CHAPTER 04.1

1082 Words
CHAPTER 04.1: Monday “Class be quite!” Lahat kami ay tumahimik ng pumasok si ma’am. Napairap na lang ako ng pumasok rin ang limang classmates namin. Sumabay sila kay ma’am? Ano naman kaya ang binabalak nila. Nilingon ko sila Bianca at Kylla na nasa harapan ko. Ano kaya ang pinag-uusapan ng dalawa. Nasa likuran nila ako naka-upo balak ko pa sana lumapit sa kanila pero naalala ko nandito na pala si ma’am. “Okay, class. I want you to get ¼ sheet of paper and write only your complete name.” Naging maingay naman ang mga classmates ko pero si ma’am ay relax lang. Nakaramdam tuloy ako ng kaba, nga’yong araw pala magsisimula ang activity para sa mga Alphabet Team. “H-Hello, p-pwede makahingi ng papel?” Bigla akong lumingon sa katabi ko nang sikuhan niya ako. Pansin ko rin nagsisimula na ang iba magsulat at may iba na rin ang nasa harapan para ibigay kay ma’am ang kanilang papel na nakasulat ng kanilang pangalan. Hanggang ngayon hindi ko alam kung ano ang pangalan ng katabi ko. Kumuha na akong ng papel sa bag at binigyan rin siya. “T-Thank you,” sagot niya. Tumango lang ako at hindi na siya pinansin pa. “Sofi, akin na 'yong papel mo ako na bibigay kay ma’am.” Agad kong inabot ang aking papel kay Kylla, mabilis naman siyang lumapit kay ma’am sa harapan at binigay ang papel naming tatlo. “Class you may now dismissed.” Napa-awang ang bibig ko sa sinabi ni ma’am. Hindi pa naman time ah, excited ba siya o baka may date. Naalala ko tuloy si Liam, baka mamaya nasa cafeteria siya. Bago lumabas si ma’am ay sinabi niya sa amin na lahat ng team ay pumunta sa gymnasium. Ano naman kaya ang gagawin namin doon? “Sofia! Tara na!” Nauna na pala sila Kylla sa akin. “Kanina ka pa wala sa sarili, okay ka lang ba?” tanong sa akin ni Bianca. “O-oo naman, ikaw ba?” pabalik na tanong ko sa kaniya at ngumiti. Inakbayan naman ako ni Kylla at tina-asan ng kilay. “‘Huwag mong sabihin na kinakabahan ka? Oh ano?” May pagkama-angas na tanong niya sa akin. “H-Hindi naman kasi ako kinakabahan, ano kasi…” “Tama na 'yan, baka gusto mo lang makita si Liam eh.” Nagsimulang magtukso si Bianca sa akin at gano’n na rin si Kylla. “H-Hoy, ano ba? H-hindi naman kasi gano’n! H-Hintayin niyo ako!” sigaw ko. Hinabol ko sila papunta sa gymnasium. Sa sobrang ingay dito ay nakita ko si Kylla na sinisigaw ang pangalan ko. Sumasayaw pa siya at sigaw ng sigaw. Si Bianca naman ay masama lang siyang tiningnan. Napatawa na lang ako at mula rito ay nag-ingay rin ako. “Kylla! Bianca!” sigaw ko. “Where are you guys!?” dagdag ko pa. “Sofia!! Hanapin mo kami!” rinig ko ang sigaw ni Kylla at hindi ko na siya nakita kung saan na siya nagpunta. Hindi ko na rin makita si Bianca. Balak ba talaga nila na dito kami maglaro ng tagu-taguan? Nga’yon ko lang din napansin na marami kaming nandito at halos lahat ay maingay. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at nagsimula ng hanapin sila Kylla. “E-excuse me, padaan po. Aray–” Napahawak ako sa ulo ko at hinimas ito. Kainis naman ang tigas ng ulo ng isang ‘yon. “Hoy! Huli ka Bianca!” sigaw ko ng makita si Bianca pero agad namang sumulpot si Kylla sa tabi niya. “Dapat mo muna kaming saksakin ‘di ba!? Haha–” “Hoy! Kylla, ang daya niyo? Buma–” Hindi na nila ako pinatapos pa at bigla na naman silang nawala. Mabilis akong kumuha ng ballpen sa bag ko. Sasaksakin ko talaga silang ng todo-todo, humanda sila! Kapag walang base ganito ang nilalaro namin, dapat ko muna silang kunwari saksakin ng kahit anong bagay para iba na naman ang taya. “Excuse me..Aray–” “Who the hell are you? Sino humawak ng pwet ko!?” Mabilis naman ako nagtago sa likuran ng isang kasama niya. Ang ingay niya. H-hindi ko naman hinawakan pwet niya ah, nasiko ko lang. May pamilyar naman na bagay akong nakita. Ganito ang kulay ng bag ni Kylla at parehas rin ang style. Tumawa muna ako at dahan-dahan lumapit pero may biglang bumangga sa akin dahilan para tumilapon ang ballpen na hawak ko. Napa-awang ang bibig ko ng hindi ko makuha ang ballpen ko. Makukuha ko na sana pero nasipa ng isang matabang lalaki. “15 pesos pa naman ang bili ko ng ballpen na 'yon,” sabi ko sa sarili at sinundan kung saan napadpad ang ballpen ko. Masaya akong makita na hindi nasira ang ballpen ko kaso nga lang hindi ako makadaan sa mga naka kumpol na estudyante rito. Maabot ko naman iyon gamit ang mahaba kong kamay bago ko makalimutan may powers pala ako ni Lastikman. Lumuhod na lang ako sa semento at pilit na inaabot ang ball pen ko. “Gotcha!” “A-aray!” daing ko ng may tumapak sa kamay ko ang mas malala pa ay hindi niya pa inalis ang paa niya habang nakatingin sa akin. Masama ko naman siyang tiningnan. “A-aray ang kamay ko–” “From what team are you from?” seryosong tanong nito. “A-ahm..t-team Q,” nauutal na sagot ko. Nakahinga naman ako ng maluwag ng inalis niya na ang kaniyang paa pero hindi niya pa rin inaalis ang tingin niya sa akin. May dumi ba ako sa mukha? “Stand up,” ma-otoridad niyang utos sa akin. Susunduin ko ba siya? Pero bago pa man ako nagdalawang isip ay tumayo na agad ako ng makitang nakapamaywang na siya. “Ahh..eh…B-bakit? A-aalis na–” Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Sa sobrang bilis ng kaniyang paggalaw ay parang nawalan ako ng hangin na malalanghap. “Gusto ko ulit tapakan ang kamay mo, sige sa susunod.” Tumalikod na siya at napairap naman ako. Masyado pa ring maingay rito pero hindi ko alam kung bakit kusang gumalaw ang paa ko at hinabol siya. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. “T-Teka, saglit lang!” sigaw ko at hinawakan siya sa braso. Nang lumingon siya ay pinanlakihan ko agad siya ng mata. Hindi ko palalampasin ang ginawa niya. “Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo?” pagalit na tanong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD