Hindi ako makahinga ng maayos. Nanginginig ang aking mga tuhod habang nasa harap ako ng ina ni Sam. Nasa isa kaming coffee shop. Doon niya ako dinala para makausap. "I know you have a lot of question inside your mind—anyway, naiintindihan mo ba ako? Do you know basic english right?" Para akong nanliit sa kaniyang sinabi. Lumunok ako ng matindi. "Ahm...kaya ko pong makaintindi ng salitang english ma'am." magalang kong sagot. "Oh. Good to know that" Matipid akong ngumiti. "A-ano pong pag-uusapan natin?" "It's about my son Ms. Ocampo" Kumuyom ang kamao sa ilalim ng mesa. "Ano pong tungkol kay Samuel?" Sumimsim siya ng kaniyang kape. Kahit sa pagsimsim ay napaka-elegante niya at alam mong may karangyaang taglay. Ni-hindi ko pa sinubukang galawin ang order na nasa harapan ko dahil

