Pagkatapos sabihin ni Sam ang mga nakakagulat niyang rebelasyon ay tumalikod siya papaalis ng basketball gym. Gusto ko siya sundan ngunit alam kong mas kailangan ni Harvey ng kasama ngayon. "Gamutin na muna natin ang sugat mo Harvey" Tuliro pa rin siya kaya ako na ang humila sa kaniya papuntang bleachers. Tinulak ko siya paupo. "Saglit lang. Magtatanong ako kung may first aid kit sila dito" "No" pigil sa akin ni Harvey. "Stay please" Ramdam ko ang panginginig ng kaniyang kamay at ang higpit ng hawak niya sa akin kaya hindi na ako umalis. Umupo ako sa tabihan niya at tinapik ang kaniyang likod. "Totoo ba ang sinabi ni Sam, bansot?" Aniya sa mahinang boses. "Oo. B-buntis si Doc. Gia" Mariin siyang pumikit at bumuntong hininga siya. "It just a one night mistake. I was drunk t

