bc

Goddess Era and the Guardian Gods

book_age12+
125
FOLLOW
1K
READ
fated
comedy
humorous
friendship
supernatural
special ability
school
foodie
spiritual
naive
like
intro-logo
Blurb

Felizity Shivell is a carefree and cheerful teenage girl who’s living her normal life. Not until napunta siya sa lugar kung saan malayo sa kung saan siya lumaki. From California, she wasn’t expecting something special sa pagtapak niya sa Pilipinas. Unfortunately, doon pala magsisimula ang lahat ng pangyayaring babago sa kanyang ordinaryong mundo.

Pagtungo niya sa Pilipinas, she gained experience, she met new people and later on, they became her precious friends. However, she never expected the people that will threaten her life because of her true identity.

Pero paano kung ang inaakala niyang threat ay wala pa sa worst of all the worst-case scenario ng buhay niya? Idagdag pa ang revelation ng kanyang tunay na pagkatao bilang isang makapangyarihang nilalang.

Sa paglabas ng katotohanan sa kanyang pagkatao bilang vessel ng isang diyosa, hindi niya inakalang magiging dahilan iyon upang manganib ang kanyang buhay.

Can she manage to survive and return to the ordinary life she’s been living all this time? How can she accept the life that was destined for her to protect the people she cared.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 New Place FELIZ. I’M REALLY excited to go to the Philippines. Ang dami kasing naikuwento ni best friend sa akin na magagandang sceneries dito. Parang ang sarap puntahan lahat ng iyon. And now, ilang minuto na lang ay mararating ko na ito. I can’t wait to see what awaits me there. “Finally!” Suminghot ako nang isang beses at saka bumuga ng hangin. Nakatapak na rin ako sa lupa ng Pilipinas! “What the hell, Feliz? Are you planning to add pollution to this place?” Napatakip pa ito sa ilong na akala mo, may mabahong naamoy. “You’re being rude. Hindi naman mabaho ang hininga ko, ah?” Hiningahan ko ang kamay ko saka ko inamoy. Mabango naman, ah. “My breath smells like mint. Here, you smell it.” I extended my arms towards her, but she looked at me in disgust. “Yuck. Lumayo ka nga. Kadiri ka!” Tapos tinakbuhan niya ako habang tulak-tulak ang cart na naglalaman ng mga bagahe niya. “Hey, wait! ’Wag mo naman akong iwan. Kapag ako nawala, kasalanan mo.” Tinakbo ko kung nasaan siya at patuloy lang siyang tumakbo palayo. “Mukha tayong tanga. Tumigil ka na nga kasi. Nakakadiri ka!” “Nauna ka kaya.” Ako pa’ng sinisi. Siya kaya yung tumakbo. Hmp! “God, girl. Tara na nga.” Saka niya ako hinila at sumakay na kami sa kotse niya na sundo namin. Galing kasi kami sa California. Nandito kami sa Philippines for our two-month worth of summer vacation. Nagulat nga ako kasi pinayagan ako ng parents ko. Kung tutuusin, sobrang layo ng Philippines sa California. Hindi man lang ako pinigilan? Anong klase silang magulang? Haha. Joke. Pero siguro, okay na rin ’to. Try ko lang mapag-isa. Ano kaya ang feeling? Syempre sustentado naman ako. Ano ’yon, hahayaan nila akong magutom? Haha. Syempre, hindi. Mahal nila ako, ’no? “Buti na lang talaga, wala sina Mom and Dad sa bahay,” Vic said. “At two months pa.” That’s right! Titira ako kina Vic. Anyway, Victoria Flinn is her real name at siya ang best friend ko since fifth grade. Ayaw raw ng parents niya na may ibang tao sa bahay nila. Ewan ko ba kung bakit ganoon. Takot ba sila sa tao? “Gutom ka na ba?” Nginitian ko siya nang malapad at huminga lang siya nang malalim. She knew me very well. “Sabi na nga ba. At malamang, hindi lang gutom kundi gutom na gutom, tama?” Na-amaze naman ako sa sinabi niya. Nag-sparkle kaagad ang mga mata ko dahil mabilis niyang nabasa ang naging expression ko. “Ang galing! Paano mo nalaman?” Napairap siya pero nanatili lang akong nakangiti. “Alam ko ang meaning ng bawat ngiti mo. Sobrang lapad ngayon kaya gutom na gutom ka. Hindi ko alam diyan sa tiyan mo kung anong alaga meron ka. Kung bulate ba, anaconda, o dragon.” “Grabe ka naman. Ganoon ba ako katakaw?” Nagsasawa na ba siyang pakainin ako? Sponsor ko kasi siya ng pagkain eh. “Hindi ba?” Napakamot na lang ako ng ulo sa sinabi niya. Sa bagay, tama naman siya. Pero kaunti lang naman. Hindi naman ako umuubos ng isang kalderong sinaing. “Dito na tayo. Kakain muna tayo bago umuwi. Kaya pakabusog ka. Buffet naman ‘to, so you can eat as much as you want. Hoy, sulitin mo binayad ko, kundi sisingilin kita ng doble.” Duro niya pa. “Mahal na mahal mo talaga ako. I love you too bestfriend. Huehue.” Niyakap ko siya ng mahigpit sabay halik sa pisngi niya. Pero mabilis niya akong itinulak palayo at mabilis pinunasan yung pisngi niya na nadampian ng labi ko, yung tipong may rabies ako kaya ako napanguso na nagpairap lang sa kanya. “Sige na, huwag ka na mag-inarte dyan. Bumaba na tayo at gutom na din ako.” *** Napatigil sa pagsusulat sa isang scroll ng papel ang isang babaeng nasa edad singkwenta na at nagawi ang paningin nito sa malaking bintana sa kanyang gilid. Malayo ang tingin niya roon. “May problema po ba, Lady Gem?” tanong ng babaeng nakasuot ng pormal na damit bilang siya ay isang kanang kamay ng babaeng nagngangalang Gem. “Masamang pangitain. Ipatawag mo sila ngayon din. I have some important things to discuss right now.” Tumayo ang babaeng kasama sa harapan niya at yumuko bilang paggalang. “Masusunod po,” magalang nitong sambit saka ito umalis at lumabas ng silid. Nanatili pa rin ang malayong tingin ni Gem sa bintana at makikitang nagiging kulay kahel na ang kalangitan dahil halos palubog na rin ang araw. Napapaisip siya kung anong klaseng enerhiya ang naramdaman niya nang mga sandaling iyon. Isa iyong malakas na enerhiya at paniguradong hindi siya maaaring magkamali sa pakiramdam niya tungkol dito. Ilang minuto pa ang lumipas ay nasa loob na rin ng silid ang mga taong ipinatawag niya. “Why did you call so urgent?” “Did you feel it?” Nagkatinginan ang pitong lalaking hindi nalalayo ang edad kay Gem. “What do you mean by feel?” “Nagkukunwari ba kayo o talagang hindi n’yo naramdaman?” iritableng tanong niya na nagpakunot sa noo ng mga bisita. Hanggang sa may biglang sumagot. “I can sense strong energy coming from somewhere near us. Is that what you mean?” Biglang naging seryoso ang atmospera at natahimik nang sandali ang lahat dahil sa narinig nilang iyon. “You mean she’s back?” tanong ng isa. “No, they are back,” sabi naman ng lalaking kulay silver white ang buhok na dala na rin ng kanyang katandaan. “They’re preparing to summon Demonica, at malapit nang makompleto ang lakas niya. Unti-unti ko nang nararamdaman ang paglakas ng enerhiya nito. We need to do something immediately to prevent them from summoning her,” mahabang litanya ni Gem sa mga kasama. “They can’t summon her unless they have all the seven elements,” sabi naman ng banyagang kulay blonde ang buhok. “They’re going to have it soon.” Nagtaka ang mga ito sa sinabi ni Gem. “Hindi ba’t nasa katawan ni Era ang mga elementong iyon? At isa pa, hindi nila alam kung ano at sino ang anyo ni Era ngayon. Even us, we do not know. No one knows,” komento pa ng pinakabata sa kanilang lahat. “And I can’t feel her energy either. How can they have it?” “’Yon ang akala n’yo. Ramdam ko na malapit lang si Era sa ’tin. Alam ko kung ano ang enerhiyang inilalabas niya dahil minsan niya na akong naging tagapangalaga. At panigurado akong ramdam na rin siya ng mga kalaban.” Tila nagulat ang pitong kalalakihan sa narinig at hindi makapaniwala. “Bakit hindi namin ito maramdaman kung malapit nga lang siya?” “She’s not completely awakened so it’s hard to feel her energy.” Hanggang sa mag-react sila isa-isa at sinabing may bigla na lang silang naramdamang enerhiya na katulad ng kay Era. “She really is here,” namamanghang sambit ng banyagang kasama nila. “It’s just a small amount of energy that you can’t notice immediately.” “Exactly,” pagsang-ayon pa ni Gem. “So ano ang gusto mong mangyari ngayon?” Tumayo si Gem mula sa pagkakaupo sa swivel chair at humarap sa malaking bintana ng silid na naroon habang nakatalikod sa kanyang pitong bisita. “Hindi natin maaaring hayaang mabuhay at maghasik ng kasamaan ang mga diyos sa ilalim. Kailangan nating pigilan ang pagbuhay nila kay Demonica. At ang magagawa natin ngayon ay ang hanapin si Era at gisingin na siya sa mahabang pagkakahimbing upang mapigilan ang mga diyos sa ilalim. Sa ganoong paraan din matatanggal ang sumpa sa ’kin ni Demonica.” Tila may hinanakit sa mga huling salitang binitiwan ni Gem. “You being like that is what you mean, eh?” Bigla namang nakaramdam ng pagkainis si Gem dahil sa pilyong sinabi ng pinakapilyong lalaki sa loob ng silid. “Niloloko mo ba ako?” “It’s better if you stay that way. We’ve got used to it.” Saka nagtawanan ang lahat. Naiinis na bumalik sa upuan si Gem at mas lalo pa siyang nainis dahil hindi siya makasampa sa swivel chair niya. Lalong nabalot ng tawanan ang silid dahil sa nagaganap. “Stay that way, Gem. You are way cuter when you’re like that,” natatawang sabi ng banyaga. “Ang tatanda n’yo na, ganyan pa rin kayo. Mapanlait!” Tawa pa rin nang tawa ang mga kasama niya habang tinutulungan siyang makaupo ng kanyang sekretarya. “Why do you want to go back to your true self as an old hag. It’s much better if you stay as a child, Gem.” Tawa pa rin sila nang tawa habang naka-poker face lang si Gem. Oo nga’t nagkatawang bata siya, pero hindi maikakailang mas lalo siyang nanghina. Limitado lang ang kapangyarihang kinakaya ng batang katawan niya. Sumpa ito sa kanya at huling kumpas ni Demonica sa kapangyarihan niya bago ito tuluyang naglaho sa mundo, matagal na panahon na ang nakararaan. Kasabay niyon ang paglaho din ni Era noong kapanahunan nila. Si Era lamang ang makapagtatanggal sa sumpa kay Gem na hinintay niya nang halos dalawang dekada. At ngayong ramdam na niya ulit ang presensya nito, kailangan na niya itong hanapin upang sa ganoon ay magkaroon na ng katahimikan at mapuksa ang kasamaang gustong maghari sa mundo. At para maibalik na rin siya sa tunay niyang katauhan. “It’s up to you na hanapin ang mga nakatadhanang makakuha ng mga elemento ninyo at papuntahin sila rito. It’s their duty to find Era and to protect her to prevent the loss of the elements. This should be done ASAP before it’s too late.” Natigil ang lahat sa pagtawa at napatitig kay Gem. Nagkatinginan muna ang pito bago seryosong nagsitanguan kay Gem. “You can leave now.” Saka umalis ang mga lalaki. Napabuntonghininga si Gem pagkaalis ng kanyang mga bisita. Umikot ang kanyang kinauupuang swivel chair paharap sa malaking bintanang nasa kanyang likuran. Makikita ang pagkabahala sa kanyang mga mata habang nakatitig sa palubog na araw at kulay kahel na kalangitan. Tila hindi mapakali dahil sa biglaang pagpaparamdam ng malakas na enerhiyang nanggagaling sa kalaban. Hindi nito sinabi na mas malakas ito kumpara sa dati nilang nakaharap. “Goddess Era, please let us find you for the sake of all living things.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

His Obsession

read
104.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook