Chapter 2
The Chase
FELIZ.
KAKAUWI lang namin dito sa bahay nina Vic. At syempre, umuwi akong busog. Yung feeling na heaven, because I really love to eat, in case you want to know.
“Thanks for the food!” Pabagsak kong inihiga ang sarili ko sa maluwang niyang kama habang nakataas pa ang mga braso ko. I’m so full right now and it feels like I can’t move.
“Pasalamat ka, malaki ang allowance ko na ibinigay for that two months.” Nakaupo na siya sa harap ng malaking salamin niya at ngumiti lang ako.
“O, eh di thank you. Haha!” I jested then she frowned kaya natawa ako. Grabe! Busog na busog ako. Ang dami kong nakain sa buffet. At ang tanging magagawa ko lang ngayon ay humilata sa kama ni Vic.
“Inaantok na ’ko.” Tumalikod ako sa kanya and I closed my eyes.
“Bangungutin ka sana,” bulong niya at hindi talaga nakatakas sa akin ang pag-irap niya nang humarap na ako sa kanya.
“Narinig ko ’yon! Oy, grabe ka makasumpa. Kapag ako natuluyan, ikaw una kong mumultuhin.” Umirap na naman siya at saka tumayo at lumapit sa ’kin. Parang ako ang nahihilo sa kakairap niya.
“Ha-ha-ha. So scary. Matatakot na ba ako?” sarkastiko niyang sagot.
“Tumayo ka nga diyan. Doon ka na sa room na ipinahanda ko for you kaya alis! I need to rest.” Hinihila niya ako patayo pero mas lalo ko lang pinapabigat ang katawan ko.
“Tabi tayo,” I requested but she refused.
“Ayoko nga. Ang likot mo kaya.” Hindi ako tumayo hanggang sa bitiwan niya ako. Akala ko, sinukuan niya na ang pagpapalayas sa akin, but to my surprise, she kicked me with all her force, gumulong ako sa kama niya hanggang sa dumere-deretso ako at plumakda sa sahig.
Ouch! That hurts!
“Serves you right, haha!”
“Why did you do that?” Nakita kong nakahiga na siya sa kama niya at dumipa pagkatayo ko habang hawak ang balakang ko. Para hindi na raw ako makahiga kaya dumipa siya sa buong kama. Napanguso ako sa inasta niya. But then, I thought of something annoying to say, which then she’ll react with those scary-monster-like faces of hers.
Just thinking about it, I can’t help but laugh. And I need to hold my laughter, or else she's going to kick my a*s off. Again.
“Kadiri ka. Hindi ka man lang nag-shower tapos matutulog ka na, yuck!” Bigla siyang umupo sa kama at sinamaan ako ng tingin bago tuluyang tumayo. Told ya’, she’s going to react, and her face is so hilarious and raging. I want to laugh instead of getting scared.
"Nandito ka pa kasi kaya lumabas ka na para makaligo na ’ko.” Puwersahan niya akong itinulak hanggang sa tuluyan na nga akong makalabas. The door loudly shut at halos mapapikit pa ako sa sobrang lakas. I burst out laughing ’cause I can’t hold it anymore. After I calmed myself down, I went straight to the room she prepared for me.
Naligo na rin ako bago matulog. Syempre, I blow dry my shiny and silky long jet black hair. I can’t sleep with a wet hair, ’no. My hair is about waist-length long, and it takes a long time for it to dry. And I don’t plan on cutting it kahit mahirap magpatuyo ng buhok and mag-maintain gaya ng sabi nila. Matapos akong magpatuyo ng buhok ay humiga na ako sa kama at pinatay ang lampshade sa bedside table saka ako natulog.
“Mamamatay ka . . .”
“Mamamatay ka . . .”
“Mamamatay ka . . .”
Naalimpungatan ako sa aking pagtulog. Mabilis akong napabangon sa pagkakahiga at abot-abot ang paghinga. Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon. Napahawak ako sa dibdib at dinama ang sobrang pagkabog ng puso ko. Parang gusto nitong lumabas sa dibdib ko sa sobrang lakas ng pagkabog. Bigla akong nakaramdam ng takot nang maalala at parang narinig kong muli sa tainga ko ang katagang mamamatay ka.
“It was all a dream,” bulong ko sa sarili habang inaabot pa rin ang paghinga at pilit itinatago ang takot na nararamdaman. Napatingin ako sa loob ng kuwarto and it was too dark for me to see the room. Ibinagsak ko na lang sa kama ang katawan habang malakas pa rin ang pagtaas-baba ng dibdib ko sa paghinga. I breathe deeply to compose myself.
Tagaktak na rin ang pawis ko kahit pa naka-aircon ang buong room. I shut my eyes to lessen my tension and to remove my worries. But hell, it feels like the scary feeling lingering inside me worsened.
“That was one hella’ scary dream,” I whispered to myself. This is the way how I calm myself if no one is around, lalo na kapag nasa work ang parents ko. Ever since I was a kid, I’ve been trying to overcome this alone. My parents didn’t know about this scary dream I had experienced and was experiencing.
Nagkaroon ako ng scary dream noong mga nasa edad pito ako. Gabi-gabi ’yon at umabot nang isang buwan. I remembered it clearly that it was during summer just like this time. Sa tagal ng panahon, ngayon lang ulit nangyari sa akin ’to. Even Vic, hindi niya alam ang experience ko noong seven ako. Ako lang ang nakakaalam. Pero mas lalong nakakatakot ang panaginip ko ngayon kaysa dati.
“Ito ba ang makukuha ko sa pagkain ng marami sa dinner?” I tried to divert my attention to lessen this feeling. I also tried to close my eyes so I could go back to sleep and avoid thinking about it again. Please, self. Go back to sleep.
***
Vic was laughing hilariously like an old witch when she saw me sat in front of her. Muntik niya pang maibuga ang iniinom niyang gatas sa pagmumukha ko. Like what the hell, Victoria? Are you a freaking old man to laugh that boldly? I gave her a straight face dahil wala akong energy para sakyan ang kaingayan niya sa umaga. Puyat ako.
“You look like a freaking panda, girl. Hindi ka ba nakatulog? Aren’t you comfortable in your bedroom?” I heaved a sigh then cupped my face looking problematic in this early morning.
“I had a nightmare. And I can’t sleep at all.” Ang akala ko’y bibigyan niya ako ng simpatya pero hindi pala. Hayup siya! Lalo pang ginatungan ang pagkakaroon ko ng masamang panaginip. Just when I decided to tell her what was bugging me ever since my childhood days, it always turned out to be a joke to her. Hay, mukha ba akong laging nag-jo-joke?
“Ayan. Buti nga! Dahil sa katakawan mo, binabangungot ka na. Sabi na kasing ’wag kang kakain ng marami sa gabi.” Ang ganda ng agahan ko. Sermon agad. Mabubusog ba ako niyan? Hmp!
“Eh ngayon lang naman ako nanaginip ng ganoon eh.” Sabay subo ko ng bread galing sa toaster. Hindi ko na sinabing matagal na akong nagkaroon ng ganoong panaginip. Feeling ko, magiging komplikado kapag sinabi ko sa kanya.
“Next time, ’wag kang masyado magpapakabusog kung ayaw mong mamatay na parang kay Rico Yan.” Kumunot ang noo ko.
“Rico Yan. Who’s that?” Sabay nguya ng bread na kinagat ko.
“Nah. Never mind. Kumain ka na lang.” Habang kumakain ay narinig kong nag-ring ang phone ko. I checked the caller ID and I saw a roaming number. Si Mama. My face glowed when I saw her calling because I missed her already.
“Hello, Ma?”
“Did you like the house?” Kumunot ang noo ko sa tanong niya.
“What house?” “Yung titirhan mo diyan. We bought that bago ka pumunta diyan.”
“I’m not there. I’m at Vic’s house.” Napatingin naman sa ’kin si Vic at tinatanong niya kung bakit. I just shrugged my shoulders.
“Francis! You said she’s already home. Bakit hindi tumatawag yung mga butler na hindi pala siya doon naka-stay?” Inilayo ko ang cell phone sa tainga ko dahil sa malakas na sigaw ni Mama. She’s nagging again. Pinapagalitan si Papa.
“Feliz, tell me the address where you are right now. Ipapasundo kita sa butlers mo.”
“What? No way!”
“Yes way. Sa ayaw mo’t sa gusto, titira ka doon.”
“Kaya n’yo ba ako pinayagan kasi may bantay rin ako? No freaking way!” Then I ended the call. Mag-aaway lang kami ni Mama kapag hindi ko pa siya binabaan. Hays. Akala ko pa naman, magiging okay ako kapag nakausap ko siya, hindi rin pala.
“Anyare?” Napabusangot ako dahil sa nalaman ko.
“Hell no. I’m not going there. Ayoko!” naiinis na himutok ko. Imbes na matuwa sana ako dahil tumawag siya since nami-miss ko na rin sila, lalo naman akong na-stress.
“Ano ba ’yon? Hello? Earth to Feliz?” Napalingon ako kay Vic nang maaninag ko siyang kumakaway-kaway ang kamay sa tapat ng mukha ko just to get my attention. Napanguso ako nang mapatingin sa kanya at nagsumbong na parang bata.
“Mom is planning to get me out of here. She’s forcing me to stay at the house they bought for me,” nakangusong sabi ko. Nakatitig lang si Vic sa ’kin, at pakiramdam ko, naiintindihan niya rin ang nararamdaman ko.
“O, ’di maganda.” Binabawi ko na. Hindi niya pala ako naiintindihan.
“Anong klase kang kaibigan? Akala ko, best friend kita pero bakit mo ako ipinagkakanulo? Bak—aray!” Ang sakit naman ng apple na ibinato niya sa ’kin.
“Manahimik ka. Ang ingay mo.” Pakiramdam ko, may bukol na ako. Tsk. Napairap na lang ako at saka pinulot ang apple. At para hindi masayang, kinain ko na rin.
"Anong plano mo ngayon?” Natigil ako sa pagkagat sa apple at napatitig na lang dito.
“Stay here, of course.” Saka ko tuluyang kinagatan ang apple. Napatingin ako sa kanya na nagpapalaman ng bread.
“What if they find you here?”
“Unless you tell them your address.” Sinamaan niya ako ng tingin.
“Why would I do that?” Kinilig ako roon. Haha. Protective si best friend.
“Naks. You really do love me, best friend?” Malapad ang ngiti ko sa kanya.
“’Wag kang feeling. Ayokong ibulgar ang address ko dahil ayokong madamay sa pagkuha sa ’yo. Mamaya, saktan nila ako. Eh di nasira ang beauty ko.” I flashed a poker face. Binabawi ko na ang sinabi ko kanina. How could she? She’s abandoning me! Okay, enough of this nonsense drama. I’m just over reacting.
“Mama knows you, and she can always find a way to search for my whereabouts. Kahit na saang sulok pa ako ng mundo, I’m sure she’ll be able to find me within a week. Lalo pa’t alam niyang nandito ako sa bahay n’yo.” Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hinila patayo at kinaladkad papasok sa bahay since nasa veranda kami kanina. Pumasok kami sa kuwarto kung saan ako naka-stay habang kinakaladkad niya pa rin ako.
“What are you doing?”
“Ipapaampon na kita kay P-Noy.” Kumunot ang noo ko.
“Who the hell is this P-Noy again?” Patuloy lang siya sa pag-eempake ng gamit ko. Seryoso siya? Kakarating ko pa lang kahapon, aalis na ako agad-agad?
“Presidente ng Pilipinas. Fully-secured ’yon at siguradong hindi ka na mahahanap ng mama mo doon.”
“Are you serious? Ikaw nga ang nag-insist sa ’kin na pumunta dito tapos—”
"Joke lang, best friend. Tampo ka na agad?” Saka niya ako niyakap. Yung totoo? Anong trip mo, Victoria? I shook my head on that thought.
***
Two weeks have passed. Walang exciting na nangyari sa amin. Nag-malling, namasyal, at nag-explore lang naman kami sa buong Pilipinas. Since marami namang resort na pag-aari sina Vic dito, eh di sulitin na. Mag-take advantage—I mean, take the opportunity pala.
Not until today, there was some unusual event happened. We were in the department store and buying some of Vic’s stuff. She was at the counter to pay and I was at the women section’s clothes. Tingin-tingin lang. Then I accidentally heard two guys talking kaya habang tumitingin-tingin ako ay naririnig ko sila. It wasn’t my intention to eavesdrop. It’s just that they were near me, that’s why.
“Nakita mo na ba?”
“Hindi pa. Sigurado ka bang dito yung mall? Eh ang daming mall dito sa Manila.”
“Eto ’yon. Sabi ni Madam, nandito daw sila ngayon.”
“Patingin nga ulit ng picture n’ong hinahanap natin. Baka nakita ko na, hindi ko lang namukhaan.”
“May pagkatanga ka pa naman. O!” Natawa ako sa sinabi niya sa kasama niya. Makatanga naman.
“Pasensiya na, pare. Hindi ko kasi madaling matandaan ang mukha ng mga tao, lalo na’t hindi ko pa nakikita sa personal ’yang si Miss Felizity.” Natigilan ako sa pag-check ng mga damit na naka-hanger sa pangalang narinig ko. Nakaramdam na rin ako ng slight na kaba sa dibdib ko.
Why do I have a feeling na parang may kinalaman ako sa binanggit nila? Hindi naman siguro ako ’yon. Maraming Felizity sa mundo. I just shrugged the thought and continue what I was doing. Pero hindi pa rin naaalis ang slight na kaba sa dibdib ko. At nararamdaman ko na unti-unti na rin itong bumibilis. Why do I feel so worried upon hearing that name. Hindi ako ’yon. Hindi talaga ako ’yon. Not until a familiar surname they mentioned.
Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko dahil feeling ko na kapag isang galaw ko lang ay pwede nila akong makita. Hindi rin nakatakas ang biglang pagtulo ng pawis sa noo ko kahit pa may aircon dito. Para akong matatae na hindi ko maintindihan. I felt a pain coming from my tummy because of that anxious feeling.
“Hay naku, Brandon. Ano pa nga bang aasahan ko sa ’yo? Ikaw na nga ang maghawak nitong picture ni Miss Felizity. Baka mas lalong magalit sa ’tin si Mrs. Shivell kapag wala na naman tayong napala ngayon.” My eyes widened, and my heart beats so fast like hell. Alam kong maraming Felizity sa mundo, at alam ko ring marami kaming kaparehas ng surname. Pero kapag pinagsama, hindi ako pwedeng magkamali na ako nga ang tinutukoy nila. I need to get out of here. Baka makita pa nila ako ngayon.
Nagmadali akong maglakad papunta sa exit pero naalala kong may kasama pala ako. Kaya wala akong nagawa kundi ang bumalik. At kapag minamalas ka nga naman, an unexpected noise was created because of me.
Dang it!
Ang bulag ko. I bumped into the boxes carried by a salesman. It fell and scatter on the floor. And it caused us to get the attention of the people around us.
“Donald! Si Miss Felizity, nakita ko na!” Damn. They saw me.
“Sir, I’m really sorry. I’m in a hurry kaya hindi na kita matutulungan. Pasensiya na po.” Saka ako mabilis na tumakbo papunta kay Vic. I felt sorry for kuyang salesman. I’m sorry, kuya. Narinig ko pang nagdaldalan ang mga humahabol sa ’kin kaya this is a good opportunity to escape.
“Sigurado ka, Brandon? Baka namamalik-mata ka lang.”
“Hindi. Ayun siya, o. Tumakbo na. Alam kong tanga ako minsan at ulyanin, pero hindi ako bulag. Tumatakas na siya!” Sige, mag-away pa kayo, mga engot. Makakatakas na ’ko. Mas binilisan ko ang pagtakbo nang makita ko silang hinahabol na rin ako. Nakita ko si Vic na nakatayo sa may malapit sa counter.
“Saan ka ba galing? Kanina pa ’ko tapos, o! At bakit ka tumatak—teka! Bakit ka ba nanghihila?” Hinila niya pabalik ang braso niyang hinila ko kanina at huminto. Masama ang tingin pero nandoon na rin yung nagtataka na part.
“Dito mo pa talaga napiling huminto. Malapit na sila!” Kahit na alam kong naguguluhan siya, hinila ko na lang siya ulit at tumakbo. Hindi na siya nagtanong pa at nagpahila na lang.
“Bakit ba?” naiinis na tanong niya habang patuloy pa rin kami sa pagtakbo. May mga nabubunggo na rin kaming mga tao rito sa loob ng mall. Nagso-sorry man kami ay marami pa rin ang nagagalit sa amin.
“Miss Felizity, sandali!”
“Narinig mo ’yon. Nasagot na ba ang tanong mo?” Note the sarcasm. Pwede naman kasing sumunod na lang. Tss.
“E bakit ngayon mo lang sinabi?” Aba! Nanisi pa. Kung nakitakbo na lang kaya siya, ’no?
“C’mon, this way.” Siya na ang humila sa ’kin ngayon. Dumaan kami sa maraming tao para daw maiwala ’yung humahabol sa ’min. Pero s**t lang. Ang bilis namin. Halos makaladkad na rin ako. Alam kong mas mahahaba ang legs ko sa kanya, pero hindi ko kinakaya ang bilis. Argh!
“Wala na ba sila?” tanong niya kaya napatingin ako sa likod.
“Wala na,” sagot ko pero hindi pa rin kami humihinto.
“Wala ka bang balak huminto? Hinto na tayo. Sakit na ng paa ko.”
“We need to go to a safer place para hindi na talaga sila sumunod.” And we ended up at the parking lot. Halos maglupasay ako sa sahig habang nakasandal sa may kotse niya. I can’t breathe properly. And what the hell was that? Alam kong si Mama ang may pakana nito dahil narinig ko na rin doon sa dalawang humabol sa amin kanina. But why do they need to get me eh pwede naman na nilang akong hayaan kasi malaki na ako? At kasama ko rin naman si Vic, ah! Wala ba silang tiwala sa kanya? At hindi ba sila naaawa na pinapahirapan nila ako na anak nila?