Chapter 29
Looks-like O-Chan
FELIZ.
Umuwi ako na inihatid ni Vic. Hindi na ako nakasabay kay Danica. Sayang naman. Madami pa naman kaming pagkukwentuhan e.
Akalain niyong magkakilala pala sila ni Vic. I mean nagkita na pero hindi pa nila kilala ang isa't isa. Haha. Ang g**o ko.
Pumasok ako sa bahay ni Shin. Tahimik. Wala kang maririnig na ingay kundi yung tunog ng sumarang pintuan tapos nag-e-echo pa.
"Nanay Agatha?" Tawag ko kay nanay pero walang nasagot.
Napatingin ako sa orasan at nakita kong six na pala ng gabi.
E? Ganun kami katagal bumyahe ni Vic? E bakit kapag kami ni Shin, naglalakad lang?
Pinagalitan pa nga ako ni Vic sa loob ng sasakyan e. Dapat kay Danica na lang ako sumabay. Hmp.
Sabi niya, wag daw kung kani-kanino ako sumasama. E di sinabi kong friend ko si Danica.
Tapos sabi niya, okay lang daw kung sa school at nandun siya para bantayan ako. Bakit naman kaya? Hindi naman ako bata e. Siya daw kasi ang mananagot pag may nangyari sa 'kin. Sa kanya daw kasi ako pinagkatiwala nina mama.
Nagulat nga ako sa sinabi niyang yun eh. That means talagang dito na ako titira at hinabilin pa ako kay Vic.
Bilin din daw ni Mama na wag na wag akong sasama kahit kanino na hindi ko kilala. E kilala ko na naman si Danica e. Grabe sila mang-judge ng tao.
"Nyaa~" Napalingon ako sa pinanggalingan nung pamilyar na boses na yun.
"O-chan?" Bulong kong tawag sa kanya. Baka kasi kapag isinigaw ko yung pangalan niya, magalit si Shin. E ayaw niya nga kay O-chan diba? Kaya ililihim ko na lang na inaalagaan ko siya. Pero bakit kaya lulubog lilitaw si O-chan. Hindi ko nga alam kung saan siya nagsusuot. Gusto ko sana siyang tanungin, kaso hindi din naman niya ako masasagot. Hayys.
"Sshh ka lang O-chan ha? Magtago ka na lang ulit. Tatawagin ko kasi si Shin e. Dali magtago ka." Agad naman siyang tumakbo palayo hanggang sa hindi ko na siya nakita.
"SHIN?!" Napatakip ako sa bibig ko nang maalala ko yung house rules niya. Hala lagot.
Hinihintay kong may lalabas sa kwarto niya at magbubukas ng pinto saka ibabagsak ng malakas tapos padabog ng bumababa ng hagdan na may volume 100 na boses. Pero wala akong mahintay. Nagtaka naman ako.
Tumingin ulit ako sa malaking wall clock niyang nasa gitna ng wall ng living room. Hindi naman ako namamalikmata diba?
Gabi na? Pero bakit parang wala akong masense na Shin dito sa loob ng bahay? Hindi yun inaabot ng gantong oras. Five nandito na yun.
Saan na kaya sumuot yun? Hala? Umalis kaya siya? Pero hindi man lang niya sinabi kung saan siya pupunta. Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa naisip.
Agad akong dumiretso sa kusina to check if there's any cooked food already. Tingin ko kasi kanina pa umuwi si Nanay sa bahay niya e.
Binuksan ko lahat ng rice cooker, casserole at kawali. *0* May ulam na. At mukhang bagong luto lang. Feeling ko kakaalis lang ni Nanay e.
Lalo akong nagutom. At dahil wala pa si Shin, mauuna na akong kumain. Hihi. Pero syempre, magbibihis muna ako ng pambahay.
I rushed into my room, take off my bags and all then immediately change my clothes. Saka nagdali daling pumunta ulit sa kusina.
Agad akong nag-prepare sa dining table para kumain na. Nakailang subo na ako ng kanin at syempre nag-e-enjoy ako. Nung sumubo ako ng raddish leaves ay natigilan ako nung biglang may bumungad sa kusina at napaubo sa gulat kaya agad akong napatayo at dumiretso sa may sink dahil halos lumabas sa ilong ko yung nanguya ko ng dahon ng raddish. Tuloy tuloy ang naging pag-ubo ko.
"What the fvck are you trying to say with that reaction, huh? You rascal?!" Hindi ko siya pinansin dahil ang sakit ng lalamunan ko at pati ilong ko dahil nabulunan ako.
Patuloy ako sa pagsinga sa sink na halos pandirihan ni Shin. E kasi parang ayaw matanggal yung nasa ilong ko. Na-stock na ata. Ang sakit pa. Halos maiyak na ako sa sobrang sakit.
"Napakapatay gutom talaga. Tsss." Ang sakit ng ilong ko at ulo ko.
"What's on your back?" Ano bang sinasabi nito? Hindi man lang ako matulungan para umayos na ang kalagayan ko.
"What's this?" Hanggang sa maramdaman ko na parang lumuluwag yung part ng dibdib ko. Only for me to realize that the binder wrapped on my chest is being unwrapped, dahil yun pala yung hinihila ni Shin.
SHIT!
Nanlaki ang mga mata ko nung marealize yun kaya agad akong tumakbo papasok sa kwarto ko, covering my chest with my cross arms. Fvck talaga! I'm not wearing an inner clothes except for that binder at sa sandong suot ko.
SHIN.
What's all the rushed all about? Tsss.
Napatingin ako sa hawak kong…err, what the hell is this? A binder? What's this all about?
I immediately throw it in the trash bin inside the kitchen and didn't mind to think about it.
Instead, I faced the long table. Now that I saw the food, nagluto pa pala si Nanay before leaving. Sabi ko naman kasi sa kanya na she don't need to do this. Kaya ko naman na ang sarili ko. Si Nanay talaga.
After seeing the foods, parang gusto kong magluto and craving for some foods. So I decided to cook some more food. Since I'm in the mood. Maaga pa naman.
FELIZ.
Ang bilis ng t***k ng puso ko sa mga oras na 'to. Halos malaglag ang puso ko sa sobrang pagkabog. Hindi tuloy ako makahinga.
And s**t! My binder is gone! Natanggal siyang tuluyan. Thank goodness at nakarating ako dito sa kwarto before he figured me out.
Napadausdos ako sa pinto at napaupo sa sahig ng nanlulumo dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko hanggang ngayon. Huminga ako ng malalim to lessen the fast beating of my heart.
"Nyaa~" Napatingin ako sa harap ko at nakita ko si O-chan.
"O-chan, muntik na ako mabuko. Huhu. Lagot ako kung sakali." Pagsusumbong ko kay O-chan at tumalon ito papunta sa tuktok ko.
"Nag aalala ka din ba na mabuko ako?" Sinagot niya ako ng 'Nyaa~' ulit and I felt na she's worried about me then I just pet her on her head at tumalon ulit ito pababa and run on my bed.
"I'm okay O-chan. You don't need to worry." Tapos nag-thumbs up ako sa kanya na may malapad na ngiti.
Nung kumalma ako, agad din akong naglagay ulit ng binder at inayos na ng mabuti para hindi na ulit siya matanggal. Natanggal kasi yun kanina, and I don't know how.
Nung matapos akong maiayos ang sarili ay humilata na lang ako sa kama. Bigla tuloy akong nahiyang lumabas, dahil para akong tinanggalan ng panloob na garment nung hinila ni Shin yung binder ko sa dibdib.
Sa kaisipang iyon, biglang nag-init ang mukha ko. Shet! Nakakahiya talaga! Ang tanga ko kasi. Hindi ako nag-iingat. (ToT)
"O-chan? What to do? Huhu." Iyak ko kay O-chan na nasa tabi ko at nakatingin sa akin.
Natigil ako sa pag-eemote nung sunod sunod kong narinig ang pagkatok mula sa labas ng kwarto ko.
"Hoy! Kutong lupa! Kung gusto mong mamatay sa gutom, wag ka ng lumabas dyan." Agad namang nabaling ang atensyon ko sa may pintong pinanggalingan ng boses.
Naalala kong hindi pa nga pala ako tapos kumain. Nagdadalawang isip tuloy ako kung lalabas pa ba ako o hindi na. Pero, nagugutom na talaga ako. Huhu.
Paano yan? Sabay pa kami niyan bukas. Huhu. Hmp, bahala na nga. Ang importante makakain na ako. Lalaki naman ako sa paningin niya kaya walang kaso.
Dahil nga nagugutom na ako, agad akong napalabas ng kwarto ko at dumiretso sa kusina.
Halos malaglag ang panga ko at bumaha ng laway ko dito sa nabungaran ko sa kusina. Nagniningning ang mata at sobrang natatakam sa nakikita.
Anong meron? Fiesta ba? Christmas na ba? O…
"Tinatanga tanga mo? Antayin mong amagin yan. Tsss." Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. And there, I saw Shin is holding a plate of slice fruits with his irritated face.
"Birthday mo?" I excitedly asked. Nung tiningnan niya ako, naalala ko na naman yung binder ko. T.T
Napatungo na lang ako at hindi umimik. Until I heard him tsss-ed.
"Wag kang maarte, lumamon ka na lang."
"Nyaa~" Natigilan ako nung marinig ang boses ni O-chan nung dumaan sa side ko si Shin.
Nilingon ko si Shin na inihahain na ang hawak niyang plate full of sliced fruits. Hindi na sa pagkain nakadivert ang attention ko. Kundi kay O-chan na nasa ibabaw ng ulo ni Shin.
Nagtaka ako. Bati na sila ni O-chan? At ang mas ikinagulat ko, na ikinalaki ng mata ko ay…
"S-Shin? W-why do y-you look like O-O-chan?"