Chapter 3
Two Beings, Same Face
FELIZ.
“Bilis, they’ll catch us, Vic!”
“I’m trying. Darn it!” Kailan ba ’to tatagal, ugh! We’ve been running for almost six freaking days every time we were outside of Vic’s house. God! We needed to run like a madman until I bumped into someone again.
“Aray, ano ba?” Aw. That hurts.
“Hey! Are you blind or what?” bulyaw ng mga taong nabunggo ko. Ang tanong ko naman kasi, bakit sa may daanan pa nila napiling tumambay? Nakitang nagmamadali ang tao e!
“Sorry. I’m really in a hurry. Beat me up next time—c’mon, before they reach us.” Hinila ko na ulit si Vic at saka nagmadaling tumakbo.
“You damn brat! Wala ka bang manners?” Hindi ko na sila pinansin kahit na nainsulto ako sa sinabi nila. May manners ako, hindi lang effective ngayon.
***
Nagtago kami sa isang eskinita para hindi na makita ng mga pesteng humahabol sa ’kin. Halos inaabot ko na rin ang paghinga ko sa sobrang layo ng tinakbo namin. Para akong mawawalan ng hangin sa sobrang hingal. Talagang pinapahirapan ako ni Mama para sumuko na lang. No way in hell I’m gonna give up. Hindi nila ako matatakot sa ginagawa nila.
“How long are they planning to chase me? Those bastards are really getting into my nerves,” pagrereklamo ko pa na hingal na hingal pa rin at nakasilip sa labas to check if those bastards were still following us.
Wala akong nakuhang response kay Vic kaya nagtaka ako. Knowing her, she always nags at me lalo na at nadamay siya sa mga pinaggagagawa ng nanay ko. Hindi kasi siya umiimik ngayon kaya nagtaka naman ako. Wait nga, parang may mali yata rito. Dinama ko ang wrist niya. Until now kasi, nakahawak pa rin ako roon at nakatalikod sa kanya.
Something was different in her. Bakit biglang lumaki ’yung wrist niya? Nilingon ko iyon, and I noticed her hand. It really looked different, ya’ know. Biglang lumaki ang palad niya at humaba ang mga daliri. I intertwined my fingers in hers and caused her to gasp. A gasp with a deep voice. So my forehead automatically creased.
Mula sa kamay, sa braso, paakyat sa mukha niya umangat ang tingin ko. And it really shocked the hell out of me when I saw a guy standing beside me. My eyes widened and I couldn’t utter a word to say. I froze up when I realized that I was holding a guy’s hand!
A total stranger. How did he get in here? He was wearing eyeglasses, almost parting his face because it was too big. What kind of glasses was that?
“Who are you?” halos pasigaw kong tanong.
“Shouldn’t I be the one asking that?” he asked with a straight face. Ay, o! Walang emosyon ang lolo n’yo. Paano ba siya napunta rito?
“Where are we, anyway?” Luminga-linga ito sa paligid. He’s weird, ya’ know. Kasi bakit ganoon ang kulay ng buhok niya? Bluish white. At ang pinaka-weird pa, nasa tip lang ng buhok niya sa harap ang kulay. Maybe three inches of his hair was parting the color. That fringe covering his forehead. That was the right place.
“Why are you here?” I asked him again, not minding his question.
“You’re the the one who dragged me here.” Teka, kung siya ang nahila ko rito, nasaan si Vic? Napatingin ako sa kanya, and I couldn’t help but observe him. He’s a really tall guy, and he’s too pale . I mean, yung skin color niya. Kahit maputi siya, iba ang pagkaputi niya. Parang kasimputi ng ice. Or maybe, kasimputi ng paper. Bigla akong nagulat nang madako ako sa mata niya. Did I see that right? His eyes turned blue, and now it’s black again.
Namamalik-mata ba ako? Napakurap-kurap pa ako ng mata dahil nabigla ako. What the hell was that? I was in the middle of thinking when he interrupted me.
“Miss, can I get my hand?” Napatingin naman ako sa kamay niya. Napabitiw ako agad dahil hindi ko pa pala siya binibitiwan. Nahiya akong bigla. Naramdaman ko ang biglang pag-init ng pisngi ko dahil doon. It felt awkward dahil sa ginawa ko. Nakakahiya, shet. And I felt relieved nang bigla namang nag-ring ’yung phone ko na kaagad kong sinagot at lumayo sa kanya.
***
The guy was still staring at the girl after she answered her phone.
“Nasaan ka na ba?” sigaw nito sa kausap sa kabilang linya. He was looking, and at the same time, observing the girl.
“Alam mo bang nakaistorbo ako ng buhay ng may buhay dahil sa . . .”
‘Bakit pakiramdam ko, I already met this girl before?’ sabi niya sa isip.
Unang kita palang niya sa dalaga ay parang may naramdaman siyang kung anong tali na nag-uugnay sa kanila. It felt as if a string of faith was connecting them but not the red one since it wasn’t love he was feeling. By merely looking at her, he felt like he knew the girl a long time ago.
Ang presensya nito ay parang kapareha sa isang taong kilalang-kilala niya. At dahil magkalapit lang sila at nakaharap ito sa kanya ay malaya niya itong naoobserbahan.
Even those round greyish brown eyes of hers didn’t escape from him. A fair skin, slim body, and a tall height that was unusual for average girls. Masasabi niyang payat nga ito dahil sa oversized na shirt na suot nito with her not-so-fitted skinny jeans na bumagay rito.
‘Err . . . I’m observing her way too much. Tss.’ He shook his head on that thought.
“Mister, I’m sorry for what happened. I’ll go ahead. I’m very sorry for causing you such a trouble.” Saka ito ngumiti sa kanya at tumango lamang ang binata bilang sagot saka ito tuluyang patakbong umalis.
***
FELIZ.
"Ano na’ng plano mo ngayon?” tanong ni Vic sa ’kin habang nakaupo ako sa kama niya at nakatayo siya sa harap ko ngayon.
Ano nga ba ang plano ko? Gabi na kami nakauwi dahil sa pagtatagong ginawa namin after ng incident na magkahiwalay kami at nang mahila ko ’yung lalaki kanina. Inaalala ko pa lang siya ay nahihiya na ako sa nagawa ko dahil sobrang abala ang nagawa ko. Naghanapan pa kami, and since si Vic ang may kabisado sa ibang lugar dito, siya na lang ang humanap sa akin. It was so tiring to wait until sunset.
I thought I was going to die from hunger. Mabuti na lang at may dala nang pagkain si Vic kanina bago kami makauwi that’s why I survived. Pahirapan din kaming nakauwi dahil syempre, nag-iingat kami na huwag masundan dito sa bahay nina Vic. Mahirap na, baka biglang sumugod ang magulang ko rito at s*******n akong kunin tapos hindi na kami magkikita ni Vic. At paniguradong iuuwi nila ako nang s*******n sa California nang wala sa oras. Syempre, ayoko n’on. Hindi pa tapos ang summer kaya kailangan, dito muna ako. It’s just two months pero bakit ayaw nila akong hayaan?
Napasabunot ako sa buhok ko dala ng frustration dahil sa tanong niyang ’yon. At sa sobrang pag-iisip ko na wala naman talaga akong naiisip ay pakiramdam ko, umuusok na ang tuktok ng ulo ko.
“You okay?” tila nag-aalalang tanong ni Vic.
“Paano ako magiging okay kung ’yung pesteng sunod nang sunod sa ’kin, ayaw akong tigilan?” ngawa ko sa kanya, but she just flashed an irritated look.
“Come to think na halos isang linggo na rin ’to.” Bigla namang nag-ring ang phone niya kaya sinenyasan niya akong sasagutin niya ito kaya ako tumango.
Nakatingin lang ako sa kanya habang may kausap siya sa phone. Nagtaka naman ako nang makitaan ko siya ng pagkabahala at pagkagulat sa mukha then she looked at me. I mouthed ‘Why?’ but she just raised her hand saying ‘Wait.’ Napatingin na siya sa may labas ng bintana. Napasinghap siya na mas lalo ko pang ikinataka. Humarap siya sa akin nang natataranta tapos ay agad din niyang pinatay ang tawag saka ako hinarap.
“Bakit?”
“Best friend, sina Mom and Dad, babalik na two days from now.” s**t. Paano na ako?
“At ’yung mga lalaking sumusunod sa ’yo, nasa tapat ng bahay namin.”
“WHAT?”
“Sshh. Huwag kang maingay. Lakas ng boses mo.” Pinandilatan niya ako saka tumingin ulit sa labas.
“They already know where you’re hiding, Feliz.” Pinagbabantaan niya ba ako? Tss. Lumapit siya sa ’kin and she crossed her arms while looking at me.
“Do you have anywhere else to go?” Umiling ako. Bukod kasi kay Vic, wala na akong ibang kilala rito sa Pilipinas. Hindi rin nabanggit sa ’kin kung may kamag-anak ba ako rito. Hindi nga ipinagpaalam ni Vic sa parents niya na nandito ako kaya paniguradong mapapagalitan siya kapag naabutan nila ako. May trust issues yata ang parents niya kaya ayaw nilang nagpapapunta ng kahit na sino rito sa bahay nila.
“Well, you can’t rent an apartment dahil mas madali ka nilang matutunton, lalo na’t hindi ka aware sa paligid mo.” Ngumuso lang ako. Grabe naman siya.
“You’re clumsy, mischievous, childish, and troublesome girl anyway.” Pinanlisikan ko siya ng mata. How dare her say those insulting words in front of my face? Hmp! She just giggled at my reaction. Again. Hmp!
“Talagang gusto ka nang paalisin ng tadhana sa bahay ko. Haha! You have your stalkers and my parents are coming home soon. So you really need to find a—” Natigil siya sa sinasabi and then she snapped her fingers like she think of something good.
“Oh yeah. I know a place where you could stay. Bakit nga ba ngayon ko lang ’to naisip? I’m so brilliant!” I made a poker face. Kapag ganyang sinasabi niyang brilliant, kinakabahan ako e. Pero kahit may hindi magandang nangyayari, very effective naman. So push na natin ’yan.
“Wanna hear it?” Pinataas-baba niya pa ’yung kilay niya kaya binato ko siya ng unan.
SAPUL!
“Aray, ah!”
“Just say it already!”
“Alright. Alright. You don’t need to throw something on my face. There’s this place I know that you can stay and a person I really know that you can be with to guard you.” That’s nice. Two in one. May tirahan na, may kasama pa. Yay!
“At my cousin’s house. If it’s okay with you.” Agad ko siyang niyakap na ikinagulat niya.
“Yey, thanks. The best ka talaga, best friend!” Hahalikan ko na sana siya sa pisngi, kaso hinarang niya ang palad niya sa mukha ko kaya napasimangot na ako at agad bumalik sa pagkakaupo. Kaso biglang may napansin ako. Kumunot ang noo ko nang panandalian pero ikinibit-balikat ko na lang ’yon.
“Hindi ba ako makakasikip sa pamilya niya kung doon ako titira?”
“That’s a good question. As far as I know, mag-isa lang siya sa bahay niya.”
“Seryoso, bahay niya talaga?” amazed na tanong ko. Ang yaman siguro n’on, may sariling bahay e. Ayos! Mukhang maraming pagkain doon.
“Oo nga. Paulit-ulit? Tsk.” Sabay irap niya.
“As I was saying, oo nag-iisa lang siya. Nagpupunta na ako sa bahay niya tuwing nandito ako sa Pinas. But hindi pa kami ulit nagkikita. About two years na siguro. He was just in eighth grade nang magsolo siya sa bahay niya.”
“That’s great. Mukhang makakasundo ko siya.”
“I doubt, Feliz. Hindi siya tulad ng iniisip mo.” Nagtaka naman ako. Lahat kaya ng tao, nakakasundo ko. Friendly ako, ’no?
“Lahat kaya, friends ko. Ayaw niya n’on? May makaka-girl bonding siya since hindi ka naman tumitira sa bahay niya.” She looked at me, confused. Huh? Bakit na naman kaya? May nasabi na naman ba ako?
“Girl bonding?”
“What’s wrong with that?” She laughed at me at the top of her lungs. Napatingin naman ako roon sa katabi ni Vic na kamukha niya. Ngayon lang luminaw ’yung mukha niya mula noong una ko siyang nakita kanina. Akala ko nga anino, pero maliwanag siya at nagkaroon pa ng mukha, so malabong maging anino siya. And I find it creepy.
Kamukha siya ni Vic tapos nakangiti lang sa ’kin with her bright aura surrounding her. I just shrugged my shoulders upon seeing that girl. And then binalingan ko ulit ng tingin si Vic na patuloy pa rin sa pagtawa. Luh? Baliw na yata.
“Have I mentioned that my cousin is a guy?” Napaawang nang kaunti ang bibig ko sa narinig at nanlaki ang mata sa gulat.
“A GUY? What the heck, aware ka ba na babae ako? Papatirahin mo ako sa bahay ng pinsan mong lalaki, seryoso ka?” She just smirked. I’m not in bad terms with guys. Sabi ko nga, lahat kaibigan ko e. Pero ang tumira under the same roof with a guy. That’s a big NO! Except na lang if relative.
“Tss. Huwag ka ngang feeling diyan. FYI, he’s not interested in girls and he hates them. What only matters to him is himself. Wala nang iba. Even sa ibang tao. That’s why he doesn’t have any friends. He hates being around with people. And he might kill you kapag ayaw niya sa ’yo. My dear poor cousin. He was all alone and lonely. Maybe kung isama kita na tumira sa kanya, magbago ang pananaw niya sa buhay.”
“E self-centered pala ’yang pinsan mo e. Siya lang ba ang tao sa mundo at sarili niya lang ang mahalaga? He hates people and especially girls tapos doon ako titira? Tingin mo sa ’kin, nagpapakamatay na? I know that when you said he hates girls, pwede niya akong mapatay anong oras sabi mo nga. Kilala mo’ng ugali ko, Vic. I do annoy people sometimes.”
“Anong sometimes? Every time kaya!” reklamo niya pa. And I just gave her a peace sign. Well, I’m aware naman kung gaano ako ka-annoying sa kanya, but I just love annoying her.
“And I still want to live. Ikaw pa nga lang, gusto mo na akong paslangin. Mahal mo na ako sa lagay na ’yan, ha. ’Yon pa kayang kakakilala lang sa ’kin?”
“Mahal ka diyan? Who told you?” Napanguso na lang ako sa sinabi niya. Ang rude niya, ’no?
“It’s okay na doon ka tumira. Kaysa naman sundan ka ng mga stalker mong mukhang mga hindi ko malaman kung mabuti ba o masama ang intensyon sa ’yo.” Mukha naman silang mababait pero tauhan sila ni Mama e. So masama ang tingin ko sa kanila dahil hinahabol nila ako.
“I have a plan naman e kaya don’t worry. I just need to remind you a few things about him para kahit paano, alam mo. Mabuti na ang may alam.” Tahimik na akong nakaupo sa may kama habang nakatingin sa kanya. Nadako bigla ang tingin ko sa babaeng nasa likuran ni Vic na kamukha niya. May maliwanag na ilaw na nakapalibot dito. Nakangiti pa rin ito sa ’kin. Nilingon ko na ulit si Vic pero hindi pa rin nawawala ang atensyon ko sa kamukha niya. Itinaas ni Vic ang kanyang hintuturo bago magsalita.
“Mahirap siyang i-approach at kausap. Aabutin ka nang siyam-siyam bago mo makausap ’yon. Sobrang iksi ng pasensiya niya kaya habaan mo ang pasensiya mo. Mainitin din ang ulo and he’s not easy to deal with. At sobrang sungit niya na akala mo, laging meron o kaya parang laging nagme-menopause.” Tumango lang ako sa sinabi niya. Ngayon, nakita ko na ang kabuoan nung babae. Nakasuot siya ng kulay silver na gown. Hindi iyon basta-basta gown. Para kasing hindi siya nabibili o napapatahi nang basta-basta. Ang anyo niya was like a total goddess.
I was amazed of what I was seeing. ’Yung kulang na lang, mapanganga ako sa sobrang pagkamangha ko. Wow talaga. Bakit kaya kahit magkamukha sila ni Vic, mas maganda pa siya kaysa sa Vic na nakakasama ko? Secret lang, baka sapakin ako ni Vic kapag narinig niya.
“Hoy! Nakikinig ka ba?”
“Ha, o-oo. Ano nga ulit ’yon?” She sighed in frustration.
“Ayoko nang ulitin. Sabi mo, nakikinig ka, pero parang nag-e-enjoy kang tumingin kung saan habang nagde-day dream.”
“I’m not daydreaming. I’m just looking at you.”
“At me? E parang sa likod ko nga ikaw nakatingin e.” Tumingin naman siya sa likod niya.
“Seryoso ka bang hindi mo nakikita ’yung nasa likod mo?” Bigla siyang sumigaw and she was in a panic mode. What the hell? Agad din siyang tumakbo papunta sa likod ko then she buried her face on my back.
“’Wag ka ngang magbiro! Hindi ako natutuwa.”
“Mukha ba akong nag-jo-joke. E kanina pa nga siya nasa likod mo!” Binatukan niya ako.
“Para saan ’yon?” Napahawak ako sa ulo kong binatukan niya. Langya ’to.
“Sabi nang ’wag kang manakot e!”
“Hindi ako nananakot! Totoo nga. May ibang tao rito. Kamukha mo pa.” Hinampas niya naman ako ng unan.
“Sumosobra ka na!” nanlalaking matang sigaw ko. Ang sakit kaya. Siya kaya ang hampasin ng unan sa mukha?
“At saka, hindi naman multo ’yung babae e.” ’Yung unan na nakatakip sa mukha niya kanina ay tinanggal niya saka niya ako tiningnan.
"Anong hindi multo. Nakikita mo pero hindi ko nakikita? Ano’ng tawag mo doon? Nababaliw ka na!”
“Engot! Hindi nga ’yan multo. Kulit mo din e. Di ba, sabi nila, ’yung multo is ’yung walang mukha tapos lumulutang. Iba ’to. Ang liwanag niya tapos parang ang positive ng energy na inilalabas niya. Kamukha mo pa.”
“Baliw ka na nga.” Then she flashed a poker face.
“Sabi nang hindi e! May naka-silver bang multo at may korona sa ulo?” Kumunot ’yung noo niya.
“Engkantada?” hindi niya siguradong sagot.
“Mas baliw ka. Wala namang nag-e-exist na ganoon.”
“Hay naku! Tigilan na natin ’to. Baka stressed ka lang kaya kung ano-ano nang nakikita mo. Mabuti pa, matulog ka na at pupuntahan natin ’yung pinsan ko bukas.”
“Okie dokie! Good night, Victoria one and Victoria two.”
“Will you stop it? You’re scarying the hell out of me!” bulyaw niya sabay bato ng unan pero hindi ako natamaan.
Palabas na kasi ako ng kuwarto niya. Napatingin ako ulit doon sa kamukha ni Vic and she was smiling at me again then she did the head bow. Nagtaka naman ako. That was weird. Kung multo nga siya, bakit may ganoon? Napakamot na lang ako sa ulo ko bago tuluyang pumunta sa kuwarto ko. Stress lang siguro ’to. Baka bukas, hindi ko na makita ’yung kamukha ni Vic.