CHAPTER 40

1572 Words

Kung gaano kasabik sa kaarawan ko kagabi ay siya namang binawi ng napakabilis. Dahil lamang sa isang pagsisinungaling na hindi ko pa alam kung anong rason para gawin niya iyon. Pinatay ko ang cellphone. Hindi ko iyon binubuksan. Ngayon ay busy ang mga tao para sa pagluluto ng handa. Nakahanda ang malalaking kawali at sandok. Ang aking Kuya at Ate ay katulong ni Inay sa paghahanda ng mga lulutuin. Si Kuya ang nagtataga ng karne ng baboy at manok. Naggagayat naman ako ng sibuyas sa gilid. Hindi ko nga alam kung umiiyak ba ako dahil sa sibuyas o sa sakit ng puso ko e. "Ang pangit mo na bansot!" Natatawang sambit ni Harvey. Siya naman ang nagbabalat ng bawang at iba pang gulay. Umuwi siya para sa akin dahil birthday ko. Off niya ngayon. Hindi alam ni Sam na naandito si Harvey. Kun

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD