Chapter 35 Meeting Lady Gem FELIZ. Hanggang ngayon talaga natutuwa ako kay Shin. Kasi sabi niya, ililibre niya daw ako kahit magkano. Wag ko lang daw tawagin si Danica. Masaya ako sa libre pero nalulungkot naman ako kasi pinagtatabuyan niya si Danica. Ni hindi nga ako nakapagpaalam sa kanya e. "Gushto mo?" Tanong ko habang ngumunguya ng kikiam na favorite ko. Hindi ko nga alam kung nagkusa ba siya o napilitan lang siya na ilibre ako. Masama ata ang loob. Nakikita sa mukha niya e. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Lukot na lukot yung mukha niya. Hmm, kapag sumakit ang tiyan ko, alam na. Hahaha. "Tsss. Lamunin mo na nga 'yan." Naiinis na sabi niya. Saka itinutulak yung kamay ko na naka-extend holding a cup full of kikiam. "Ayaw mo talaga? Kain ka na. Tikman mo. Masarap."

