NAGTAKA SI Gael sa lalaking nakaputing lumabas sa silid. Kausap lang niya ang doctor ni Tita Julie. Bigla siyang nag-alala. Noon naagaw ang atensyon niya ang itim na botang sout nito. Hindi ito doctor. Mabilis ang takbo niya. "Tumawag kayo nang doctor." Sukat doon ay naagaw ang atensyon ng lalaki saka mabilis na tumakbo. Alam niya kung anong dapat unahin. Mabilis na hinabol nito. Dahil gabi na wala masyadong tao sa hallway ng ikatlong palapag nang hospital. Mabilis ang takbo niya, wala siyang planong pakawalan ito. Pumasok ito sa emergency exit, wala siyang sinayang na oras. He was focus on catching the criminal. Kaya hindi niya napansin ang lalaking nasa likod lang pala nang pinto. Isang malakas na palo sa batok ang nagpabagak sa kanya. "Sh*t!" He groan bago umikot ang paningin niya

