6

2178 Words
" GAEL ,PAANO MO ---paano mo nagawa sa akin 'to. " Natigil ang pag-uusap nila ni Brendon nang biglang pumasok sa opisina niya si Ella. She dried her tears. "What is wrong with you? "Tumayo siya. Who gave her the right to disturb him like that? Brendon decided to leave without his permission. "Niloko mo ako!" Akusa nito. "Akala ko iniligtas mo talaga ako, 'yon pala---" napahawak ito sa dibdib nito na tila hindi makahinga. "hanggang kailan mo planong itago sa akin ang totoo." Napahinto siya sa paglapit dito. Dalawang lingo na rin ang nakararan, simula nang may namagitan sa kanila. Ella was making his life a little brighter. He was happy, yet he can't show his emotion at her. He was trying pero mahirap baguhin ang nakasanayan. They never talk about it. They just sync, and it seems that they understand each other, pero heto ito ngayon at hindi maitago ang matinding galit sa kanya. "Sinong, nagpakidnap sa akin? " "Ella," tiim bagang tawag niya dito. "Listen to me," aktong hahawakan niya ito pero humakbang ito palayo sa kanya. "Huwag mo akong hawakan. Hindi ko alam kung bakit mo ako kinidnap, pero isa lang ang nasisiguro ko, hindi 'yon dahil sa gusto mo ako." Walang paalam na tinalikuran siya nito. Tinawag niya ito pero parang wala itong narinig. Hindi niya alam kung paano nalaman ni Ella ang bagay na 'yon. Noon pumasok si Brendon, mukhang nag-antay lang ito sa labas. Wala sa mga tauhan niya na naroon sa paligid nila ang nakaalam nang tungkol sa kidnapping. Pero isa lang ang sigurado niya. May nagsabi dito. Bumagon ang galit sa dibdib niya. "Alamin mo kung paano niya nalaman." Tiim bagang utos niya kay Brendon bago ito nilampasan upang sundan ang asawa niya. "Ella, open this f*****g door!" Kinalabog niya ang pinto. Naroon ito sa kuwartong ipinaayos niya para dito. Kung saan ito gumagawa nang mga drawings nito. She was writing something, parang modern comics. "Bubuksan mo ba ito, o sisirain ko ang pintong ito." Banta niya dito. "Just leave me alone, you monster!" Parang nagpagtig ang tainga niya dahil doon. Dala nang pagsiklab nang init nang ulo niya ay sinipa niya ang pinto. He forcedly open the door, at nang muli niyang sipain 'yon, tumambad sa mata niya ang nakalukong pigura nito sa isang sulok. He was in rage, calling him monster. After all his efforts to be nice and gentle to her. "Let's talk." But she didn't even budge. Umiyak lang ito. Napapikit siya trying to calm himself. He can't lose into his anger. He might end up hurting her. Sa lahat nang ayaw niya ay ang mahirap kausap. "Talk to me, while I am asking you nicely." Para siyang tangang pilit kinakalma ang sarili. But she never listen. Sa inis ay hinila niya ito. "Talk to me stupid!" She was expecting her to get scared, pero sinalubong lang nang galit nitong mata ang titig niya. Bakit kailangan nitong magalit sa kanya nang ganun. Ayaw man lang nitong pakinggan ang paliwanag niya. Ramdam niyang parang pinipiga ang dibdib niya sa kung anong dahilan. Siguro dahil sa galit na pilit niyang kinokontrol. He found himself walking out of that room. MEANWHILE ROWAN, was drinking alone in the Bar he used to hang out with Gael. Tinawagan siya nang isa sa mga tauhan niyang natatrabaho para kay Gael. Nalaman niyang nagkagulo sa bahay nito. Inutusan niya itong magreport sa kanya sa mga nangyayari sa bahay ni Gael. He just can't let him be happy with Ella. Nang dalawin niya ito sa bahay nito sa Laguna, halata niya sa mata ni Gael na masaya ito. And there he was keep on smiling at him na parang walang sakit na iniinda. He was so jealous knowing, na nagkakamabutihan na ang mga ito. He was too late nang pumunta siya sa mansion nito sa Ilocos. Nakaalis na umano ang mga ito. Kaya lalo siyang napikon. At ang ikinainis pa niya ay walang makapagsabi sa kanya kung saan ang mga ito nagpunta. Gael has so many proterties in the entire country at may ilang hindi niya alam dahil ayaw nitong ipaalam kahit kanino. Tinawagan niya si Brendon, upang magtanong pero wala itong sinabi. He finally found out the she was kidnap by Gael's goons, dahil sa utos nang step mother ni Ella. He had dealt with Mrs. Monreal to get rid of Ella, in return, he will marry off Devie, Mrs. Monreal's eldest daughter. But Gael suddenly change his plan. Wala siyang alam sa dahilan kung bakit ito nagbago nang isip. He was not the type to go against his plan. Pero ginawa nito. Maybe because he had fallen for the same woman who bewitched his heart. Kaya ngayon siya ang luhaan. Nasa malalim siyang pag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone niya. It was Ella. Bigla ay parang tumalon ang puso niya dahil doon. He clear the lump on his throat before he answer. "Rowan," she said in a very soft and sad voice. Parang may biglang sumakal sa kanya, saka siya napangiwi. "Oh bakit?" Trying to sound calm. "Puwede mo ba akong tulungan?" "Kahit ano.... sabihin mo lang, Ella." The thought that she needed him made his heart flutter. "Help me get out of this place." Pinili niyang huwag nang magtanong pa. Ayon sinabi nang spy niya. Hindi pinapayagan lumabas si Ella sa mansion. "Okay." Parang tumaba ang puso niya dahil doon. He make sure she won't regret it. Sa mansion nang mga Monreal. "PAPA, kailan ulit babalik si ate Ella dito." Excited na tanong ni Alicia sa kanya. Noong unang dinala niya si Ella sa mansion ay hindi maipagkakailang tuwang tuwa ang bunsong anak niya dito. She was fifteen, pero mas muture pa ito sa panganay na anak niya kay Constance. Devie was furious when she saw Ella. Noong una ay hindi niya naunawaan, but he overheard taking to her friend, she actually had crush on Gael. Hindi niya alam kung paano nito nakilala si Gael at Devie, pero naniniwala naman siyang makakamove on rin ito. Malaki ang pasalamat niya sa asawa kung paano nito natunton ang kanyang anak. Sa totoo lang matagal talaga niyang pinahanap ang mag-ina niya noon, pero wala sa mga private detective na inupahan niya ang nakapagbigay nang lead sa kanya. Kahit noong nabalitaan niya ang aksidente apat na taon na ang nakakararaan, bigla na lang naawala ang mga ito. He was too devastated that time. Mas madali sana niyang matutunton ito kung ginamit man lang si Elizabeth ang pera sa bangkong sadyang ipinapasok niya sa account nito, para sa panganga-ilangan nila. Sinisi niya ang sarili na wala siyang nagawa noon para sa babaing mahal niya. Sa paglipas nang panahon ay natutunan na rin niyang mahalin ang babaing pinili nang pamilya niya. "Sana kapag nagboyfriend ako, kasing guwapo at kasing yaman ni Kuya Gael." Masamang tingin ang ibinigay niya sa bunsong anak. "Ang bata-bata mo pa boyfriend na agad ang hinahanap mo." Saway niya dito. "Sympre Papa, maganda rin ako tulad ni Ate Ella, so posibling makaboyfriend din ako tulad ni Kuya Gael." "Hoy Alicia, hindi ka ba titigil. Bakit hindi ka magpa-ampon sa Ella na 'yon." "Hmp- ingit ka lang kasi no." "Oh tama na 'yan. Bilisan mo na anak baka malate ka pa sa school." Anang ni Constance kay Alicia. Palabas na siya nang bahay nang matangap niya ang tawag mula kay Gael. Napangiti siya, iyon ang ikalawanang pagkakataon tinawagan siya nito. Excited na sinagot niya ang tawag nito. "Oh, Gael, iho, napatawag ka." Saglit itong hindi nagsalita. "Nagpunta ho ba sa bahay n'yo si Ella?" Napakunoot siya. "Hindi naman, usually ay tumatawag siya kapag, pupunta dito sa bahay. Sa Tita Julie niya baka doon nang punta? Hindi ba siya umuwi?" Takang tanong niya. "Sige ho, puwede bang tawagan n'yo ako kung pumunta siya sa inyo." Parang lasing ata ito. Pero napakaaga naman para uminum ito. " Sir, alis na ho tayo?" Tanong ni Isko ang kanyang driver. "Sige pero pumunta tayo nang Laguna." Nag-alala siya bigla. Pagdating niya sa mansion ni Gael ay, kaagad naman siyang pinapasok nang security nito. Mahigpit ang seguridad sa mansyon nito. His son in law was one of the most riches man in the country. Higit itong mayaman kaysa kaya. Naisip niyang malaki ang maitutulong nito sa pagpapalawak nang negosyo niya. At alam niyang matutulungan nito si Ella para matutunan nito ang pagpapatakbo sa Monreal Industries. Kinausap na niya ang anak upang hilingin na bumalik ito sa pag-aaral at pag-aralan magpatakbo nang kanyang negosyo. Pumayag naman ito pero sasabihin raw muna ito sa asawa nito. Pagdating niya ay nabutan niya nang natatarantang mga kasambahay. May mga unipormadong lalaki an hula niya ay mga dalawang pong katao nang nasa labas at tila may inaantay. Nilapitan niya ang isang kasambay na tila takot na takot. Nagulat pa ito nang hawakan niya ang braso nito. "Anong nangyayari dito. "Napatingin siya sa mga nagkalat na bubog sa sahig. Ilang vase nang nakatumba at basag na. Napatingin siya sa ikawalang palapag nang marinig niya ang tila nabasag na salamin. Bigla siyang nag-aalala sa anak. Then the man growls as if in deep pain. "Ay susmaryosep!" Gulat na saad nang may edad na babaing nagsimulang magligpit nang mga kalat. "Dalawang araw na ho kasing wala si Ma'm Ella. Kagabi pa nagwala si Sir nang di niya matawagan ang asawa niya. Noong isang araw ho kasi umuwi dito si Mam Ella galit na galit kay Sir, tapos nagtalo sila, ayon sinira ni sir 'yong pinto nang study room ni Mam Ella."Mangiyak- ngiyak na kuwento nito. "Nasaktan ba si Ella?" "Naku hindi ho. Nasaan na kaya si Mam Ella para tumigil na si Sir, nakakatakot talaga siya kapag galit." Aktong aakyat siya nang humahangos na bumaba si Brendon. Kilala niya ang lalaki dahil madalas itong kasama ni Gael sa mga lakad nito. Nagulat siya nang makita ang duguang kamay nito. "Naku, Sir Brendon dumudugo ang kamay n'yo." Anang nang katulong dito, nagulat pa ito nang makita siya. "Sa tagal ko dito ngayon lang nagwala nang ganyan si Sir. Kahit gaano siya kagalit." Nahihintakutang sabi pa nito. Dumiretso si Brendo sa kitchen sink upang linisan ang dugo sa kamay nito. Mukhang hindi naman ito ang nasugatan. "Ayos lang ba si Gael?" "Hayaan na lang muna natin siya, Mr. Monreal. Baka matawagan n'yo ang anak n'yo." Nakiki-usap na saad nito. "Nakatulog na siya. Ngayong lang siya uminum nang ganun." "Ano bang nangyari?."Umiling lang ito. Nagpaalam siya dito. Susubukan niyang kausapin si Julie baka may alam nito. Hindi kasi nang riring ang cellphone nang kanyang anak. Kaya lalo siyang nag-alala. Tumuloy na sila sa Cavite upang makausap si Julie. Naabutan niyang nagtitrim ito nang bonsia sa may bakod. Nagulat pa ito nang makita siya. Nag-aalangan man ay pinatuloy siya nito. Sinabi niya dito ang pakay. "Dumalaw si Ella noong nakaraang araw pa, pero kasama niya ang asawa niya. Nag-away ba sila?" Isang malalim na buntong hingina pinawalan niya. "Hindi ko rin alam, pero nagwawala si Gael. Mukhang may pinag-awayan sila." "Ano kayang nangyari?" NAGISING SI Gael sa nanakit niyang ulo. Kasabay ang kirot nang kamay niya. Nasapo niya ang ulo saka bumangon. "Ayos na yan." Narinig niyang turan ni Brendon, naroon ito sa banyo at may kung anong inaayos. Kasabay noon ang pagbalik alaala niya sa nangyari. Nagtangis ang bagang niya. Basta na lang siyang iniwan ni Ella. Hindi niya matangap sa sariling isiping tinakasan siya nito. The thought made him even furious. Napatingin siya sa benda sa kamay niya. Naalala niyang sinuntok niya ang salamin dala nang matingding galit. Hindi matatangap nang pride niya naabandunahin siya nang isang babae. Iyon ang dahilan sa matinding galit niya kahapon. Ilang ulit nya itong tinagawan, pero hindi na niya ito makontact, sa inis niya ay tinunga niya ang bote nang brandy. Hindi ganun kataaas ang tolerance nang alak sa katawan niya. Noon lumabas si Brendon kasunod si Mang Fedil. Ang isa sa mga maintenance sa bahay niya. Naupo siya sa gilid nang kama. Habang sapo ang kumikirot na sintido. "Nagpakalat na ako nang tao para maghanap sa asawa mo." Anang nito nang hindi siya nagsalita. "Pinaimbestigahan ko na rin kong sino ang kasama niya bago siya umalis nang bahay kahapon. " "Ang CCTV?" Umiling ito. "Si Rowan lang ang pumunta dito kahapon." "Nagpupunta siya dito sa bahay nang wala ako?" Takang napatingin siya dito. "Ang sabi nang mga kasambahay hindi raw lumabas nang kuwarto si Ella, kaya hindi rin ito nakausap ni Rowan, pero may iniwan raw na libro para kay Ella. Pero nakita ko ang libro, sa kuwarto ni Ella, hindi pa nawala ang card." Inabot nito sa kanya ang libro. Isa 'yong comics book. "Be inspired on your writing, waiting for your update daily. From Your number one fan. " Iyon ang nakasulat sa message na nakaipit sa libro. Mukhang hindi pa rin sinukuan ni Rowan si Ella. Inamin nito dati sa kanya na gusto nito si Ella kaya kinumbinsi siya nitong ipaubaya na lang niya si Ella dito. Pero hindi niya magawang isipin man lang na ipaubaya dito si Ella. "Posible kayang magkasama sila?" "Papatayin ko siya!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD