"IBA TALAGA siguro kapag tagapagmana na, asawa pa nang lalaking napakayaman." Pinangigilan nito ang braso niya. Naroon sila si Rica sa department store, inaya niya itong lumabas dahil nababagot na rin naman siya. "Pero mas gusto ko nang mature but young looking." Anito na sinulyapan si Brendon. Ito ang kasama nila, dahil sa utos nang asawa niya. Hindi pa rin kasi tumitigil ang death threat niya. Kahapon ng nakatagap siya nang regalong pinunit punit na manika. Kaya naman lalong nagiging mahigpit si Gael sa kanya. Nang magsawa sila sa paglilibot ay niyaya niya itong kumain sa restaurant, when she saw Rowan. Hindi nakaligtas sa mata niya ang tila pagkailang nito sa kanya. "Sorry kung hindi ako dumating, nahuli ka tuloy ni Gael, hindi sana nangyari 'yon sa Tita mo." Bakas ang bigat sa m

