"Can I taste it?" Kakatapos ko lang mag-bake ng cookies kaya ipapatikim ko kay Ms. Cheena. Sobrang glowing niya ngayon. Pagkatapos no'ng iwan namin siya sa convenience store, naging okay na ulit ang mood niya kaya pakiramdam ko talaga, sila na ulit ni Sir Rev. Masaya ako sa kanila. Binigyan ko siya ng isa. "Ingat po Ms. Cheena, medyo mainit pa" Hinipan niya muna iyon bago kumagat. Kinakabahan ako habang hinihintay ang kaniyang komento sa gawa kong cookies. "Hm...." nginuya muna iyon ni Ms. Cheena ng tahimik. "Ano po lasa? Pasado ba?" Kumunot ang noo niya kaya naman parang nanlulumo na ako. May hindi ba ako nasunod na recipe? Pero matagal na ako nagbabake ng ganit—" "It was great Gigi!" Biglang ngumiti si Ms. Cheena at nagthumbs up. Nakahinga ako ng maluwag bago tumikim din.

