Chapter 4

2489 Words
Chapter 4 Untolerable Pain FELIZ. "Feliz!?" "Feliiiiiz!?" "Hmm?" Sagot ko habang nakayakap sa unan at sarap na sarap sa tulog ko. "Wake up!" Niyugyog niya ako ng niyugyog. "Give me five minutes." "Five minutes? Anong oras na!? May pupuntahan pa tayo. You need to change." Then she kicked me, kaya lumagapak ako sa sahig at napilitang bumangon saka tuluyang umupo pero half-awake pa din. May lahi bang kabayo 'tong si Vic? Sipa ng sipa e. Mababalian ako ng buto sa ginagawa niya. Kinusot kusot ko ang mata ko at saka tumingin sa kanya. I noticed three ladies standing beside her. Nagulat na lang ako nung alalayan nila akong tumayo at hinila papuntang dressing room. "T-teka? Anong gagawin niyo sa 'kin?" Nawala na ng tuluyan ang pagkaantok ko because my thoughts are full of confusion yet a little bit of shockness. "Be a good girl Feliz. They won't harm you!" Sigaw mula sa labas na may kaunting pagtawa. What the hell? "Teka lang? Bakit kayo ang nagtatanggal ng damit ko? T-teka?!" "Huwag po kayo malikot miss Feliz. Hindi po 'to masakit." Hindi na ako nakapalag nung may humawak na sa magkabilang braso ko. Then yung isang babae ay may hawak na blue button down shirt at unti unti siyang palapit sa akin. Please, don't! Pilit akong kumakalas sa pagkakahawak nung dalawang babaeng nakahawak sa akin pero para silang may glue at firm na firm na nakadikit ang mga kamay nila sa braso ko. "Waaaaaaa!" Nagsisisigaw ako sa loob ng dressing room. Waaaa! Kasi naman. Hinaharass nila ako. Oh no! Ang katawan ko. "Okay na po Miss. Pwede na po kayong lumabas." "Huh?" Nagtaka ako nang marinig kong sabihin nila yon at binitawan na din nila ako. Iminulat ko ang isa kong mata. Nakita kong nasa harap ko na silang tatlo, nakatingin sa 'kin at nakangiti lang. Tuluyan ko nang iminulat ang pareho kong mata. Nagtataka kung bakit ngiting ngiti sila. Baka kung ano ano pinaggaga-gawa sa akin ng mga 'to. Tiningnan ko naman ang sarili at nakita kong iba na yung damit ko. That was fast. And I'm wearing a navy blue button down shirt that was folded just half a way of my arms. Wait? Am I wearing a mens' polo, three-forth shorts and a black converse shoes? The hell? Pormang lalaki ba nakikita ko? And na-amaze ako kasi sa isang iglap, tapos na. Ang bilis nila. Lumabas na ako at naabutan kong nakaupo si Vic sa dulo ng kamang tinulugan ko kanina. "Miss? Maupo po kayo rito." Inalalayan naman akong makaupo ng isa pang babae, hair stylish siguro siya? Hehe. Hula ko lang. In-instruct niya akong maupo sa may harap ng table na may malaking salamin. Nagtaka ako nung makita ko ang iba't ibang klase ng wigs sa harap ko. "Papaputol mo ba buhok mo, o wig na lang?" Tanong ni Vic kaya marahas akong napalingon sa kanya. "There's no way I'm going to cut my hair!" Bulyaw ko. At nagulat ako nung biglang hawakan ni Ate yung mukha ko tapos ipinaharap sa may salamin. "If you say so. Mag-wig ka na lang." Nag-umpisa na si ate na itali pataas lahat ng buhok ko, saka niya ako sinuotan ng short haired wig, golden yellow color. "Miss Vic," ipinaharap na ako nung babae kay Vic. She smiled before saying, "As expected. It'll look good on you. Any hairstyle suits you." Agad akong napatingin sa salamin. Hindi ko kasi gaano nakita sarili ko kanina kasi naka-concentrate ako sa kung paano niya nilagay yung wig ko. Nakaka-amazed! Ang galing nga e. "Gaaah!" My jaw dropped and I was shocked like hell. "Diba? You look perfect. Perfect for a guy's look." Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ako sa balikat. Then put a bull cap on the top of my head. "What did you do to me? You made me look like a guy. How rude of you! Huhuhu." Then I fix the cap. "Hey! Get a grip girl. Diba we talked about this? This is for your own sake. Hindi kita pwedeng pabayaang mag-isa lalo pa't madali kang mawala at mahirap makatanda ng lugar. Kaya you need to stay there." "He can protect you," nagulat ako sa huli niyang sinabi. Parang may ibang boses kasi ang nagsabi nun. "What do you mean by he can protect me? It's just my parents' rented men who are following me. At hindi naman siguro nila ako hahayaang masaktan." "Ha? Wala akong sinabing ganun ah! Tulog ka pa ata." Maybe I was just overthinking things. Napailing na lang ako para mapalis ang narinig ko. "Wait, before we go." Kinuha niya ang phone niya and she contacted someone. "Okay. Let's just wait for a few minutes." "Ah Vic? Bago tayo tuluyang tumuloy. What if, he finds out my secret? What if he finds out that I'm a girl?" Napahawak ito sa baba at nag-isip. Teka, hindi ko ata nakikita yung kamukha ni Vic ngayon. "Doble ingat na lang siguro. Act like a guy. Oh wait, scratch that. I don't need to remind you that. Lalaki ka na nga pala. Haha." I glared at her then she just gave me a peace sign. "Basta doble ingat na lang. Huwag kang papahalata. Dahil kung hindi..." Nagulat ako nung bigla niyang nilapat yung kamay niya sa dibdib ko. "Ano ba! Ang manyak mo." Ngumiti lang siya ng pang-asar. "It's as flat as a board. Dapat nga, hindi ko na papalagyan yan e. Hindi din naman halata kahit na hindi ka lagyan ng binder. Hahaha." So, they put something on my chest to flattened it. Pero grabe naman. Huhu. Flat na nga, nilagyan pa nila ng binder. E di lalong hindi na lumaki? "...we'll both be a dead meat if he figured out that you're a girl." Napalunok ako dun. Para ata akong pupunta sa isang adventure at papasok sa lungga ng isang dragon. Owemgee! Kailangan doble ingat ako. Narinig kong may dumating na sasakyan kaya napasilip ako sa may bintana. "Looks like he's here. Let's go?" Nag-umpisa na siyang maglakad. "Sino?" I curiously asked. Lumingon lang siya sa 'kin saka ngumiti tapos umalis. Nice Victoria. What a nice answer. Sumunod na din akong lumabas at may nakita akong lalaki na nakasuot ng damit na kaparehas ng suot kong damit. Okay? What's happening? I really have no idea, someone please tell me what's going on here? "Oh!" Nabigla ako nung may biglang ibinato si Vic sa akin kaya kamuntikan ko na itong hindi masalo. But fortunately, nasalo ko naman. And it's a car key. "You'll drive," "Hindi ba tayo mahuhuli? Wala akong lisensya." "Just trust me." Sabay kindat niya. Gross. "Sino siya? Bakit parehas kaming damit?" "You don't get it? Do you?" Umiling ako saka naman siya bumuntong hininga. "You'll be pretending as my boyfriend, kaya ito si kuya Dennis. He dressed up like you, to pretend that he's my boyfriend picking me up for a date. Para hindi sila maghinalang nandito ka pa din. Nasa labas pa daw yung kotse ng mga humahabol sa 'yo. Be a gentleman ha? Pagbubuksan mo ako ng pinto ng kotse at aalalayan." "What?! Ako? Hindi ako alalay mo noh!" Reklamo ko. Mabilis siyang lumapiy ay binatukan niya naman ako. "Hindi mo ba ako naintindihan? Sabi ko, BOYFRIEND!" Poker face flashed to my face. Ugh! This is really insane. "Okay. Fine." "Well then, let's go?" Saka niya niligkis yung braso niya sa braso ko at hinila na niya ako palabas. "Good luck po ma'am! Ingat po kayo!" "Bye!" Masiglang paalam ni Vic kay kuya Dennis. Hindi ko naman magawang maging masaya na nangyayari dahil kinakabahan ako sa gagawin namin. Para akong isang test subject at si Vic ang scientist. Huhu. Will this experiment go well? If this is called an experiment, a human experiment maybe? Nandito na kami sa labas at naglalakad na papunta sa may kotseng dala ni kuya Dennis. And I saw the black car that's always following me. Medyo malayo siya. But I know who's in the car. Darn it. "Ehem," tumikhim si Vic kaya napatingin ako sa kanya. "Oh! Sorry," pinagbuksan ko na siya ng pinto sa may passengerseat. At saka ako nagdali daling umikot at pumasok na sa driverseat. "Galingan mo naman sa pag-arte. Mabubuko tayo sa ginagawa mo e!" Sumisigaw na naman siya. "Oo na. Oo na!" Saka na kami tuluyang umalis. Sumusunod pa din yung kotse sa 'min. Damn that car! Pumunta kaming mall ni Vic. Namasyal, naggala, kumain, naglaro. May nakasunod pa din sa 'min, pero hindi na kami tumatakbo ngayon. Hindi nga kami hinahabol pero nakakailang naman ngayon. Pinagtitinginan kasi kami ng mga tao. I mean, ng mga babaeng nasasalubong namin. Yung iba, napapadalawang tingin pa. What's with them? I heared Vic chuckled, so I immediately turned my gaze to her, asking what's funny. "Hay naku, Feliz. Dapat ka nang masanay sa ganyang paligid. Dahil simula sa araw na 'to at sa mga next pa. Most of the time, magiging ganyan ang scene ng surroundings mo everyday of your life." My forehead creased on what she said because I don't get her. So she chuckled again. "Ang slow mo talaga. Alam mo, kung lalaki ka lang talaga, proud na proud ako dahil boyfriend kita. Haha. At mamatay sila sa inggit dahil nga, gwapo ka." "Ako? Guwapo?" Tumango siya. "Oh yes girl. Mas guwapo ka pa sa mga real boys dyan. And I'm sure, sobrang naiinggit din sila. Obviously dahil dito." She then showed me our hands na naka-intertwined. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil naniniwala nga silang lalaki ako, o maiinis dahil nga mukhang lalaki ako. Babae po ako mga ate! Huhu. Dumating ang alas tres ng hapon at naisipan na din naming umalis sa mall. Nagda-drive na ako at hindi ko alam kung saan kami pupunta. "Saan na tayo ngayon?" "Sa bahay ng pinsan ko." At since new model nga itong sasakyan, she just operated the monitor infront. And it is where to direct us where to go. "Just follow the map that is instructed, then we're there." Sinundan ko naman yung mapa na ini-instruct nung monitor. "Feliz? Feliz? I think hindi na nakasunod yung car." Tumingin naman ako sa rareview mirror. Tila nakaramdam ako ng saya sa loob ko dahil hindi ko na makita yung sasakyan. "Magdidiwang na ba tayo?" "Too early to celebrate. Kelangan muna nating i-assure if wala na talaga." Napasimangot ako sa sinabi niya. Pusang gala naman kasi. Hanggang sa nakarating na kami sa mismong lugar. Almost six na nang gabi nung makarating kami. Agad akong lumabas at pinagbuksan ng pinto si Vic. I was shocked when I saw the car again. How did that damn car followed us again, until here? Napatingin naman si Vic sa direksyon kung saan ako nakatingin. "Too bad, still following you." "E dapat hindi muna tayo dumiretso dito. Baka hanggang dito hindi nila ako tantanan. Sayang effort ko sa pag-arte kung ganun." Nakasimangot na sabi ko. "Don't worry. Hindi pa ito yung house." Mabilis ko namang tiningnan ang bahay na nasa harap namin at napa'wow' naman ako. Ang laki kasi ng bahay. I mean, mansion is the right term for that. "Diba sabi mo, bahay ito ng pinsan mo?" Naguguluhan kong tanong. "Dun sa isa kong pinsan ka titira." Tumango ako then binalik ulit ang tingin sa kabuuan ng bahay. It's so pleasing in the eyes. It's like, my eyes were being magnet. Mas malaki nga lang ito compared sa house nina Vic, pero malaki din naman ang bahay nila. Mas malaki nga lang 'to. Hehe. Bigla naman siyang bumitaw mula sa pagligkis sa braso ko and then she pressed the door bell and returned again. Mabilis namang bumukas yung gate na pang-tao. May mas malaki kasing gate sa katabi, yung pang mga sasakyan. At dun bumungad ang isang medyo nasa older age na babae. And I think she's in her mid-40's, wearing a maid uniform. So she must be the maid. "Miss Vic? Napadalaw po kayo? Pasok po ma'am." Agad naman kaming pumasok then she lead the way when she's done closing the gate again. "Where's tita and tito, manang Norma?" Patuloy lang kami sa pagsunod sa kanya. I can't help myself but to roamed my eyes around. It has a beautiful and peaceful environment. Kahit pagabi na, na-e-emphasize pa din naman siya ng mga ilaw. Mas better siguro kung umaga ko siya makikita. Madaming flowering plants and other plants at napalilibutan ng lawn grass ang ground ng mansion. "Si Madam lang po ang nandito. Si Sir po nasa ibang bansa." Ngayon ko lang napansing nasa loob na pala kami ng bahay. At kung gaano kaganda sa labas. Doble ang sa loob. Parang ang sarap tumira dito. Hihi. Sana dito na lang ako i-recommend ni Vic. "How about Jae?" "Victoria? Hija?" Nakita kong napangiwi si Vic nang marinig ang pangalan niyang banggitin. Ayaw niya kasing binabanggit ang whole name niya. Pang matanda daw. Wahahaha. E matanda naman siya. Kapag sinasabi ko nga yun, batok abot ko e. Guilty means true. Haha. Nung marinig namin ang pagtawag ay natigil yung si Manang sa pagsagot kay Vic kaya bago siya umalis ay nag-head bow muna siya. That reminds me of Vic's look alike. Hmm. Saan na kaya siya noh? Or maybe, just my imagination last night, I guess? When she already left, napabaling agad ang atensyon namin sa may hagdan, I mean staircase, dahil dun nanggaling ang boses. And there, I saw a sophisticated lady. And she looks beautiful in her pink floral dress. I think she's in her mid-30's already. But still beautiful. Naka-curl din ang long light brown hair niya. "Tita?" Bati ni Vic saka sila nagbeso sa isa't isa nung pagkalapit nung babae. Bigla siyang napatingin sa gawi ko when she already felt my presence. I smiled. But when I reached her eyes, it's like I felt something weird reacted inside my body. Then I felt a sudden ache of my head but still manage not be noticed. Kaya napabaling ang tingin ko sa ibang direksyon. My senses weren't functioning as it was. Bigla din akong nakaramdam ng pamamawis kahit hindi mainit, at parang may LBM ako. Pawis na malagkit at malamig. Nanghihina na din ang mga tuhod ko at parang anumang oras ay bibigay na ang katawan ko. s**t! What's happening to me? "Who's this handsome young man with you?" The lady asked. So, I took a glance at her. And I feel a sudden relief when I saw her not looking at me. "Tita, meet my boyfriend. Philip Shivell." Again, I reached her gaze. And all that I felt earlier just returned in an instant. At dumoble pa ito. Ghaad! I can't stand this any longer. Kahit pa hindi maganda ang pakiramdam ko, hindi nakatakas sa paningin ko ang pag-ngiti niya. "Please to meet you, Mr. Shivell." We shooked hands, even though I felt so weak that my knees are gonna fall any minute now. "This is my tita. Lauren Russell." Then the lady smiled at me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD