Hindi dapat ako kasama. Sobrang awkward tuloy. Nasa shotgun seat ako. Katabi ko si Sir Sam na tahimik na nagdadrive. Sa kaniya kami sumakay nang mag-aya si Cleo na mag-date. Convoy kami ngayon papunta sa isang magandang restaurant. Dapat sila lang dalawa ni Ms. Cheena ang kasama kaso nag-insist ang amo ko na isama ako. Ngayon pa lang ay naiilang ako dahil parang magiging saling pusa ako sa date nila. Pero okay na rin iyon. Ayaw ko naman mag-date sila ni Ms. Cheena ng sila lang. "Still...shy?" Narinig kong bulong ni Sir Sam aking tabi. Pumintig ng malakas ang t***k ng puso ko sa sinabi niya. "H-ha?" Pasimple akong tumingin kay Ms. Cheena na tulala ulit at hindi nakikinig sa aming dalawa. "I mean, nahihiya ka pa rin ba? Ilang araw mo na akong iniiwasan" bulong lang iyon a

