napaka-strict ng daddy nito, limitado lahat nang gagawin niya at hindi siya p’wedeng magka-boyfriend. Mabuti nga at hindi siya pumayag na may bodyguard.
Naalala ko pa dati noong nag-away sila ng daddy niya tungkol sa bodyguard. Hindi siya umuwi sa kanila at nag-alala kaming lahat. Pinagbantaan pa nga kami ng daddy niya kasi akala nila tinatago namin si Bianca pero hanggang ngayon hindi namin alam kung saan ba siya pumunta noong araw na iyon.
Natapos ang misa at inaamin ko hindi ako nakikinig o sa madaling salita walang akong natutunan sa kung anuman ang sinasabi ng padre.
Hinatid ako nila Kylla sa amin at hindi kami nagpapansinan dalawa sa biyahe, si Kyline lang kausap ko sa kotse. Alam kong iiyak na naman siya mamaya at aasarin din siya ni Kyline. Naalala ko tuloy 'yung kahihiyan kanina pero dapat hindi 'yun ang isipin ko.
Madali lang din naman maalis sa isipan ko ang mga pangyayari kung hindi ko imama-mind. Bahala na kung anong sabihin ng iba, wala naman akong pakialam sa kanila.
Hinalikan ko sa pisngi si Kyline at nagpasalamat kay tita sa paghatid. Alam kong wala akong kasalanan pero bago ako bumaba ng kotse nag-sorry ako kay Kylla.
Hindi ko tuloy nakita si Liam kanina at hindi ko rin nakasama si Bianca. Nalulungkot tuloy ako para kay Bianca, hindi niya naranasan ang maging masaya kasama ang family kaya dapat maging mabait ako kay mama at papa.
Pagpasok ko sa bahay hindi ko nakita si Mama at si Kuya.
“Nasaan kaya sila?” tanong ko sarili.
Siguro pagod si Mama sa paglilinis kaya lumabas sila ni Kuya. Sana naman hinintay nila ako.
Pagkatapos kong magbihis ay humiga ako sa kama at bubuksan ko sana ang tv nang biglang mag-ring ang phone ko.
Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at nakaramdam ako ng saya.
Bianca Enriquez the good girl!