"NASAAN SI ELLA" nagtangis ang bagang ni Gael nang makita niya si Rowan. Nalaman niya mula sa CCTV record na nagawang i-restore nang isang mahusay na IT nang Dela Vega Empires, na palihim na sumakay si Ella sa likod kotse ni Rowan. Inaalam na niya kung sino sa mga tauhan niya ang binayaran no Rowan para burahin ang CCTV record sa parking lot sa araw na 'yon. He will make sure they'll pay for crossing him. Naroon siya sa Times Place kung saan naabuntan niyang palabas ito nang entrance.
"Huh---bakit sa akin mo hinahanap ang asawa mo?" Kibit balikat ba tanong nito.
"Ginagago mo ba ako?"Kinuwelyuhan niya ito.
"Ano bang problema mo?" Inosenting turan nito. Isang malakas na suntok ang ibinigay niya ito. Napaatras nito sapo ang nasaktang panga. Mukhang naalarma ang mga security pero pinigilan ang mga ito ni Brendon
"Alam kong sumakay sa kotse mo si Ella nang araw na pumunta ka sa bahay para kunwari magdala nang libro. Pinapahanap ko na kung sino ang nagbura nang CCTV record. Kaya ilabas mo na si Ella! Bago ko pa nakalimutang kaibigan kita." Mukhang nagulat ito, pero kaagad ring nakabawi. Inayos nito ang nagulong damit nito.
"Oo, tinawagan niya ako, asking me to help her run away. " Pinahid nito dugo sa pumutok na labi. "I even ask her to hide to one of my properties. Nagpalalam siya na magbabanyo lang saglit." Tiim bagang umiling ito. Binukasan nito ang cellphone saka inabot saka kanya.
"Salamat sa offer Rowan, pero hindi ko matatangap ang tulong mula sa'yo. Ayaw kong maging dahilan para magkasira kayo ni Gael. Maraming salamat. " It was the text message from Ella.
"Masaya ka na?" Sarcastikong tanong nito.
"Then where the hell is she?"
"Kahit alam ko pa, hindi ko sasabihin sa'yo. Alam mong simula pa lang gusto ko na si Ella. Pero hindi mo man lang ako pinakingan.
Palibhasa wala kang paki-alam sa ibang tao. Paunahan na lang tayo na mahanap siya. At sisiguruhin ko sa'yong, hindi mo siya mababawi sa akin kapag ako ang naunang maghanap sa kanya." He clench his teeth out of suppressing his anger. Walang babalang kinuha nito ang cellphone sa kanya. Saka siya tinalikuran.
Naihilamos niya ang mukha dala nang frustration.
Sa totoo lang dapat pabayaan na lang niya ito, he used to throw out those b***h when his done with them. But he wasn't done with her yet.
Ella even left all the bank cards he gave her, including their wedding ring.
Ilang araw na niyang kinukumbinsi ang sarili na pabayaan na ito. Pero sa kung anong dahilan hindi niya ito maalis sa utak niya. At isa pa, hindi pa niya nakukuha ang Monreal Industries. Nagtangis ang bagang niya dala nang matinding galit.
"Sir, kailangan ho kayo sa meeting with the Board." Anang ng kanyang sekretarya. Ilang araw nang namomove ang month end meeting dahil hindi pa rin siya nakapagfocus.
Pero kailangan niyang harapin ang mga obligasyon niya. He can't loose both his woman and his company just because he was devastated with her. Umiling siya, she has been causing him so much inconvenience. Kapag nahanap niya ito, sisiguruhin niyang pagsisihan nito ang lahat. She was making his life mesirable. He will give her twice.
Two months later...
MALAMIG ANG hangin na humaplos sa mukha ni Ella. Inayos niya ang kayang jacket. Bago siya bumiyahe patungo sa Sagada Mountain province ay tinawagan niya ang tiyahin upang hindi ito mag-aalala pa.
Tinawagan rin niya ang ama niyang alalang-alala na rin pala sa kanya. Nalaman niyang nagpunta ito sa bahay ni Gael sa Laguna. At naabutan umano nitong nawala, dahil sa matinding galit. Ipinagpasalamat na lang niya hindi naman nito pinilit na tanungin kong nasaan siya.
Wala siyang dinala na kahit anong may kinalaman sa asawa niya. She felt betrayed. Ipinagkanulo niya ang sarili sa lalaking kumidnap sa kanya. At hinayaan niya ang puso niyang mahulog dito.
Gusto niyang malaman kung sino ang nagpakidnap sa kanya. At sa anong dahilan? Pero sa ngayon kailangan muna niyang turuan ang sarili niyang makalimutan ang pait na nararamdaman niya.
Gamit ang perang matagal na palang naiipon sa bangko mula sa kanyang ama, ay nagpasya siyang ilipat iyon sa account nang Tita Julie niya. Alam niyang kapag sa sarili niyang account baka matunton pa siya ni Gael. Mayaman ito at maraming koneksyon.
Sigurado siyang kinamumuhian siya nito ngayon. Pero mas namumuhi siya sa pangagamit nito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit siya nito pinakasalan, gayong nakatakda pala itong ikasal.
Nalaman niya ang mga bagay na 'yon mula sa isang recorder na ipinadala sa kanya nang kung sino.
"Sino ang target," malinaw ang boses ni Gael sa recorder.
" Elleanor Monreal Boss, "
"Dito siya nagtatrabaho sa Starlight?"
"Yes Boss. Anong gagawin namin sa kanya?"
"Tulad nang napagkasundunan, gawin n'yong malinis. Ayaw ko nang problema. Siya nga pala Brendon, kumusta ang pinapagawa ko."
"Pumayag ang babaing magpakasal sa'yo. Mukhang interesado rin sa'yo."
"That will good."
Nakakuha siya nang trabaho sa isang sovenier shop sa Sagada. Kailangan na rin niya nang mapaglilibangan. Kaysa naman lagi siyang magmukmuk sa bahay. Nitong nakaraan ay hindi na niya masyadong naiisip si Gael. Siguro dahil lagi siyang busy, maganda kasi ang feedback nang kanyang webtoon project. Maraming nagkakagusto sa serye nang komiks na ginagawa niya.
Dahil day off niya ay nagpasya siyang mamasyal sa bayan. Dumaan rin siya sa simbahan para magdasal.
Paminsan minsan ay tumatawag siya sa tiyahin niya. Naki-usap rin siya kay Rica na tingnan tingnan ang Tita Julie niya. Umalis na rin pala ito sa pagwiwaitress sa Starlight, ilang araw matapos siyang makidnap. Nakonsenya kasi ito, at sinisi ang sarili sa nangyari sa kanya.
Sa ngayon ay may bago na itong trabaho. Bilang cleaner staff sa isang hotel.
She was walking home nang maagaw ang atensyon niya nang bulto nang isang lalaki na nakatayo sa kumpol nang mga tao sa market.
Napailing siya. Ilang pagkakataon na bang parang nakikita niya si Gael sa kung saan saan. Minsan ay nakakasalubong pa niya ito. Pero paglingon niya ay ibang tao pala.
Sa maiksing panahon na magkasama sila, naging masaya naman siya. Sadya lang talagang dominante itong tao. May mga pagkakataon na nararamdam niyang tila nagpipigil lang itong huwag magalit.
Iyon ay dahil may dahilan ito. Maraming nagsasabi na unti-unting nagbabago si Gael mula nang magsama sila. Akala niya dati ay totoong dahil sa kanya. Siguro ay inuusig lang ito nang konsensya nito sa panloloko nito sa kanya.
Dumiretso siya patungo sa restaurant upang bumili sana nang makakain.
Nang di- sinasadyang may nabanga siya. Isang taong hindi niya inaasahang makikita niya. Nanlaki ang kanyang mga matang mapatitig dito.
"Ella?"Nagliwanang ang mukha nito nang makita siya.
"Ano--- anong ginagawa mo dito?"Nagawa niyang titanong.
"Ano pa nga ba, may hinahanap kasi ako eh." Makahulugang turan nito. Saka siya kinindatan.
"Nabadtrip talaga ako nang bigla kang nawala. Kaya ilang buwan ko nang iniisip kung anong parusa ang ibibigay ko sa'yo." Seryoso ang mukha nito.
"Nagpaalam naman ako ah."
"Tama ba 'yon. ---- Hindi, nagutom ako sa paglalakad kaya pakainin mo ako." Nagulat siya nang akbayan siya nito.
Wala siyang nagawa kundi ang sumunod na lang dito nang dalhin siya nito sa kotse nito. Saka siya pinasakay doon.
"Saan ba tayo pupunta? Marami namang kainan dito sa malapit lang." Reklamo niya.
"Huh--- seryoso ka, hindi ako kumakain nang mga mumurahing pagkain 'no." Sa isang sikat at kilalang restaurant siya nito dinala.
Napangiwi siya nang makita ang presyo. Pero dahil may kasalanan naman siya dito kaya, umorder na lang din siya, pagkatapos nito umorder. Pinagtinginan pa sila, dahil marahil sa presensya nito. Rowan was good looking guy, he has this playful personality na kabaliktaran ni Gael. Kaya di maipagkakailang makakaagaw ito nang atensyon ng iba.
Nagulat siya nang i-serve na ang pagkaing inorder nito. Napakarami noon para sa kanilang dalawa.
"Paborito ko lahat yan." Anito na ikinailing na lang niya.
"Teka, wala ka naman pagsasabihan na nandito ako diba?" Nag-aalalang turan niya.
"Wala, kahit bugbugin pa ako nang lahat nang tauhan ni Gael. Pero sa tingin ko hindi ka naman na niya hinahanap. Noong nakaraan, may kasama siyang babae sa bar." Parang may sumipa sa dibdib niya dahil doon. "Baka nakamove on na 'yon." Dagdag pa nito. Tumango siya.
Pero sa kabila nang ngiti, ay para pa ring piniga ang puso niya. Dahil sa balitang 'yon.
"Gusto mo bang mamasyal tayo, tagal rin kitang hindi nakita eh." Basag nito sa biglang pananahimik niya. "Ang galing mong magpamiss ah." Tudyo nito.
"Saka na lang siguro, may tinatapos pa akong trabaho." Tangi niya dito. Bigla kasi siyang nawalana nang gana.
"So, sige! Maliligaw ulit ako dito sa susunod." Sabi nito saka tinawag ang waiter. He gave his card. "Treat ko to, para sa muling pagkikita natin."
"BAKA BIGLA ka naman mawala eh." Aniya kay Ella. Isang lingo na ang nakararaan nang, nagtungo siya sa Sagada para maglibang sana, wala pa rin siyang nabalitaan tungkol kay Ella, he was really determine to see her, sobrang nag-aalala kasi siya dito.
Pero kung kailan paalis na siya ay saka niya ito nakita. Noong panahong 'yon gustong gusto na niya itong lapitan, kaya lang nakita niya ang ilan sa mga tauhan ni Gael na mukhang sinusundan siya.
So he decided to leave. Kaya nang bumalik siya singuro niyang walang nakasunod sa kanya.
He wanted to spend time with Ella, gusto niyang kusang mabaling ang damdamin nito sa kanya, at kalimutan nito si Gael. Pero hindi naman siya nagsinungaling dito sa sinabi niyang may kasamang itong babae sa Bar. Siguro ganun siya ka disperado pero hindi naman niyang kayang magsinungaling kay Ella.
His feeling for her taught him, how to felt hurt. Kung iba ang gusto nang taong mahal mo. He wanted to take it slow. Sa tingin niya talaga namang wala nang paki-alam si Gael dito. Pero sa sinabi niya kanina, kitang kita niya ang pait na gumuhit sa mukha nito.
She was in pain. Mukhang mahulog ang loob nito kay Gael. Pero may isang bagay siyang ipinagtataka, kung sino ang nagsabi dito na si Gael ang nagpakidnap dito?
Marami siyang inorder na pagkain, para lang matagal silang makapag-usap ni Ella, pero parang nawalan na ata ito nang gana dahil sa binalita niya.
"Sa susunod hindi na ako papayang natangihan mo ako ha!Hay ikaw lang ata ang babaing tumangi sa akin. Nagiging habit mo na 'yon. " Kunwa'y tampo niya dito. He just wanted to change her mood. At mukhang nagtagumpay siya dahil ngumiti ito.
"Talaga ba, pasensya na." Nahihiyang turan nito.
"Ayos lang. Basta ikaw." Kinindatan niya ito.
"Hay naku, hindi ka pa rin nagbabago, dapat kasi magseryoso ka na para makahanap ka nang babaing bagay sa'yo."
"Mayroon na kaya, kaso lang---komplikado."
"Magkaibigan nga kayo, mahilig kayo sa mga komplikadong bagay." Umiling pa ito.
"Magkaiba kami no. Mas friendly at mas approachable naman ako." Depensa niya.
"Kung sabagay," sang-ayon nito naikinangiti niya.
Pagkalipas nang halos isang oras ay nagpaalm na ito sa kanya. Gusto sana niyang alamin kung saan ito nakatira pero, pinigilan niya ang sarili. Baka mapressure naman ito kanya. Pagbalik niya sa hotel ay naroon si Luca na nakatingin sa malayo. He was looking at a picture.
"Kanina ka pa?" Nagulat itong napalingon sa kanya. Saka mabilis na itinago ang larawang hawak nito.
"Bigla kang nawala kanina, Boss." Anang ni Luca.
"Girlfriend mo?" Kuryos na tanong niya dito. The girl looks familiar to him. Pero umiling ito. Ayon dito nag-iisang kapatid raw nitong namatay. May galit siyang nabanaag sa mata nito. Pero kaagad ring nawala.
His twenty seven years old assistant-s***h bodyguard was so much reliable man. Magaling ito higit sa inaasahan niya. Sumunod ito nang pumasok siya sa hotel.
"Bakit dito ka nagpunta Boss? May resthouse kayo sa Baguio hindi ba?" Seryosong tanong nito.
"Dito ko kasi nakita ang hinahanap ko. Tama na 'yon lang ang alam mo." Tumango lang ito.
"Sa tingin n'yo ba makukua n'yo si Ma'am Ella?"Nagulat siya sa tanong nito.
"Sira ulo ka! Wala ka bang tiwala sa charm ko." Pero ngumiti lang ito sabay kamot nang batok. "Bumalik na tayo may kailangan akong gawin. Baka magwala naman si Dad kapag nalaman niyang nilayasan ko naman ang trabaho."Napabuntong hininga siya.
"Kung ako ikaw, anong gagawin mo? Dapat bang nakipagkompetesya pa ako sa kaibigan ko para sa posisyon."
"Dapat mong gawin 'yong kung gusto mo siyang matalo." Seryosong sagot nito. Minsan nagtataka rin siya sa ugali nito. May pagkamesteryoso kasi ito, pero minsan para itong walang alam.
"Ang gusto ko lang si Ella---" matapat na sagot niya.
"Kung ganun kunin mo siya, para hindi siya mapahamak." Makahulugang turan nito na ikitatitig niya dito. Nagkamot ito nang batok. "Ang ibig kong sabihin---"
"Alam ko, ang kompanya ni Gustavo Monreal ang target ni Gael. " Pumalatak siya. "He can take the company without even marrying Ella, pero bakit niya ito pinakasalan?"
"Baka dahil gusto talaga niya ang babae."
"His a greedy man, Luca. Pero imposibling gusto niya si Ella." He was trying to convince himself. Mula nang lukuhin ito nang babae noon hindi na muling nakipagrealasyon si Gael sa kahit na sinong babae.
"The he will just use her." Sabi ni Luca na itinatitig niya dito. He saw rage in his eyes. Pero nang kumurap siya seryoso na ulit ito. Kaya nagkibit balikat na lang siya.